Chapter 7

261 6 0
                                    

••••Yuri••••

"Ilang beses ba naming sinabi na hindi nga pumunta dito si Shin."asar na sabi ni Tadashi pero hindi ako pwedeng magkamali. Nandito sya kagabi. Nahawakan ko pa nga kamay nya eh tapos nakausap ko pa. So ano pala yun multo yong nakausap ko kagabi?

"Eh kung ayaw nyong maniwala eh di wag. Hindi ko naman kayo pinipilit eh ang akin lang alam kong nagpunta sya dito kagabi. Pero pinatulog nya lang ako at tsaka baka umalis na naman yata."nanghihinayang kong sinabi at napabuntong hininga dahil alam kong umalis na naman sya at iniwan na naman akong nagiisa.

Pagkatapos ng 2 days ay nadischarge na ako pero sabi ng doktor ay hindi pa daw ako pwedeng tumakbo o ano at nagpapasalamat ako dahil hindi malala ang lagay ng braso ko.

"Naexcuse na kita for 1 week Yuki at sabi ng adviser natin, pwede ka daw pumasok next week. Tutal Friday na naman ngayon. So may Dalawang araw ka pa para magpahinga. Naintindihan naman nila ang nangyari at nangungumusta nga sila eh."sabi ni Jelyne

Tumango na lang ako dahil wala ako sa mood. Naiinis ako kasi nangiiwan na naman sya. Dyan naman sya magaling eh ang mangiwan ng taong mahalaga sa kanya.

After 2 days ay balik eskwela na ako. At heto nakatunganga sa kawalan. Naghihintay na may mangyaring unexpected pero alam ko namang wala.

"Hello."agad akong napahawak sa dibdib ko ng may biglang sumulpot out of nowhere. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang lalaki top to bottom. Sino naman kaya to?

"Uhm. Hello. Sino ka?"tanong ko at napatawa sya ng bahagya dahil sa tanong ko. Ano bang nakakatawa sa tanong ko? Wala naman ah.

"I'm Jinn."sabi nya at inabot ang kamay nya saken para makipagshake hands kaya tinanggap ko na lang para masaya. Mukhang harmless naman sya kaya okay lang.

"I'm Miyuki or Yuki for short."sabi ko at ngumiti kaya ngumiti din sya. Pero agad na nawala ang ngiti ko ng may napansin akong isang bagay. Ako lang ba o namimilikmata lang ako. Pero da tingin ko may kamukha sya, hindi ko lang masabi kung sino.

"Haha wag mo kong titigan ng ganyan baka matunaw ako."sabi nya at kinindatan ako pero kumunot ang noo ko sa kanya at agad na napatawa. Sya naman ngayon ang naweweirduhan sa inaasal ko.

"Hindi ka naman feeler no? Excuse me, hindi lahat ng akala mo tama, marami ng namatay dahil dyan."sabi ko at kinuha na ang gamit ko para lagpasan sya at maglakad palayo pero medyo napatigil ako ng narinig ko ang sinabi nya.

"I like you."sabi nya pero nagkibit balikat na lang ako at hindi na sya pinansin. Habang naglalakad ay di maalis sa isip ko yung itsura nya mukha kasing may hawig eh.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag ng narinig kong may nagtext.

From: Kuya Ichi

Yuki, maaga ba uwi mo ngayon? May bisita ka dito sa bahay. Wag ka ng magtanong kung sino. Dahil alam kong kilala mo kung sino to. At pinapasabi nya daw na namimiss ka na daw nya, sa tagal ng panahon daw na hindi kayo nagkita.


Kumunot ang noo ko dahil sa text ni kuya, sino naman kayang may lakas ng loob na bumisita sa bahay? Tiningnan ko ang schedule ko. Wala na akong klase ngayong hapon, pati mamaya so ibig sabihin maaga ang uwi ko ngayon.


