Chapter 23

217 5 0
                                    

Yuki




"Bakit ba kasi ayaw mong bitawan yan ha Yuki? Magpapractice tayo ng mga gagawin sa Graduation tapos may tatapusin pa tayo. Buong araw mo na lang bang hahawakan yan?"naiinis na tanong ni Tadashi kaya napabuntong hininga na lang ako. Kanina ko pa kasi hinahawakan ang Bouquet at sa totoo lang napapagod na ako. Hindi naman pwedeng bitawan ko to edi maraming nadamay pag nagkataon.

Nakaupo lang ako sa may upuan at nanonood sa kanila. Kanina ko pa gustong tawagan si Shin pero naalala ko na busy sya ngayon at ayoko namang abalahin sya pero kanina pa talaga ako kinakabahan. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Gusto kong sabihin na masama ang pakiramdam ko at pumunta ng clinic pero alam kong pipilitin na naman nila akong bitawan to. Naiinis na tuloy saken tong mga classmates ko.

"Ms. Yabuki. I know na inlove ka but you are here in our school hindi para hawakan ang bulaklak na yan for the rest of the day. Nandito ka para magpractice ng mga--- "Sita ni Ms. Vunerable saken. Pero agad kong pinutol yun kailangan ko ng umalis dito. Sya yung adviser namen at nahihiya na talaga ako kasi kanina pa ako hinihintay pero hindi pwede. Bahala ng magalit sila o ano ang importante ay maging ligtas silang lahat.

"Ah Ms. V, sorry po talaga kasi ngayon lang po dumating yung alam mo na po tapos medyo masakit pa ang ulo ko. Samahan pa ng puson ko na nakikisama rin. Sorry po talaga at tsaka sa susunod na lang po ako sasali sa practice. Pwede po bang umuwi muna ako?"pakiusap ko at agad namang umaliwalas ang itsura nya na para bang naintindihan nya ang sinabi ko.

"O-okay. Just promise me that when you get well magpapractice ka na. You may go now."sabi nya kaya nginitian ko sya

"Thank you po talaga Ms. V."sabi ko at nagpaalam na aalis na ako. Sinuot ko na ang bag ko at naglakad na palabas pero napatigil ako ng may tumawag saken.

"Yuki! San ka pupunta?"tawag ni Jely kaya hinarap ko sya. "Uhm. Mauuna muna akong umuwi medyo masama pakiramdam ko eh."sabi ko at tumango naman sila. "Gusto mo ihatid ka na namen?"tanong ni Tadashi pero umiling ako. "Hindi na okay na ako. Sige practice na kayo. Bye."paalam ko at naglakad na palayo sa kanila.

"Sige ingat ka Yuki."sabi nila pero hindi ko na sila pinansin. Nagmamadali akong pumunta sa parking lot at umupo ako sa likod ng puno. Napatingin ako sa kalangitan at napansin kong malapit ng dumilim.

Agad kong dinial ang number ni Shin para tawagan pero nakita kong nagflash na sa screen ng cellphone ko ang number nya. Tumatawag sya kaya dali dali kon sinagot habang hawak ko pa rin ang bulaklak.

[Yuki. I'm already at the Basement Area. I'll be there in 10 minutes.] Sabi nya at di ko na napigilang hindi maluha. Kinkabahan kasi talaga ako. Hindi ako marunong magdetonate ng bomba, hindi ko napagaralan yun.

"S-Shin. P-pwedeng B-bilisan mo?" Nauutal na tanong ko. Napasulyap ako sa timer sa loob ng bouquet. 11 hrs lang ang duration ng timer at 30 minutes na lang ang natitira. Simula kanina nung 8 am nagsimula ang timer. At ngayon 6:30 pm na at ilang minuto na lang ay sasabog na to.

[Hey what's the matter?], nagaalalang tanong nya kaya hindi ko na napigilan.

"Bilisan mo please. B-Baka hindi mo na ako maabutan."sabi ko at napatingin ulit sa timer.

[Yuki what the hell is happening! F*ck I'll be there in 5 minutes!]sigaw nya.

"Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan ha. K-kahit anong mangyari, hinding hindi kita papalitan sa puso ko."sabi ko at hindi ko pinunasan ang luha ko dahil wala na akong  pakialam.

[I love you too and why do you sound like you're going to leave me huh?]sabi nya kaya natawa ako. Kung ito man ang huli nating paguusap Shin. Gusto kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin.

Once Again (The Seniors Book 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang