- CHAPTER XVIII: Successor -

2.8K 83 1
                                    

- CHAPTER XVIII: Successor -
(Nicolette's POV)

"I, the goddess, created everything, and you are my successor. Wake up, my one and only successor"

Napadilat ako. I looked around and I saw the clinic. Anong nangyari?

"Hey, are you okay?" tanong agad ni Jarred sa'kin. He's beside me.

"Anong nangyari? Have you seen someone I am with? I heard a voice coming from someone."

"Are you okay? Maybe the impact made you hear voices. Are you sure that you are okay? May masakit ba sayo?"

Nailing lang ako. Natatandaan ko na. I was so desperate to find the caster at bigla nalang akong nawalan ng malay. I overused my mahou. Pero teka!

"Ilang oras nalang natitira?" tanong ko.

"Thirty minutes"

Sa sinabi nito, agad na nanlaki ang mata ko. Agad na kinuha ko ang nakakumot sa'kin at akmang aalis nung bigla nya akong pigilan.

"What do you think you are doing?" he furiously asked

"I need to find him, Jarred! I need to save them!"

"And then what? Sacrifice yourself? Others are doing their best to find whoever that fucker is, so stay here and do nothing!"

"Pero–"

"Stay here!" he growled.

Wala na'kong nagawa pa. Pero nagtalukbong ako at tumalikod sa kanya. Yoko syang kausapin. Bahala sya dyan.

Di pa nga ako nagtatagal dun nung biglang bumukas ang pintuan.

"Okay lang ba ang lahat dito?" agad na napabangun ako nung marinig ko ang boses na'yun.

"Di po kayo pwede–"

"Let him be, Miss." ako dun sa isang estudyante.

Di na umimik pa ang isa at hinayaan nalang si Tatang. Opo, si Tatang dun sa bayan. Yung nagbigay samin ng emperial tools sa'min.

Deretso sya sa'kin, he smiled tsaka ako hinalikan sa noo.

"Let's talk later, hija." tsaka sya parang may itinurok sa'kin. Nung tingnan ko ang ginawa nya, kumuha sya ng dugo ko. Nginitian nya ako tsaka na bumalik kay Zeal.

Naguguluhan ako. Anong ginagawa ni tatang sa academy?

He kneeled down, tsaka binusisi ang marka ni Zeal na wala pa'ring malay. Sa ganung pagkakataon, dumating ang barkada kasama si Headmistress G.

"Isang sumpa na ginawa upang kompirmahin ang isang bagay, ang naudlot na mangyari noon ay mukang matutuloy na ngayon. At kapag meron ng ganitong klase ng sumpa, ibig sabihin lang ay gising na sya." sabi ni Tatang sa sarili nito. Kinuha nya ang tube kung saan andun ang dugo ko at ipinahid sa marka ni Zeal.

"At ang tanging makakakuha ng sumpa na gawa nya ay ang dugo ng isang tunay na tagapagmana."

Tagapagmana.

The moment my blood touches the mark, the writings vanished. At nung nawala ang marka ni Zeal, isa-isang nagsihalo din ang sa iba pang meron nun.

"Sa ngayon, kailangan muna nila ng pahinga. Maya-maya lang, magigising na ang mga yan."

"S-sige po. Maraming salamat po!"

Tumango lang si Tatang tsaka nakangiting hinarap ako. Naguguluhan ako, sobrang dami ng katanungan na meron ako ngayon. Tungkol sa pagkatao ko, o kung sino ba ako talaga. Ang boses na'yun, alam ko, ramdam ko na narinig ko na iyon before di ko lang tanda kung saan.

"Ano yung narinig na'min na andito daw si– totoo nga!" salubong ni Tyler at walang sabi-sabi na dinamba ng yakap si Tatang.

"Feeling close talaga" bulong ni Dawn kaya napahaba tuloy ang nguso ng isa pero agad na kuminang at hinarap si babae na napaatras na parang natatakot sa sasabihin ng lalaki.

"Ayiiie! Gusto mo ng yakap ko, Dawn? Sabihin mo lang, bibigyan kita. Sooooobrang higpit pa." ang walang habas na sabi nito

Kahit ako nanlaki mga mata eh. Natahimik din lahat ng tao sa clinic, lahat rinig eh. Sa ingay at lakas ba naman ng boses ng ulol.