Inayos ko ang gamit ko at kinuha ang cellphone para magpaalam kila Tadashi at Jely na aalis na ako. Pero napatigil ako ng nakita kong naglalakad palapit saken si Jely at tumutulo ang luha nya.


"Anong nangyari?"takang tanong ko kaya pinunasan nya muna ang luha nya bago sagutin ang tanong ko.

"S-si C-Cariett, w-wala na sya."nauutal nyang sinabi kaya nanlaki ang mata ko sa gulat. Bakit? Anong nangyari?

"Bakit? A-anong nangyari? Pano nangyari?"hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Pero umiling sya na para bang hindi nya rin alam.


"Hindi ko alam kung paano pero kakatanggap ko lang ng tawag galing kay mama kanina. Sabi nya nung bibisitahin nya sana si Cariett sa condo nito. Nagulat na lang sya sa naabutan nya."sabi nya kaya napaisip ako. Sino naman kaya ang may gawa nun?

"Jelyne."sambit ko sa pangalan nya para pakalmahin sya at kumalma naman sya.

"Mas mabuti munang umuwi ka na muna ngayon at samahan mo si tita, itetext ko na lang si Tadashi na iexcuse ka tutal parehas naman ang schedula nyo ngayon hapon diba?"sabi ko at tumango naman sya.

Nung okay na sya ay pumara ako ng taxi para maihatid sya sa bahay nila. Nang nakaalis na sila ay ako naman ang pumara ng taxi para sa sarili ko at nang nakasakay na ako at agad kong tinext si Tadashi para iexcuse si Jely. Pagdating ko sa bahay ay isang hindi pamilyar na kotse ang nakaparking sa labas ng bahay.



Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang kumabog ang puso ko sa naiisip. Yan Yuki sige umasa ka na naman para masaktan ka ulit.


Huminga muna ako ng malalim at nagbayad na sa driver at lumabas ng taxi. Binuksan ko ang gate at muli itong sinarado ng nakapasok na ako sa loob. Binuksan ko agad ang pinto papunta sa sala. At laking gulat ko ng makita kung sino ang nakaupo sa sofa namen.


Agad na nanlaki ang mata ko ng napagtantong sya nga!



"Aki!"masayang bati ko at agad akong umupo sa kaharap nyang sofa. Ngumiti lang sya at nginitian ko rin sya.



"Long time no see Yuki."bati nya kaya mas lalo akong napangiti. Sa gigil ko sa kanya ay kinurot ko ang pisngi nya, kaya napadaing naman sya sa nasobrahan yata sa pagkurot.



"So kamusta ang pagaaral mo abroad?"tanong ko at bahagya syang natawa. Siguro may kalokohan na naman tong ginagawa dun?




"Okay lang naman pero mas mahirap kaysa sa high school life naten noon. At tsaka isa pa kung iniisip mong may kalokohan akong ginagawa dun naku nagkakamali ka Yuki. Nagbago na ako no."sabi nya kaya napatawa kame ng sabay.




Nagkwentuhan pa kame tungkol sa mga buhay namen these past three years. At natutuwa akong malaman na nagbago na sya at naging mas mature na di tulad noon na ang alam ay gumawa ng kalokohan kasama ang mga kaibigan nyang may saltik sa ulo.




"Ah nga pala. Yuki may hindi lang ako yung nandito. Ang totoo nyan dalawa kamebg bisita mo kaso may binili lang sa labas yung isa. So sya na yata yung kumakatok."sabi nya kaya kumunot ang noo ko. Sino naman kaya to?


Nagkaidea ako pero ayokong umasa. Ayokong masaktan.



"Isang taong mahalaga rin para sayo. At isang tao na nagbago dahil sayo."sabi nya kaya mas lalo akong naging curious so lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Nanlaki ang mata ko nga makita kung sino yun.



Hindi ko ineexpect na makikita ko sya dito. Kahit kailan hindi ako nagexpect.




Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now