Chapter 31

170 4 0
                                    

***Kei***

Pagkatapos nameng iwan ang mga gamit namen sa hotel na tutuluyan namen ay pupunta kame sa Dotonbori at Namba. Napagisipan namen na kumain muna bago mamasyal para hindi naman kame magutom.

"Wow, and ganda!. Maganda nga talaga dito pag gabi."namamanghang saad ni Jely. Namangha din ako sa ganda ng neon lights. Maganda pala talaga dito pag gabi. Hindi naman ako masyadong familiar sa Osaka kasi nakabase ako sa Capital city, Tokyo.

"Yes, and they're very famous with its restaurants."sagot ni Shin. Naalala ko dito nga pala sya nakatira ng tulad ng sabi nya. Kaya hindi na ako magtataka kung kabisado nya na ang bawat pasikot sikot ng siyudad na ito.

Naglakad lakad kame hanggang sa mapunta kame sa isang Takoyaki Store. Pumasok kame sa loob at napansin ko na hindi masyadong kalakihan ang store na yon pero sapat naman para sa buyers. At ang mas nakakamangha pa ay may mga upuan na nasa counter at nakikita namen kung pano lutuin ang Takoyaki at yung iba pang pagkain.Pero may mga lamesa din para sa ibang customers

Umupo kame sa lamesa na medyo malapit sa counter si Shin at Aki na ang umorder para samen. Nagugutom na ako at namiss ko rin naman ang mga pagkaing Japan kasi habang nasa Pilpinas kame nasanay na ako sa pagkaing Pilipino kaya hinahanap  hanap ko yung mga pagkaing pang Japan.

"Anong tawag dun sa niluluto na bilog nung lalaki?"takang tanong ni Jely. Kaya napatingin ako sa kanila. May walong upuan kada lamesa. Katabi ko si Jely na katabi naman si Tadashi at Hein. Sa harap naman ay si Aki, Daichi at Shin.

"Takoyaki tawag dyan. At sinasabi ko sa inyong masarap yan. Pramis, yan ang best seller nila dito eh."nagmamalaking saad ko at tumango tango naman sya. 

"Eh yung isang parang may gulay sa taas? tapos parang squid ba yon?"nagtatakang tanong ni Hein kaya napatingin ako dun sa tinutukoy nya at napangiti ako. "Okonomiyaki ang tawag dyan masarap din yan."sagot ko sa kanya at napatango tango naman sya.

Natigil lang kame sa paguusap ng ideliver na ang orders namen. Takoyaki, Okonomiyaki, Kushikatsu, Japanese Curry Rice, Ramen, Tempura, Tonkatsu, Karaage. May mga dessert rin. Tofuyo, Kenpi, Mochi Ice Cream, at Urio.

Takam na takam ako sa dami ng nakikita kong pagkain sa harap ko.

"Wow ang dami! ano kayang mas masarap unahin?"hindi mapakaling saad ni Jely pati si Hein ay namamangha sa dami ng pagkain na inorder nila Shin.

"Itadikimasu" sabay sabay nameng sabi at sumabay na lang sila Jely kasi medyo alam na naman nila ang gagawin at sasabihin sa mga ganitong pagkakataon. 

[Note: Itadikimasu means I receive this food]

"Yehey, ang sarap!"natutuwang saad ni Aki kaya natawa ako.Kumuha ako ng chopstick at inuna ko muna yung ramen. At napapatingin ako kay Tadashi kasi tinuturuan nyang kumain yung dalawa. 

"Ang sarap ng Takoyaki!"sabi ni Jely kaya natawa kame. Si Hein ay sarap na sarap din kahit na medyo nawiwirduhan sila sa itsura ng kinakain nila. "Don't judge the food by its appearance" kasi. 

"Masarap din tong noodles tsaka tong Oko---ano nga ulit yung panngalan nito?"naguguluhang saad ni Hein kaya si Daichi na ang sumagot.

"Okonomiyaki. Syempre masarap yan at tsaka marami pang version yang Okonomiyaki sa iba't ibang cities ng Japan."saad ni Daichi at napatango tango naman si Hein. Nagpatuloy kame sa pagkain hanggang sa maubos na namen lahat.

"Gochiso sama deshita"sabay sabay nameng sabi nung natapos kameng kumain. Si Shin na ang nagbayad ng bill namen at hindi na kame umangal kasi RK naman sya so okay na yun.

Nang makalabas kame ng shop ay nilibot namen ang iba't ibang shops na nandun. Gusto kasing mamili ng dalawang to kaya nakibili na rin kame.

***Yuki***

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now