Chapter 27

230 6 0
                                    

***Yuki***


"Your hand is bleeding", napatingin ako kay Shin dahil sa sinabi nya. Napatingin ako sa kamay kong nagdudugo at nagulat ako kasi parang hindi naman to ganito kanina. Hala anong nangyari? Napatingin ako sa kanya at kanina pa sya seryosong nagdadrive at yung tingin nya nasa daan lang kaya pano nya napansin tong sugat sa kamay ko?

"Here cover it, I will mend it when we get home."sabi nya at inabot saken ang isang malinis na puting towel. Tinanggap ko to at ibinalot sa kamay kong dumudugo. Tsaka ko naalala na nabasag ko pala yung bote kanina na ihahampas sana saken.

"Anong nangyari sa kamay mo?"tanong nya kaya napatingin ulit ako dito at nakaramdam ako ng kirot. Nagsisimula ng umpekto yung sakit ng sugat ko.

"May hahampas sana kanina saken ng bote saken kaya pinigilan ko ng kamay ko, sa sobrang higpit siguro ng pagkakahawak ko nabasag kaya ganito, hindi ko kasi naramdaman kanina eh."Sabi ko at napapangiwi kasi sumasakit na.

"Don't touch it. Wag mong diinan yung pagkakahawak mo baka mamaya mas makapasok yung mga bubog mahirap ng tanggalin mamaya yan."sabi nya kaya tinanggal ko sa pagkakahawak sa isang kamay ko at napatingin na lang sa labas ng bintana.

Nang makarating kame sa bahay nya ay sinalubong parin kame nung mga katulong.

"Get the Medical Kit."utos nya sa isang maid at agad naman yumuko ito at umalis para sundin ang inutos ni Shin. Agad nyang hinawakan ang isa kong kamay at hinila ako papunta sa isang sofa. Pinaupo nya ako at umupo sya sa tabi ko. 

Binuklat nya ang puting towel na nakabalot sa kamay ko at sakto namang dumating ang maid at nilapag ang medical kit sa lamesa. Yung isang katulong naman nilapag din yung isang maliit na palangganang tubig.

Nang matanggal nya na ang towel sa kamay ko ay halos manlumo ako sa hitsura ng kamay ko. Napalunok ako ng makitang may medyo malaki at maliliit na piraso ng bubog ang nakatarak sa kamay ko.

Binuksan nya yung medical kit at nagsimula ng kunin yung mga bubog. Kinagat ko ang labi ko para hindi mapadaing kapag medyo malalaking bubog na yung binubunot nya.

"Masakit?"tanong nya habang naakatingin saken. Kaya tumango ako pero nangunot ang noo ko ng makitang ngumisi sya.

"Anong nakakatawa? Kita mo ng nasasaktan ako eh natutuwa ka pa."Medyo naiinis na sabi ko pero umiling lang sya at nagpatuloy sa ginagawa nya.

"This will again happen to you if you would let your guard down."seryoso nyang sabi matapos ibabad sa tubig ang kamay ko, nang medyo matanggal na yung dugo ay pinisil pisil nya ito.

"Tell me kung masakit pa pag pinipisil, kasi kung sumasakit pa meron pang bubog dyan sa loob so dudukutin ko."seryoso nyang sabi kaya napalunok ako. Nagsimula na syang pisilin ang kamay ko pero wala naman akong maramdaman na sakit kaya sure ako na wala ng bubog sa kamay ko.

"Wala na hindi na sumasakit eh."sabi ko at kinuha nya yung bandage at binalot nya na ang kamay ko ng bandage ng dahan dahan. Napatingin ako sa kanya habang ginagawa nya yun. Naisip ko na dati ako yung gumagamot sa sugat nya pag napapaaway sila. Pero ngayon mukhang baliktad na yung mundo. Pero napangiti ako ng maisip na nagalala sya saken.

"Stop smiling Yuki, you look stupid."biglang sabi nya agad na naapasimangot ako nung ngumisi sya. Napatingin ako sa kamay kong nakabandage na at napatingin sa kanya.

"And I forget to tell you."panimula nya kaya mas nakinig ako.

"We're going to return to Japan tomorrow."sabi nya kaya nanlaki ang mga mata ko. Bakit naman kami pupunta dun? At tsaka may pupuntahan pa kame bukas nila kuya ah.

"Bakit naman yata biglaan? At tsaka may pupuntahan kame bukas nila kuya at lolo ah."angal ko sa sinabi nya pero napabuntong hininga lang sya.

"Kasama naten sila bukas papuntang Japan. And Jiro told me that it was your Okasan's idea. So you cannot do anything about it."sabi nya kaya nanlumo ako, hindi pa ako ready bumalik ng Japan. At sa totoo lang ayoko ng balikan yung uri ng pamilya meron kame pero mukhang wla na akong magagawa kasi wala na akong takas pag ganito na ang usapan.

"But don't worry, I'll accompany you."sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. 

"Talaga sasamahan mo ko?"tanong ko at tumango sya kaya natuwa ako. Sabi ko na nga ba hindi ako iiwan ni Shin eh. 

"Yep, Sasamahan kita hanggang sa Airport."sabi nya kaya nangunot ang noo ko at nang ngumisi sya ay sumimangot ako.

"Nakakabadtrip ka talaga kahit kailan. kita ng kinakabahan yung tao eh dinadagdagan mo pa."sabi ko pero tumawa langa ang loko. Tumayo na ako at umakyat ng hagdan. Bahala ka sa buhay mo, mamatay ka sana kakatawa. Pagpasok ko ng kwarto ko ay nagulat ako ng makitang may dalawang katulong na nagaayos ng maleta at mga damit ko.

"Teka bakit?"tanong ko pero pinutol ako nung isa at sya na ang sumagot.

"Inutusan po kame ni Sir na ayusin ang mga gamit nyo kasi po aalis po kayo bukas. Wag po kayong magalala kasi nilagay po namen lahat ng gamit nyo dyan pero nagiwan po kame ng gagamiti nyo ngayong gabi at bukas."Sabi nung isa at pilit na lang akong ngumiti.

Yumuko sila saken at lumabas na ng kwarto ko. Napatingin ako sa maleta ko na naayos na. Padabog akong umupo sa higaan at tiningnan ang kabuuan ng kwarto. Talagang pinapaalis nya na ako eh no. Nakakabadtrip ka talaga Shin as in.

Nagayos na ako ng sarili ko at natulog. Maaga na nung nagising ako kaya naligo na ako at nagayos ng sarili bago bumaba.

Nang makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Shin na nakaupo sa Dining room. Kaya umupo na rin ako sa tabi nya kasi sinenyasan nya ako na umupo sa tabi nya eh. Nilagyan nya ng pagkain ang plato ko at nagsimula na rin akong kumain. 

"How's your sleep? Is your hand still aching?"Tanong nya kaya napatigil ako sa pagsubo at sinagot sya.

"Okay na naman na at di na masyadong mahapdi, pero hindi ka naman siguro excited na paalisin ako dito sa bahay mo no? Kainis ka pinagmamadali mo yung mga katulong na ayusin yung gamit ko eh kaya ko namang gawin yun."reklamo ko sa kanya pero natawa lang sya. 

Hindi ba napagod to kakatawa kagabi?

"Why not? Graduation mo kahapon kaya natural lang na ipaayos ko sa kanila yung mga gamit mo kasi alam kong pagod ka paguwi naten. And the fact that you're left hand was injured. And yet you're insisting to fix it in your own."sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin, napanguso ako ng marealize na may point sya.

"Okay then."Sabi nya at nagtaka ako nung tawagin nya yung isang maid at nagmadali itong lumapit samen.

"Pakitanggal nung mga gamit nya sa maleta at ibalik nyo sa kwarto nya."utos ni Shin at yumuko yung maid pero bago pa sya umalis ay pinigilan ko na sya.

"Wait lang naman, eto naman niloloko lang eh. Wag kang maniniwala sa kanya ha.Pabayaan mo na lang yun. Thank you."Sabi ko dun sa maid at naguguluhan syang napatingin sameng dalawa ni Shin.

"No, I'm the boss here, I own this house at ako ang masusunod."sabi nya pero umapela ako, nakakainis naman tong lalaking to.

"Shin naman eh. Wag mong paniwalaan tong baliw na to ha."Sabi ko dun sa maid at nagpalipat lipat ng tingin sameng dalawa ni Shin.

"No, do what I had told you."Sabi ni Shin pero pinigilan ko yung babae.

"Shin naman eh!, Nakakainis ka!"Naiinis kong sigaw sa kanya pero tumawa naman sya.

"Madadala ka naman pala sa pananakot eh."sabi nya at pinaalis na yung maid. Inirapan ko sya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko sya hinintay na matapos at dumiretso na ako sa kwarto at nagtoothbrush. Napansin kong wala na yung mga maleta ko dito. Kaya nanlaki ang mata ko at agad na binuksan ang closet. Napabutong hininga ako ng makita na wala ng laman ang closet ko. Akala ko totohanin nya.

Nagayos na ako ng sarili ko at lumabas na ng kwarto. Hindi ako excited sa mangyayari ngayon. Pano ba ako maeexcited eh yung mga taong pinili kong layuan noon, babalikan ko naman ngayon, Sana lang maging okay ang pagkikita namen ulit.


Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now