Chapter 10

270 6 0
                                    

••••Yuki••••

1 week ago magmula nung isang dinner party ang ginawa nila Tadashi at iba pa nameng classmate. Hindi nakapunta yung iba kasi may trabaho sila at hindi naman ako ganun ka babaw para hindi maintindihan yun. Syempre may kanya kanya na rin silang buhay kaya ganun. Pero nagpapasalamat ako na may mga kaibigan akong tulad nila. Dahil kahit papaano ay napagaan nila ang loob ko.


Pagkatapos nung araw na yun ay hindi ko na ulit nakita si Shin at kahapon lang ay ang libing ni Cariett. Kahit ako nagulat kasi parang nakakapagtaka na namatay agad sya at napansin kong wala si Shin dun kahapon. Nagtaka ako kasi diba Girlfriend nya yun?

"Psst."napatingin ako sa katabi ko. Sya pala yung transferee at hindi ko maintindihan kung may saltik ba to sa ulo o abnormal lang talaga. Kanina nya pa ako kinukulit at sya pa ang nagrequest sa professor na maupo sa tabi ko.



"Psst huy. Miss anong pangalan mo? "kulit nya at napabuntong hininga ako bago sya hinarap.


"Pwede bang wag kang magulo? Nakikinig ako sa discussion di mo ba nakikita?"medyo naiirita kong tanong sa kanya at bumalik sa pangangalumbaba ko habang nakikinig sa sinasabi ng professor.


"Eto naman ang sungit. Parang nakikipagkabigan lang eh no."sabi nya kaya hinarap ko sya ulit at sinagot na ang tanong nya.


"Yabuki Miyuki. Okay na? Satisfied?"tanong ko sa kanya at nakangiti naman syang tumango saken.



"Gandang pangalan. Yami na lang ang itatawag ko sayo. Masyado kasing mahaba yung pangalan mo eh kaya pinaiksi ko lang. Ako nga pala si Hein."pakilala nya.


Yami, hindi naman na masama.

At ng makuha nya na ang pangalan ko ay hindi na sya nangungulit saken. At yun ang pinagpapasalamat ko. Buti naman at nakikinig na rin sya pero napapansin kong nakatingin lang sya saken pero binalewala ko na lang.



Tumunog na ang bell, hudyat na recess na kaya kinuha ko na ang gamit ko at nilagay sa bag. Dinismiss na kame ng professor at  binitbit ko na ang bag ko at umalis na ng room.



"Yami! Sabay tayong magrecess!"narinig kong tawag nya mula sa likod ko kaya binilisan ko ang paglakad para di nya ako maabutan. Nakahinga ako ng maluwag ng nakitang hindi na sya nakasunod sakem at nakarating na ako sa tambayan nameng tatlo.

"O nakasimangot ka na naman dyan."napatingin ako kay Tadashi na naglalapag ng pagkain namen. Recess na kasi ngayon kaya sya ang nagprisinta na bumili ng pagkain namen.



"Wala may iniisip lang ako."sabi ko at tinaasan nya ako ng kilay at naupo sa harap ko.


"Wag mong sabihin iniisip mo sya."nakataas kilay nyang tanong. Pero napatawa ako.

"Ikaw talaga. Diba sabi ko nagmomove on na ako sa kanya? Ano bang pinagsasabi mo dyan? At tsaka naalala ko yung makulit na transferee sa isa sa mga subject ko."natatawa kong sabi. Pero inirapan nya lang ako.

Grabe talaga tong pagka OA ni Tadashi. Dinaig pa sila kuya. Pero naisip ko hindi ko pa nasasabi kila kuya ang tungkol dito. Napansin ko kasi tahimik lang sila at hindi naman na sila nagtatanong kung saan lupalop na nakarating si Shin. Pero inaamin ko. Sinusubukan kong kalimutan sya pero mahirapa gawin.

"Siguraduhin mo lang Yuki. Naku sinasabi ko sayo wala ka ng mapapala dun. At saka wag mong isipin yun. G*go yun eh."sabi nya at nagtawanan kameng dalawa. Dumating naman agad si Jely galing sa CR.

