Chapter 40

137 3 0
                                    

Tadashi

[She's not answering her phone!]galit na sabi ni Shin sa kabilang linya kaya kinabahan ako. Anong nangyari kay Yuki? 

"Tatawagan ko si Kuya Ichi, sandali lang."sabi ko at agad na pinatay ang tawag. Agad kong dinial ang number ni Kuya Ichi pero nangunot ang noo ko ng hindi nito sinagot ang tawag ko.

The subscriber cannot be reached please try again later.

"O ano problema?"tanong ng kakaabot lang na si Daichi. Napabuntong hininga ako dahil nagiisip ako ng paraan kung bakit hindi nila sinasagot ang tawag namen. Napatingin ako kay Daichi dahil may naisip ako.

"May number ka ni Kuya Sab?"tanong ko pero kumunot ang noo nya at umiling. 

"Kay Kuya Shiro lang ang meron ako, bakit may problema ba?"tanong nya kaya nakaisip ulit ako ng paraan. Naku pag ito hindi pa nila sinagot ewan ko na lang.

"Tawagan mo nga hindi ko macontact si Yuki eh. I loud speaker mo."sabi ko at sumunod naman sya pero puro toot toot lang naririnig namen.

The subscriber cannot be reached please try again later.  

Nagkatinginan kame ni Daichi dahil hindi rin sinagot ni Kuya Shiro ang tawag. Anong nangyari?

"May masama kayang nangyari?"nagtatakang tanong ni Daichi kaya agad ko syang binatukan. Tong loko na to talaga mahilig magjump into conclusions.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan, baka nagfamily bonding yung mga yun tapos pinatay nila yung cellphones nila para walang istorbo."sabi ko pero sa loob loob ko ay kinakabahan ako. Anong nangyari at halos lahat sila ay hindi sumasagot sa tawag namen?

Alam ko sa sarili kong imposible ang family outing na sinasabi ko dahil sa klase ng pamilya meron sila. Kaya hindi ko mapigilang hindi magisip. Nagaalala ako sa kanila, lalo na si Yuki. Dahil pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda. Dahil nakakapagtataka naman natawagan na namen yung dalawa nyang kuya pero hindi pa rin sumasagot. Sana lang walang nangyaring masama.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ulit. Si Shin.

[What happened?]tanong nya kaya bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Hindi sila sumasagot sa tawag namen. Natawagan na namen sila Kuya Shiro at Kuya Sab pero wala talaga. Pero susubukan ulit nameng kontakin mamaya sila Kuya Jiro."sabi ko at para kahit papaano ay kumalma naman sya.

[D*mn it!]nakarinig ako ng isang kalabog sa kabilang linya. Hays.

"Kumalma ka Shin, sigurado naman akong okay lang sya."pagpapakalma ko sa kanya pero naputol ang linya. Nilayo ko ang cellphone ko sa tenga at tiningnan kung wala ng tawag. 

"O ano sabi?"tanong ni Daichi pero nagkibit balikat ako. Sigurado ako mainit na naman ulo nun.

"Mainit na naman ulo, hindi mahanap si Destiny nya eh."sagot ko at tumawa naman sya. Napailing iling na lang ako.

Hindi ko talaga inaasahan na magiging ganyan kabaliw si Shin kay Yuki eh noon halos sakalin nya na tong si Yuki, pero pagibig nga naman comes ina mysterious way.

"Tara magpalamig muna tayo kasi pag dumating yun dito iinit na naman."natatawang sabi ni Daichi kaya tumango ako.

Yuki

Isang linggo ang nakalipas at nakasurvive naman kame. Nakahanap kame ni kuya ng isang murang apartment. 2-storey sya so kasya kame may apat na bedrooms so, ako sa taas, si Kuya Ichi at Kuya Sab sa isang room sa taas rin. Si kuya Shiro at Kuya Jiro sa may isang room din sa baba. Tapos si Okasan at Otosan ay share sa isang room sa may baba rin. 

Once Again (The Seniors Book 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora