- CHAPTER III: History Class -

6K 176 1
                                    

- CHAPTER III: History Class -
(Nicolette's POV)

"Zoey, aalis ka na?" tanong ko sa roommate ko.

Opo, si Zoey yung roommate ko. Wala nga kaming kibuang dalawa eh.

"Don't think of yourself so highly, Nicolette. I'll defeat you next time" at umalis na sya ng tuluyan.

Naiwan nalang akong napabubuntong-hininga. Sumunod na'rin ako lumabas at napangiti sa naabutan ko, andun na ang tatlo at naghihintay.

"Niknik! Antagal mo naman eh!" maktol ni Cy-cy

"Niiiikniiiiiiiiiiiik!!" sigaw ni Tyler tsaka ako tinalunan pero bago paman sya makalapit sa'kin, kamao na ni Kuya Xander ang pumigil dito.

"Kj!" maktol nya.

Mula sa gilid ko, inakbayan naman ako ni Cy-cy na sinundan ni Tyler na sa kabila naman.

"Bat di nalang kayo magsihanap ng mga girlfriend nyo, at ng tumigil na kayo at maging matiwasay ang pamumuhay ko dito sa academy?"

"Niknik, kaming mga good looking, we don't need to find girlfriends, they lined up and with a single wink and killer smile, I can instantly have them" si Tyler na kinindatan yung dalawang babae na dumaan, halos mangisay naman sa kilig.

"You know what Ty, your mahou really suits you!" angil ko tsaka na ako naunang pumasok sa room.

"Niknik, eh ako?" sigaw ng isa pang ugok.

"Wala! Tatanda kang binata!!" balik sigaw ko na naging kumpulan ng tukso mula sa dalawa.

When I finally sat on my designated chair, nangalumbaba lang akong tumingin sa labas. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko ang magical garden na nagkikintaban dahil sa pixie dust galing sa garden gnomes and fairies na syang nangangalaga dito.

Habang nakatitig dito, yung lalong tumatagal sya ay mas lalo kang nahuhugot papalapit ng papalapit sa hardin na'yun. Para kang nalulunod na kahit anong ahon mo ay di mo magawa not when he suddenly appeared.

"Anong– Jarred? Bat dyan ka dumaan?"

"It was fun, and seeing your face with that expression, booom, priceless." and he smirked.

Dahil na'rin sa gilid ako ng bintana na syang ginawa nyang pintuan, nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang mukha nito sa malapitan.

"Gwapo ka pala, ano Jarred?" I said, almost a whisper, tsaka ko tinitigan ng bongga ang mukha nito "Inosente yung mukha mo na tipong di makakagawa ng gulo, tas yung green mong mata ang gandang titigan. Anong meron sa hoodie at palagi kang nagsusuot nyan kahit na tumataginting ang sikat ng araw?"

Ang loko, agad na napaiwas ng tingin. Nagtaka pa nga ako kung bakit eh. At yung tenga nya, namumula na.

At yung tipong bubuka na sana ulit ang bunganga ko nung bigla nalang na umapoy ang harapan ko, napalayo tuloy ako sa kanya.

"Jarred naman eh!!" maktol ko pagkatapos kong paslangin ang apoy na ginamit nya sa buhok ko, na naman.

"Tsk!" sabi lang nito tsaka tumalon at pumunta sa sarili nitong upuan na sa likuran ko lang naman. Sa tabi ko sana kaso choosy sya at ayaw akong katabi, ayon, doon nalang daw sya sa likuran.

Psh! Suplado na naman!

Sa asar ko, nangalumbaba lang ako na tumingin sa labas. Pero hindi talaga ako mapalagay eh. Ihhhhh?

Inikot ko yung upuan ko paharap sa kanya. Nakayuko na naman po sya at mukang matutulog na naman. Sinundot ko nga, pero wala talaga.

"Woooy.... Jarred! Pssst! Hooy! Galit ka? Tsuri na! Nu ba kasi ginawa ko sa'yo?"

Lux Princess: Amber NicoletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon