Chapter 39

143 4 0
                                    

Yuki

Habang nagiimpake ako ng mga gamit ko ay tumutulo ang luha ko. Huli na ng napansin ko na tapos na ako sa pagiimpake. Panibagong pagsubok na naman ang kakaharapin namen. Nanlumo ako ng maalalang pinagbook nya kame ng ticket papunta sa Pilipinas. It only means one thing, she wanted us to get lost. She wanted us out of her life and teritory. Inatake si Okasan kanina sa puso dahil sa mga nangyayari, but instead of bringing her to the hospital, Yumiko decided na tawagan na lang ang Private Doctor namen.

She needs to rest. Otosan at Kuya Ichi insisted on staying here until tomorrow morning.But Yumiko didn't agree. Gusto kong ipamukha sa kanya kung gano sya kasama at kawalang puso pero hindi ko rin naman makakaya yun. Dahil unang unang una wala akong karapatan.

Sampid lang ako sa pamilyang to kaya ni katiting na karapatan para sumbatan sya ay wala ako. Nanatili akong tahimik at tinatago ang lahat ng sama ng loob sa sarili ko. Dahil lahat kame ngayon ay may kanya kanya problema, hinanakit at sakit.

Gusto kong sabihin kay Shin ang nangyayari pero ayoko ng dagdagan ang problema nya. Isang buong araw syang hindi tumawag o nagtext man lang at isa lang ang ibig sabihin non. May problema sya ngayon kaya nakalimutan nya na. Pero alam nya na kaya ang nangyari? I doubt it. Kung alam nya kanina pa sya tumawag pero wala akong natanggap kahit missed call.

Its already 9 in the evening. 11:00 pm ang flight namen pero parang wala ako sa mood na umalis. Dahil pag umalis ako ay mawawalan na ako ng koneksyon kay Shin. Hindi naman ako umaasa na sasabihin ni Yumiko kung nasan kame once na umalis kame sa bahay na ito.

Napatigil ako sa pagiyak ng makarinig ako ng katok mula sa labas kaya pinahid ko ang mukha ko at tumayo para buksan ang pinto ko. Nagulat akong makita si Yumiko sa harap at nasa likod nya ang ilang maids na nakayuko at nakaiwas ang tingin saken. May mga bodyguard din sya sa likod nya.

"I want to talk to you and this won't take too long."sabi nya pero huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Masama na ang pakiramdam ko kaya sana ay wag nya ng dagdagan pa. Tama na yung kanina.

"I'm busy fixing my things so I don't have time for that."tanggi ko sa sinabi nya at akmang isasarado na ang pinto pero pinigilan nya yon gamit ang paa nya. Huminga ako ng malalim at nagpasyang papasukin na lang sya sa kwarto ko. Wala akong magagawa dahil lahat ng gusto nya ay magagawa at makukuha nya sa ayaw at sa gusto ko.

Sinarado ko ang pinto at nilibot nya ang tingin nya sa buong kwarto ko. Naupo sya sa sofa sa tabi ng higaan ko at seryosong tumingin saken. Nakacrossed arms pa sya pero walang ganang tiningnan ko lang sya. Kung ano man ang sasabihin nyang insulto ay hindi ko na iisipin pa kasi baka humilata na lang ako dito sa sahig.

"What do you want? You already have what you think you deserved now what?"walang ganang tanong ko sa kanya pero hindi sya nagbigay ng kahit anong emosyon saken. Nanatili lang rin akong nakatingin sa kanya.

"You're wrong, because I haven't get my fiancee back."sabi nya at tulad ng inaasahan ko ay yun nga ang sasabihin nya pero hindi ako papayag. Sya na lang ang meron ako at ang pamilya ko, hindi ko na alam ang mangyayari saken pag nawala pa sya saken.

"Just take away anything from me, may it be wealth, or anything but not him. He's the only one left in me so--"naputol ang dapat kong sasabihin dahil sa sunod nyang sinabi.

"All I want is to get him back. You're wrong, because you still have you're family, your friends. But me all I have is myself and no one else. When my parents died, loneliness never left my side.  But you, you're lucky because whatever what happens, you will still have a family to lean on. But me I don't have anything but him."sabi nya at nakaramdam ako ng lungkot at awa.

"You're right. I will always have my family to support me during hard times. My friends who will always be there whenever you need them. But Shin is a different story. He's the only person I want to be with in the future until I die. And I cannot visualize my future without him in my life."kontra ko sa sinabi nya kaya napatingin sya saken. 

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now