Chapter 33

127 4 0
                                    

Yuki

After 2 Weeks

Maaga akong nagising dahil excited akong makita sila ulit. Nagmamadali akong maligo at magayos ng sarili ko. Pagkatapos ay tiningnan ko ang cellphone ko kung may text o wala. Medyo nanlumo ako ng makitang wala syang kahit isang text man lang.

Mukhang nakalimutan nya yata na itext ako, siguro may ginagawa sya?

Pero sa pagkakakilala ko sa kanya, umagang umaga pa lang pagkagising ko it either he'll call me or sometimes he'll text me. Pero nagtataka ako ngayong umaga kung bakit wala. Hindi naman ako clingy na klase ng girlfriend pero hindi ko maiwasang hindi magtaka. Siguro busy lang talaga sya.

Pagkababa ko sa living room ay agad na nagsipagyuko ang mga maid na nadadaanan ko at nadatnan ko si Kuya Ichi na prenteng nakaupo sa sofa habang nanuod ng CD. Dahan dahan akong nnaglakad papunta sa kanya at agad naman syang napalingon sa gawi ko.

"Ang aga mo naman atang magising."gulat nyang sabi, mukhang nanibago sya kasi sa loob ng 3 linggo, tanghali na ako nagigising kaya maiksi yung oras ng training ko pero nagawa ko naman lahat ng kailangan kong gawin sa loob ng 3 weeks, kaya siguro dapat na akong lumabas ngayon.

"Wala lang, excited lang akong makita sila. Ilang araw ko rin silang hindi nakita at tsaka ilang linggo din akong MIA, kaya dapat lang na present sila ngayon no."nakakunot noong tanong ko. Pero ngumisi lang sya saken.

"Sila ba talaga ang namiss mo o yung boyfriend mo?"nakangising saad nya kaya medyo namula naman ako, talaga to alam na alam talaga kung pano ako aasarin. Hinampas ko sya sa balikat at tinawanan nya naman ako. Napanguso na lang tuloy ako lalo na ng guluhin nya ang buhok ko.

"Tsk, tsk, dalaga na talaga tong kapatid ko, baka mamaya magulat na lang ako manganganak ka na. Pero masaya ako na nagmature ka na kahit papaano at masaya ako para sa inyo. Sana kahit anong mangyari, kahit anong problema yung kaharapin nyo kayanin nyo. Nandito lang kame para sumuporta kung ano man yung desisyon mo."sabi nya at napangiti ako. Grabe manganganak agad agad?

Inaamin ko na hindi ko nagustuhan ang pagtrato saken ni okasan pero nagpapasalamat ako dahil kahit anong mangyari ay sinusuportahan ako ni otosan at nila kuya. Masaya ako kasi kahit na may mga tao na ginagawang miserable ang buhay ko, may mga tao naman na tinutulungan akong lumaban at bumangon.

"Haha, ano ba yan ang aga aga nagdadrama kayo."napatingin kame sa hagdan at nakita nameng naglalakad pababa si Kuya Jiro. Napangiti ako dahil sa pagdating nya, umupo sya sa tabi ko at umakbay saken. Natatawa naman akong inalis yun.

"Anong meron at nagdadrama kayo ha? Mamatay na ba si Yuki? Ikakasal na ba? Ano sabihin nyo?"natatawang sabi nya pero tumawa lang kame ni Kuya Ichi. 

"Tsk, mga baliw. Nga pala nasan sila okasan?"takang tanong ni Kuya Jiro, at kahit ako ay pinagtataka din yun. 

"Umalis sila ni Otosan, si Sab namili ng mga gamit nya na ewan ko kung para saan. Si Shiro naman kadate yung gf nya. So kung ako sayo Yuki, hanapin mo na yung Destiny mo baka makahanap ng ibang Destiny."nangaasar na gatong ni kuya Ichi kaya sinamaan ko sya ng tingin. 

Naglakad na ako palayo sa kanila at kinuha yung mga gamit ko sa kwarto. Pero napatigil ako ng may nakitang text galing kay Shin. Kumunot ang noo ko dahil sa text nya.

From: Shin

Osaka Aquarium. 4th floor

Napaisip ako kung bakit ganito ang text nya pero agad ko din namang narealize yung ibig nyang sabihin. Nasa Osaka Aquarium sila. Mga ilang minuto lang naman yung byahe ko galing dito papunta dun so maabutan ko pa sila.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now