Chapter 26

267 6 0
                                    

••••Yuki••••

Nakangiti akong lumapit sa kanila at agad naman akong sinalubong ni kuya Ichi ng yakap.

"Congrats at sa wakas graduate ka na!"sabi ni kuya Ichi at agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Tiningnan ko yung mga katabi nya at agad na nanlaki ang mata ko ng nakita ko sila Kuya Jirou,kuya Shiro at lolo. Pumunta kasi sila sa Cebu at di ko alam kung kailan sila babalik kaya nagulat ako pero masaya ako na nandito sila sa isang importanteng okasyon sa buhay ko.

"Hindi man lang kayo nagpasabi na pupunta pala kayo"nakangusong saad ko at natawa naman silang tatlo.

"Hindi rin naman sila nagtext samen Yuki at tsaka isa pa, kararating lang din nila mga 10 minutes bago matapos ang program."paliwanag ni Kuya Sab.

"Pero masaya ako kasi nandito kayo."masayang sabi ko at ginulo naman ni kuya Shiro ang buhok ko.

"Dahil nakapagtapos ka na sa pagaaral. Proud kameng lahat para sayo. Omedetoo Gozaimasu Yuki."sabi ni kuya Shiro kaya ngumiti ako.

Translation: Omedetoo Gozaimasu means - Congratulations

"Pasensya ka na at di makakapunta si Otosan. May pinuntahan kasi silang meeting ni Okasan kaya ganun. Pero Omedetoo Yuki."sabi ni kuya Jirou. Napatingin naman ako kay lolo at napangiti ako ng nginitian nya ako. Nilapitan ko sya at niyakap.

"Masaya ako na nakapagtapos ka na Yuki at sana makayanan mo ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay mo. Nandito lang kameng lahat para sayo."bulong nya kaya medyo kinabahan ako pero agad yung napalitan ng isang ngiti.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay lolo at hinarap sila. "Group hug tayo!."yaya ni Kuya Ichi kaya nagyakap kameng lima. Ayaw sumama ni lolo eh.

Natatawa kameng bumitaw sa isa't-isa. "Nga pala natanggap mo ba yung regalo ni Otosan?"tanong ni Kuya Ichi at pinakita ko sa kanya ang camera.

"Yuki!."agad akong napalingon at nakita ko si Tadashi na nakangiti habang papalapit saken. Niyakap ko sya agad. Sa wakas graduate na kame.

"Waaaah! Graduate na tayo! Ang saya!"natutuwang sigaw ni Jely at niyakap rin ako. Hindi naman nagpahuli si Hein at Jinn. Nagulat ako kasi hindi ko inaasahang kumpleto pala silang lima.

"Hindi man lang kayo nagpasabi na dadating kayo."nakangiting sabi ko sa kanila at agad naman silang lumapit saken.

"Aba makakalimutan ba namen tong araw na to? Nako Yuki, hindi naman yata pwedeng magkalimutan na lang tayo dito."biro ni Kei at natawa kame. Niyakap nya rin ako. Bakit kaya andaming yakapan na nagaganap dito ngayon?

"Omedetoo Yuki!"natatawang sambit ni Aki at lumapit silng dalawa ni Daichi saken. Niyakap ko rin sila pero agad akong napabitaw sa kanila nung makarinig ako ng tikhim.  Nabaling ang tingin ko kay Shin at napangiti ako ng makita sya. Seloso talaga hmp.

Nilingon ko sila kuya na nakangiting nakatingin samen. Pinakilala ko sa kanila sila Hein, Jinn at Jely at natuwa naman silang makilala ang tatlo. Maliban na lang kay Kuya Ichi na kanina pa sinusulyapan si Jely. Ano kayang problema nito

"Ah sige, sabay sabay na tayong magdinner para sa Celebration naten!"yaya ko sa kanila pero umiling sila kuya.

"Nope you can go with you friends. Bukas na lang tayo magdidinner."sabi ni kuya Sab pero kumunot ang noo ko.

"Ehh. Sige na magkakasama tayo para masaya."pilit ko pero umiling sila kuya

"Its okay Yuki. Spend time with your friends for today. Bukas na lang tayo."sabi ni kiya Ichi kaya nagtaka ako. Bakit naman kaya.

"Bakit?"takang tanong ko pero ngumiti lang si kuya at ginulo ang buhok ko.

"Basta. Mamaya na lang namen sasabihin sayo."nakangiting sabi nya at wala akong nagawa kundi sumang ayon at pabor rin naman saken to kasi makakasama ko sila Jely. Nagpaalam na ako sa kanila at nagsisakay na kame sa mga kotse namen. Sumabay ako kay Shin at sila Jely naman sumabay kay Hein. Sila Tadashi ayun nagkanya-kanya. Hindi na sumama si Jinn kasi masama daw pakiramdam nya. Ano kayang nangyari dun.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now