Dawn raised her hand at piningot ang lalaki sabay martsa palabas. Lumabas lang ng walang ibang sinabi.

"Aaaaaawwwwwtttssss!" rinig pa na'min na daing ni Tyler

Naiwan nalang kaming natawa lahat. Pero agad ding natigil nung pumasok si Headmistress G. Upon seeing Tatang, she bowed his head as a sign of respect.

"Master.."

"Georgie, laki mo na. Di kita agad nakilala." natatawang saad ni Tatang.

"Master, nagpapasalamat ako at tinulungan ninyo kami."

"Maliit na bagay. Isa pa, tungkulin ko na pigilan ang kasamaan na meron ang Darkus. Pero maiba tayo, Georgie, pwede ko bang mahiram ang batang 'to? Mag-uusap lang sana kami." si Tatang sabay tingin sa'kin.

Naguguluhan man pero tumango si Headmistress G. Tiningnan ko si Jarred he did the same. At ito na nga kami, sa garden. Naupo lang kami dun, walang kibuan, walang nagsasalita.

Gustuhin ko mang magtanong, di ko alam kung ano uunahin ko.

"Hija, pwede mo bang ipakita sa'kin tunay na kulay ng buhok mo?"

"Po?" Panu nya nalaman?

Pero nung tingnan ko si Tatang, nakangiti lang sya sa'kin. Yung ngiti nya parang may humaplos sa puso ko.

I sighed and I did what he said. Nung nalantad sa kanya ang tunay na kulay ng mga buhok ko, naluha nalang sya at agad akong niyakap. Ako naman, naguguluhang niyakap din sya pabalik.

"You really look like her, hija. And your hair, it reminds me of my son. I missed you, I missed your parents." he whispered

Anong nagyayari? I really... don't understand.

Nung kumawala si Tatang sa pagkakayakap sa'kin, kita ko na naluluha pa sya.

"Pasensya ka na hija, sadyang masaya lang ako at nakita na kita. Binigyan ako ni Sere ng buhay na walang hanggan para sa iisang misyon, at sa loob ng libong taon na nabuhay ako, natagpuan na talaga kita."

"Wala po akong maintindihan.." bulong ko

"Alam ko, ikwekwento ko sa'yo lahat. Pero sa ngayon, ito na muna ang dapat mong malaman. Alam ko na alam mo na ang tungkol sa Goddess na syang gumawa ng lahat, bumaba at nakihalubilo sa mga mahou holder. Pero yung anak nya, nanganak sya at para maprotektahan ang batang yun, she manipulated time and space. Lahat ng ginawa nya, lahat ng sakripisyo nya ay nasaksihan ko. Binigyan nya ako ng buhay na walang hanggan para mahanap ang anak nya, at ikaw yun, hija."

Namanhid ang buo kong katawan sa sinabi ni Tatang, anong joke 'to?

"Syempre, ang lalaking tinutukoy sa kwento ay walang iba kundi ang anak ko. Serenity and Aaron, mahal na mahal nila ang isa't-isa pero dahil sa pakikialam ng kakambal ni Serenity, kinain ng kasamaan ang anak ko at nagawang pagtaksilan si Sere. At ngayon na nagising na sya, ang kasamaan na nawakasan noon ay magpapatuloy na ngayon."

Napatayo ako, napapa-iling.

"No, no, no. Walang katotohanan ang lahat ng yan. Di ako naniniwala.."

"Apo..." he said at akmang lalapitan ako nung bigla akong umiling-iling

"Stop. Just stop."

He sighed, "Bibigyan kita ng oras na mag-isip, pero kailangan mong magdesisyon sa madaling panahon, apo. At para maprotektahan ang buong Mahou World, kailangang mapasayo ang kaharian. Yun lang ang nakikita kong paraan..

...

....

.....

... bawiin mo ang kung ano ang sa'yo"

Di ko na alam. Agad na tumakbo ako sa kwarto ko at doon nagtalukbong.

Jarred, tulungan mo ako.

Lux Princess: Amber NicoletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon