Chapter 37

156 4 0
                                    

Kei

"Sabi saken nung matandang babae, galing daw si Yuki d-dito."sabi ko sa kanila matapos kong makausap yung matandang babae na nakatingin samen kanina. Nacurious ako sa kanya kaya nilapitan ko at yun ang nalaman ko. Nagtataka ako kung bakit nandito si Yuki. Anong ginawa nya dito?

"Maybe she searched for some answers."napatingin ako kay Shin dahil sa sinabi nya. Pero nakatingin lang sya sa sunog na bahay sa harap namen. Kanina naisipan nyang puntahan ang lugar  na to kaya sinamahan ko sya. May ginagawa kasi yung tatlo, may sarili rin silang part sa misyong to.

Seryoso kame at gusto nameng tulungan si Shin, lalong lalo na si Yuki. Masyadong marami na yung pinagdaanan nila at kahit papaano ayaw na nameng madagdagan pa dahil magiging mahirap yun para sa kanilang dalawa.

"Pero bakit dito? Ano namang gagawin nya dito?"takang tanong ko pero huminga lang sya ng malalim. Nagsimula na syang maglakad papasok ng bahay kaya naglakad na rin ako papasok. Tiningnan kong mabuti ang structure ng bahay, Pangit sa labas kasi nasunog pero medyo okay naman sa loob.

Napakunot nga ang noo ko kasi parang 1/4 lang ng bahay ang nasunog at yung mga gamit hindi masyadong natupok ng apoy. Naupo ako sa sofa habang sya ay naglilibot libot. Iginala ko ang paningin ko sa mga picture frames na nakikita ko. Tumayo ako at isa isang nilapitan ang mga yon. Pero hindi na masyadong clear yung iba kasi nasunog na. 

Pero napatigil ako sa isang napakalaking portrait. Medyo pinunasan ko yung ibabang parte pero napaatras ako ng parang may bumukas dahil sa ginawa ko. Naagaw ko ang atensyon ni Shin na ngayon ay nakakunot noo habang naglalakad palapit saken.

Nanlaki ang mata ko ng makitang may maliit na pinto ang nabuksan at ang mas nakakagulat ay ang medium size na libro sa loob. Kinuha ko yon at binigay kay Shin. Agad nya naman itong tinanggap at naupo kame sa sofa at binuklat yun. Ano kaya to?

"Photo album?"nakakunot noong tanong ni Shin kaya nabaling ang atensyon ko sa hawak nya. So isa tong photo album? Pero--

"T-teka, diba yan sila Mr. and Mrs. Takeda?"takang tanong ko ng mamukhaan ko yung mga inakala nameng magulang ni Shin noon. Bakit sila nandito sa picture at sino tong mga kasama nila? May 3 couples at isa na don ang foster parents ni Shin at yung isang pares ay malamang na totoong magulang ni Shin , pero sino yung isa pang pares at yung lalaki sa tabi?

"This is Mr. and Mrs. Yabuki."sabi nya habang nakaturo sa couple na katabi ng totoo nyang mga magulang. So sila pala to? Ang ganda at ang gwapo pala nila kung ganon pero kumunot ang noo ko ng mapansin na may kahawig sila pero parang hindi na oo. Basta parang slight lang.

"We need to go. And we'll bring this with us. This might help us."sabi nya at sinarado ang album. Naglakad na kame palabas ng bahay at umalis palayo sa lugar na yun. Napaisip ako sa mga ideyang bumubuo sa utak ko. Pwedeng tama ako or mali ako pero medyo malakas ang pakiramdam ko na tama ako eh. Pero pano?

Yuki

Tahimik ako habang nakasakay sa taxi pauwi. Pero hindi pa rin naalis sa isip ko ang mga nakita ko kanina. Tahimik akong nakatingin sa pendant, isa itong black crescent moon at nakaharap sa dark blue circle at may nakatusok na silver sword sa bilog at natatamaan ang ibabang bahagi ng crescent.

Pendant Heirloom.

Hindi ko alam kung sinong yakuza organization ang mayari nito, pero isa lang ang alam ko. At yun ay maari itong maging konektado ito sa nakaraan pero pano ko malalaman yun kung hindi ko alam kung saan ko mahahanap ang lahat ng information tungkol dun.

Napatigil ako sa malalim na pagiisip ng tumigil ang taxi. Dun ko lang napansin na nakatigil na kame sa tapat ng bahay kaya nagbayad na ako, binalik ko muna sa bag ko yung pendant at lumabas ng taxi. 

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now