- CHAPTER XXII: Rebellion -

2.8K 91 0
                                    

- CHAPTER XXII: Rebellion -
(Nicolette's POV)

"He what?!" nanlalaking mga mata na tanong ko kay Lolo habang busy sya sa pagbibilang ng reales nya.

"Apo naman, kailan ka pa naging bingi?" takang tanong nito na pinaningkitan ko lang ng mata. "Sya nga kasi yung tinutukoy ko, Fabio La Pierro, ang lalaking gumawa at nagdesenyo ng lugar na'yun. Saan ba dun ang di mo magets?"

Inirapan ko lang sya. Tseh! Pero di nga? Kaya pala alam ang pasikot-sikot ng lugar na'yun. Nanghaba tuloy nguso ko.

"Bakit pala yun nakulong, lo?"

Nagkibit-balikat sya, "Walang nakakaalam. Kilala sya sa larangang yan pero bigla nalang syang naglaho isang taon na ang nakakaraan, nabigla nga ako nung sinabi mo sa'kin eh."

Nagkibit-balikat lang ako. Naging bali-balita na'rin sa buong bayan ang tungkol sa nangyari pero gaya ng inaasahan, itinago nila ang totoong nangyari.

There are also changes in the Army of Defense, napansin ko yun noong pumunta ako doon. Of course, nakilala agad ako ni Master Chardon kahit iniba ko ang hairstyle ko at kulay ng buhok ko. Lahat ng involved, I manipulated their minds. I altered some of their memories about me, I erased my face and I made sure na tanging buhok ko lang na pula ang tanda nila. Aside dun, wala na akong binago, di ko kinuha sa isipan nila ang about sa kahalayaan nila. They need to remember every single details of what they did, well, kinuha ko rin pala ang mukha ng mga niligtas ko.

I want them safe and to live a normal life. That's the least that I can give.

Haaaaay!

"Apo, lalim na buntong-hininga nun ah. Isang linggo na'rin nung naligtas mo sila mula sa hayok sa laman na mga myembro ng Army of Defense, ngayon, ano na plano mo?"

Napatingin ako kay Lolo na nagbubukas na ng shop at napabuntong-hininga ulit. Mas malalim at mas may pinanghuhugutan.

"Di ko po alam." mahina kong bulong

"Ayan! Bukas na– Oh? Mga bata!" masiglang bati ni Lolo kasabay ang pagtingin sa'kin ng makahulugan. Agad ko namang nakuha ang ibig sabihin nito lalo na at naramdaman ko ang presensya nila, ang presensya nya.

Wala na akong sinayang na oras pa, tarantang naghanap ako ng mapagtataguan. Napamura pa ako nung masugatan ako dahil sa kakamadali ko.

Kumubli ako sa kusina.

"Anong meron at ang aga nyo atang naligaw sa aking munting tindahan?" si lolo

"Yow Tatang!" Cy-cy

"Tang!! I missed you!" Tyler

"Loud. Too loud." Dawn

"Tseh! Gwapo kamo!" Tyler

"Eww! Shut up, Tyler!" Zoey

"Wag kang ngumuso, Ty! Para kang bakla eh, gayahin mo'ko, cute pa." Cy-cy

"Okay lang maging pangit, basta ang alam ko gwapo ako sa paningin ng Dawn my loves ko!"

"Iww! Dream on." Dawn

"Mga bata. Tss!" Kuya Xander

Oh god! I missed them, I missed their voices. Di ko alam kung anong pagpipigil ang ginawa ko para di takbuhin ang kinaroroonan nila para lang bigyan silang lahat ng yakap. His voice, I haven't his voice yet.

"Nakakatawa talaga kayong mga bata kayo. Maiba nga, ano pala ang sadya ninyo dito?"

"Itong si Jarred kasi! He wanted to ask you something." asar na boses ni Zoey

Lux Princess: Amber NicoletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon