Chapter 32

149 4 0
                                    

Yuki

Nabalik ako sa katinuan ng makitang may tumatawag ulit at medyo nakaramdam ako ng ginhawa ng makita ang pangalan ni Shin. Agad kong sinagot ang tawag at napangiti ako dahil kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko kasi narinig ko ang boses nya.

"Shin"sambit ko sa pangalan nya dahil medyo tahimik ang kabilang linya. Ano kayang ginagawa nya ngayon?

[You're phone is busy,someone called you]salubong nya saken kaya agad akong kinabahan, anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba sa kanya kung sino yung tumawag kanina? Pero..

"A-ah ano, w-wala, uhm tumawag lang yung dating kaibigan ko, nangangamusta ganon."palusot ko at narinig kong bumuntong hininga sya sa kabilang linya, tanda na hindi sya naniniwala sa sinasasai ko. Hay, wala talaga akong talent sa pagpapalusot.

[We promised not to hide secrets from each other,not to lie about something, didn't we?]nangongonsensya nyang sabi saken at tila may gusto syang malaman saken.

Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Yung sinabi ko sayong nagtetext saken nung last, yung nangyari na sunog sa bahay. Tumawag sya ngayon at sabi n-nya, m-marami pa daw yung hindi ko nalalaman na sikreto sa paligid ko. Hindi ko sya mmasyadong maintindihan pero may part saken na gustong malaman kung ano yun kasi tungkol saken yun eh. A-at ayokong dumating sa punto na para akong tanga at di ko alam kung ano ng nangyayari sa buhay ko."sabi ko at medyo tumahimik sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako dahil ngayon pa lang kinakabahan na ako sa mga mangyayari.

[Do you really want to know it?]tanong nya kaya napaisip ako. Wala naman sigurong mawawala saken kung aalamin ko diba kaysa ako ang maiwang luhaan sa huli dahil pinagsisihan kong hindi ko inalam kung ano ang mga yon.

"Tutulungan mo ba ako?"tanong ko at umaasa akong tutulungan nya ako dahil alam kong susuportahan nya ako sa kung ano man ang gagawin ko.

[When you return, I'll help you discover all of that.]sabi nya at napangiti ako. Hindi ako nabigo at tama ako dahil tutulungan nya ako. Sana lang maging maayos ang lahat pag sakaling malaman ko na ang mga bumabagabag saken.

"Thank you. And I m-miss you."sabi ko at medyo namula  ako, buti na lang at tawag to kasi kung personal kameng naguusap mangaasar na naman yun.

[You miss me?]natatawang tanong nya kaya napairap ako. Kailangan bang itanong pa yan? eh sinabi ko na nga.

"Kailangan pa bang itanong yan? Nakakainis ka naman eh!"naiinis kong sabi sa kanya pero tumawa lang sya. Napanguso tuloy ako sa inis. Bakit sya hindi nya ba ako namiss?

[You miss me, okay then, the feeling  is mutual. I miss you too.]sabi nya kaya lalo akong namula. Wala pa rin talagang kupas ang lokong to magpakilig.

"....."speechless hindi ako makapagsalita pagkatapos nyang sabihin yun kaya narinig kong tumawa na naman sya. Napangiti na lang ako dahil sa kalokohan nameng dalawa. 

[Sige na magpahinga ka na. I know you're tired, you should get some sleep.]sabi nya kaya napahikab ako, napatingin ako sa orasan at napansin na ilang oras na kameng naguusap at madilim na sa labas.

"Sige, Shin. ingat kayo ha."sabi ko at medyo nakaramdam ako ng inggit dahil hindi ko man lang sila makakasama sa pamamsyal nila dito.

[I love you]sabi nya kaya napangiti ako.

"I love you too."nakangiting sambit ko at saka pinatay ang tawag. Nilapag ko ang cellphone ko sa table na katabi ng higaan ko at pumikit na para matulog. Sana mapaniginipan ko sya.

Tadashi

Maaga kameng gumising kasi marami raw kameng gagalaan ngayon. Sa loob ng 1 week ay nagawa nameng malibot ang ilan sa mga famous na lugar dito sa Osaka. Since hindi pa naman ako napadpad dito sa Osaka dahil malayo ang hometown ko mula dito at tsaka medyo nakakabisado ko na ang lugar kasi parang ganito din yung lugar namen.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now