Chapter 18

252 4 0
                                    

"Mukhang nahihirapan kang magdecide ah."nagulat ako sa biglaang sumulpot sa tabi ko. Kaya napatingin ako sa nagsalita at si Jely lang pala.

Huminga ako ng malalim dahil akala ko kung sino na. Nagtatakang napatingin naman saken si Jely dahil sa reaction ko.

"Ay nagulat ba kita? Sorry, hindi ko sinasadya, akala ko kasi naramdaman mo na yung presence ko, pero parang nandyan yung attention mo sa letter. Pero teka kanino ba galing yan?"sabi nya at sinilip yung letter pero dali dali ko itong finold at binalik sa paper bag kaya kumunot ang noo nya sa ginawa ko.

"Teka lang, galing ba kay Shin yan?"tanong nya kaya naisip ko na walang kwenta yung pagtatagong ginawa ko kasi nakita nya rin naman kaya wala namang masama kung sasabihin ko sa kanya diba, tutal kaibigan ko naman sya at may tiwala ako sa kanya. At tsaka masyadong paranoid yung lalaking yun.

"Uhm, umalis kasi sya kaninang umaga kaya binigay to saken nung parang P. A nya nung naglalakad ako sa hallway. At tsaka dun ko nalaman yung pagalis nya."sabi ko. Tumango tango naman si Jely.

"Pero my sinabi naman yata syang babalik sya diba? Ano ka ba Yuki. Hindi mo naiisip, nung umalis sya 3 years ago, hindi ba binalikan ka nya. Ano pa ngayon na umalis lang sya sandali, siguradong babalik yun."nakangiting sabi nya kaya napatango tango ako.

"Ano yan lang bang letter ang binigay nya?"tanong nya kaya natawa ako sa curiousity nya.

"Sabi nya ayaw nya na daw maulit yung nangyari 3 years ago kaya eto binilhan nya rin ako ng cellphone, para daw may communication kame kahit malayo kame sa isa't-isa."sabi ko at pinakita sa kanya yung cellphone. Hinawakan nya ito at tiningnan ang kabuuan ng cellphone.

"Hay, ang swerte mo at mutual yung nararamdaman nyong dalawa at hindi lang one sided love. Nakakainggit pero masaya ako para sayo Yuki kasi kahit papaano nagkaayos na kayo. Sana magpatuloy yan."sabi nya at binalik nya saken ang cellphone kaya nilagay ko ito sa paperbag.

"Ay hala 7:30 pm na pala tara na uwi na tayo."yaya nya kaya tumayo na kame at inayos ko na ang gamit ko at naglakad na kame palabas ng school. Pagkarating ko sa bahay, nilapag ko ang paperbag at kinuha ko dun ang cellphone.

Tinurn on ko ito at nagpunta ulit sa Messenger. Pinindot ko ang pangalan nya at nagdadalawang isip ako kung pipindutin ko ba or hindi. Pero naiisip ko yung sa letter nya. Naramdaman ko yung sincerity nya sa mga sinulat nya sa letter. At hindi ko kayang pagdudahan yun, pero kasi. Hay.

Pero nagulat ako ng makitang sya ang tumatawag, nanlaki anag mata ko sa gulat pero agad din naman akong nakapagadjust. Gusto kong pindutin ang answer button pero hindi ko talaga magawa. Napapikit na lang ako sa frustration na nararamdaman ko. Pero agad akong napadilat ng narinig kong pinatay nya ang tawag.

Nilapag ko na lang ang cellphone sa lamesa ko at pumunta sa higaan. Mas mabuti sigurong itulog ko na lang to.Pagkagising ko kinaumagahan ay tiningnan ko yung cellphone na binigay nya saken at nakita kong may message kaya binasa ko.

From: Shin

Why didn't you answer my call last night? Are you still mad at me? Tell me Yuki, because I f*ck*ng can't take it anymore. Hindi ko na kaya na lagi mo na lang akong binabalewala. F*ck, mamatay ako ng maaga sa ginagawa mo. So please answer my call. But please I gave you this phone hindi para mabulok lang sa loob ng paperbag, I gave this to you in means of communication. Ayokong maulit ulit yung nangyari 3 years ago.

Napapikit ako dahil sa message nya. Huminga ako ng malalim bago magbihis at magayos papuntang school.For 4 days ganun palagi ang eksena nameng dalawa. Hindi ko sinasagot ang tawag nya pero hindi na sya nagmemessage. Hindi yun dahil ayokong sagutin ang tawag nya pero kasi gusto ko syang kausapin ng magkaharap kame at ayokong sa cellphone lang kame naguusap. Gusto sa personal.

Once Again (The Seniors Book 2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें