Chapter 13

277 5 0
                                    

•••°Yuki°•••

"Yuki, sorry hindi matutuloy date natin ngayon. Pinapauwi ako ni mom at dad", ngayon ko lang narinig ang voice mail na pinadala ni Dae. Siguro kanina pa to habang natutulog ako.

Ngayon lang kasi ako nagising. Pagod ako kasi galing lang ako sa disaster date namen ni Jinn. Nagayos na ako ng sarili ko at naligo. Mga 9 pa ang klase ko kaya may 1 oras pa ako para magayos.

Pagdating ko sa school ay agad akong sinalubong ni Hein. At mukhang tuwang tuwa sya kaya tama ang hinala ko na sya ang may pakana para maging disaster ang date namen ni Jinn.

"Goodmorning Yami!"masiglang bati nya saken kaya nginitian ko sya. Kada makita ko sya gumaganda agad ang araw ko. Sino ba namang hindi gaganahan sa pagkahyper nyang yan diba?

"Mukhang maganda yata gising mo ngayon at ganyan ka kahyper ah."sita ko sa kanya. Dahilan para mas lalong lumaki ang ngiti nya.

"Bakit naman hindi gaganda ang gising ko eh kung hindi mo alam. Excited ako sa magiging date naten."nakangiting sabi nya kaya napangiti din ako.

"Oo nga pala san pala tayo mamaya?"curious kong tanong habang naglalakad kame papunta sa room ko.


"Hmm. Secret na lang muna. Mamaya na para may thrill."sabi nya kaya kumunot ang noo ko. Pero tumawa lang sya at nagpaalam na aalis na sya. Nanatiling nakakunot ang noo ko dahil sa curiousity na nararamdaman ko.

Pumasok na ako ng room at sakto namang pagdating ng professor namen kaya nagsimula na ang discussion. Pagkatapos ng dalawang subjects ay recess na namen. Kaya nagpunta ako sa tambayan namen at naabutan kong naghahabulan sila Jinn at Hein.


"Waaah. Yami! Tulungan mo ko! Bubugbugin nya daw ako! Sinira ko daw kasi date nyo kahapon! Eh wala naman akong kinalaman dun eh!"parang batang nagsusumbong na sabi ni Hein saken.

Agad akong napatingin kay Jinn na kulang na lang ay kainin ng buhay si Hein. Kaya pumagitna ako sa kanilang dalawa at nagsalita.

"Jinn. Totoo ang sinasabi ni Hein. Wala syang kinalaman sa nangyari kahapon sa date naten. Siguro ganun talaga dapat yun."pagtatanggol ko kay Hein pero hindi nakinig saken si Jinn.

"Don't f*ck*ng lie to me you b*st*rd! I saw you yesterday, you were hiding behind the trees. "sabi ni Jinn. Kaya napatampal ako sa noo ko. Bakit parang mahihirapan naman yata ako nito sa dalawang to.

"A-ano b-bang sinasabi mo! Gumagawa ako ng project kagabi no!"pagtatanggi ni Hein pero naging dahilan yun para mas magalit si Jinn sa kanya.


"Making your projects? Come here I'll be the one to do it! And I'll show you how to, b*st*rd!"nanggagalaiting sambit ni Jinn at nagsimula na naman silang maghabulan. Tinanaw ko na lang sila mula sa kinatatayuan ko dahil mukhang malayo na naman sila.

Pumihit na ako patalikod at naglakad papunta sa lamesa namen kung saan nagtatawanan ang dalawa.


"Hahahaha kawawang Hein. Mukhang wala na syang lusot."natatawang sabi ni Jely kaya natatawang napatango naman si Tadashi.


"Oo nga, hahahaha loko kasi eh magtatago na nga lang di pa inayos."dugtong ni Tadashi kaya medyo nanibago ako. Nasasanay kasi ako na nagaaway at nagsasagutan tong dalawang to eh .



"Mukhang nagkakasundo na kayong dalawa ah. Isang malaking himala kung ganon."nanagaasar kong sabi sa kanilang dalawa at natigil sila sa pagtawa at napatingin pa sa isa't-isa habang napakamot naman si Tadashi sa batok nya. Nakangiti ko na lang silang tiningnan na dalawa.



Once Again (The Seniors Book 2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat