Chapter 4

299 10 2
                                    

•••••Yuki••••

Ilang segundo rin ang tinagal ng pagkakayakap ko sa kanya pero agad akong bumitaw ng mapansing hindi nya ako niyakap pabalik.

Diretso ko syang tiningnan sa mata pero wala akong makitang emosyon sa mga mata nya. Anong nangyari?

"S-Shin. M-masaya ako ng bumalik ka. Akala ko hindi ka ma babalik pa."sabi ko ay pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at inayos ang mukha ko. Nakakahiya naman na humarap ako sa kanyang may dumi sa mukha diba?

Hinarap ko sya pero wala pa rin akong makitang emosyon mula sa mga mata nya. Bakit Shin? Bakit parang ang lamig lamig ng pakikitungo mo saken? Hindi ka ba masaya na nakita mo kong muli? O may iba pang rason?

Magsasalita pa sana ako pero agad na may pumutol sa dapat kong sasabihin.

"Love!"napatingin ako sa nagsalita at agad na may pumasok na ideya sa isipan ko. Napatingin ako kay Shin na nakalingon na sa gawi nya. Halos manlumo ako ng marealize ang isang bagay. Sya ba Shin? Sya ba yung dahilan kung bakit ganyan ka ngayon saken? Kinalimutan mo na ba ako? Ganun na lang ba kadaling kalimutan ang lahat?


"Cariett."sambit ko sa pangalan nya kaya nabaling saken ang tingin nya.

"O Miyuki nandito ka pala. Teka magkakilala kayo ng Fiance ko?"tanong nya at yun na yata ang pinakamasakit sa lahat ng narinig ko.

"Fiance? Sya ang fiance mo?"takang tanong ko at bumaling sya kay Shin at hinalikan ito sa pisngi. Kaya mas lalo akong nanlumo.

"Yep. But wait you didn't answer my qeustion. Kilala mo sya ha Miyuki?"tanong nya.

"Actually. Ako yun g-"nabaling ang tingin ko kay Shin nung pinutol nya ako.

"She's an old friend of mine."sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Oh I see. No need for introductions right?,You're his friend. Small world. Nga pala. Love. Sya yung friend nung suplada kong cousin."sabi ni Cariett sa kanya pero tumango lang sya ni hindi nya ako tiningnan.

"Sige mauna na ko. Ingat kayo."paalam ko sa kanila.

"Okay then ingat ka rin Miyuki. Magdadate pa kami dito eh."sabi nya pero pinagpatuloy ko lang ang paglalakad.

Ang kapal naman yata ng mukha mo Shin. Pati yung lugar na yun. Dun mo sya dinala para magdate kayo? Ibang klase.

Sumakay ako sa jeep at patuloy pa rin ang pagpunas ko sa mata ko kasi hindi pa rin talaga ako matigil sa pagiyak. Masyadong masakit ang nalaman ko ngayon.

At sa pinakita nya mukhang wala na talagang pagasa. Mukhang nakahanap na agad sya ng iba. Tapos ako hahayaan nya na lang? Ang bilis mong magmove on Shin. At tsaka friend na lang pala ang turing mo saken.

Ganun lang pala kadali kalimutan lahat. Nakabusangot akong bumaba ng jeep at naglakad papasok ng save more.

Hinanap ko yung pinabili ni kuya saken na mga ingredients. Lokong to magluluto lang pala.

Bigla akong naalerto dahil pakiramdam ko ay may sumusunod saken, kaya nagpahalata ako ng hindi ko sya napapansin para hindi nya mapansin na nararamdaman ko sya.

Pumunta ako sa isang section na walang tao at hindi masyadong naabot ng CCTV. Buti na lang at magsasarado na ang market na to kaya wala masyadong tao. Patuloy pa rin ako sa pagpili ng mga ingredients pero nang naramdaman kong susugod na sya at agad akong humarap sa kanya at pinilipit ang kamay nya.

Agad kong kinuha yung lace sa bulsa ko at tinala sa kamay nya habang nagpupumiglas sya. Tinutok ko na agad sa leeg nya yung kustilyong dala nya.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now