"Aba may pinaguusapan yata kayo na hindi ko alam ah."sita nya at tinaasan kame ni kilay. Tinawanan lang sya namen si Tadashi. Pero napansin ko yung tingin ni Tadashi sa kanya. Para kasing iba eh. Mhmm. Mukhang may bago na naman akong ishiship ah.


"Hay kayo talagang dalawa. Bilisan nyo ng kumain dyan at may klase pa tayo."sabi ni Jely at isusubo ko na sana yung fries pero napatigil ako dahil sa may nagsalita.

"Pwede bang makiupo?"sabay kameng tatlo na napatingin dun aa lalaking nagsalita at agad na nanlaki ang mata ko ng makita sya. Teka anong ginagawa nya dito?


"Jinn?"gulat kong tawag sa kanya at napatingin naman saken yung dalawa.


"Teka kilala mo sya Yuki?"nagtatakang tanong ni Tadashi kaya tumango ako.


"Yes and I'm her friend. And wait my name is Jinn."pakilala nya.




"A-ah ano. Sige umupo ka na lang dito."yaya ko sa kanya sa bakanteng upuang nasa tabi ni Jely. Nakapalibot kasi kame sa lamesa at medyo malaki to kaya kasya kame dito.


"Okay then."sabi nya at uupo na sana sya pero napatingin ako kay Tadashii ng pinatong nya ang bag nya sa bakanteng upuan sa tabi ni Jely. Kumunot ang noo ko sa ginawa nya.



"Uy Tadashi ano yan?"tanong ko.


"Masyadong mabigat ang bag ko at may laptop na nakalagay dyan kaya hindi pwede na ipatong ko na lang kung saan saan yan."sabi nya kaya nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanya at kay Jinn..


Nakita ko namang siniko ni Jely si Tadashi at sya na mismo ang kumuha ng bag ni Tadashi mula sa upuan.



"Yan sige upo ka na."yaya ni Jely sa kay Jinn at umupo naman sya dito. Nanatiling masama ang tingin ni Tadashi kau Jinn, pero hindi ito alintana ni Jinm. Inusog nya ang upuan nya sa tabi ko kaya may agwat ang upuan nya sa upuan ni Jely.



"Kain na tayo."yaya nya at kumuha na ako ng burger at kakagatin ko na sana ng may marinig ako.


"Yami!!"agad akong napatingin sa tumawag saken at nakita kong tumatakbo si Hein papunta dito sa direksyon namen.



"Wag mong sabihing kaibigan mo rin yun Yuki."nakataas ang kilay na sabi ni Tadashi, at nakatingin na silang tatlo saken na para bang hinihintay ang sagot ko.


"Hello Yami, andito ka lang pala, napagod ako kakahanap sayo."sabi nya sabay punas ng pawis nya at kumuha ng upuan sa tabi at nilagay sa pagitan namen ni Tadashi. Agad syang umupo dun at mukhang pagod na pagod sya.


"Hoo! Napagod ako dun ah! Yami pasubo naman ng fries."sabi nya at mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nya.


"Aba't g*go ka ah! Sino ka bang g*go ka ha?!"nagulat kaming lahat dahil sa galit na tanong ni Tadashi at napatayo pa sya.



"Ay oo nga pala nakalimutan ko. Ako nga pala si Hein, classmate ko si Yami at kaibigan ko rin sya. Okay na ba?"pakilala nya at umupo na ulit na para bang hindi nagalit si Tadashi sa kanya.



"Aba't-"hinila sya paupo ni Jely kaya napaupo naman sya at nanahimik sya dahil sa pinandilatan sya ng mata ni Jely.



Napasubo na lang ako ng fries at nanahimik. Naaakwardan ako sa totoo lang.


"O sige na magsikain na tayo!"masiglang sabi ni Jely at kinindatan nya ako na para bang may gusto syang ipahiwatig.


Napatingin ako sa dalawang lalaking nasa magkabilang gilid ko. Hindi naman sa nagmamayabang pero mukhang alam ko ang gusto nila.


Pero ng naalala ko si Shin. Handa na nga ba talaga akong palitan sya?

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now