- CHAPTER XXVI: The Deal -

2.8K 83 1
                                    

- CHAPTER XXVI: The Deal -
(Nicolette's POV)

"Anong meron at sinadya pa kaming bisitahin ng isang prinsesa na tulad mo ang munting isla na'min?" nakangiting tanong nito sa'kin pagkalapag ng tsaa na iniinom nya.

Nakangiting sumimsim ako ng tsaa at halos iisang lagok ko nalang nung malasahan ko. Saan galing 'to at bakit ang sarap? I pouted my lower lip when I heard her light chuckles. Ramdam ko rin pasimpleng nakatingin sa'min sina Zed at Derrick na syang nagbabantay sa kanilang reyna. Nakakatawa nga ang reaksyon nilang dalawa kanina nung malaman nila na ako si Amber Nicolette Lux eh, di rin na'min pinaalam pa sa iba pa ang tungkol sa pagkatao ko na syang gusto rin nilang gawin.

"You weren't shock when you saw me a while ago, Queen Celestine."

"Inaasahan ko na'rin kasi ang pagdating mo sa munting isla na'min, prinsesa. At kung ang tinutukoy mo ay ang tungkol sa pagkamatay mo, I always know that you're alive."

Napanguso ako, "Sabi ko nga.." nung maalala ko ang pakay ko, I cleared my throat when I remembered my reason on coming here, "I came here to ask you to stop the plan of rebolt against Tito Nicholas."

Yung kaninang nakangiti nyang aura ay biglang napalitan ng pagiging seryoso.

"Alam ko rin na sila ay ang nag-aaklas na paalis ka bilang pinuno sa lugar na'to, pero ngayong nagising ka na, some of them hesitated on doing so." ramdam ko rin na bumabalik na ang sigla ng buong isla simula ng magising si Queen Celestine, hindi ko na'rin nararamdaman ang presensya ng ibang nilalang na umaaligid sa paligid na syang nararamdaman ko kanina nung una akong tumapak dito.

"Alam ko na alam mo na hindi na nila itutuloy yun ngayong nagising na ako, pero ano ba talaga ang tunay na pakay mo, Princess Nicolette?"

"Andito ako para sa dalawang bagay, Queen Celestine. Ang basbas mo at ang suporta ng buong Mischievous Island kapag ako na ang panibagong reyna ng Mahou World."

Natahimik sya at nakatingin lang sa'kin, kapag kuwan ay bumuntong-hininga lang.

"You have all my blessings becoming the queen, Princess Nicolette but our support on your way of becoming one.. I'll think about it."

Napatayo ako sa sobrang galak at napa-yes pose, "Thanks!"

"Want to tour you around the island? Zed can be your tour guide while me, is going to fix the mess I left. Pwede ka ring magpalipas ng gabi dito, at ipagpabukas nalang ang pagpunta sa ibang clan."

Mas lumapad ang ngiti ko at mabilis na tumango sa kanya. Nung tumayo sya, agad na pinalabas nya ang pakpak na meron sya. Napanuod nyo yung wings nina Tinker Bell? Ganyan na ganyan ang pakpak ni Queen Celestine. Nung nawala sya sa paningin ko kasama si Derrick ay tumayo ako at nag-inat. I concealed my hair sabay balik ng cloak para matakpan ang mukha ko, ngayong naibalik na halos lahat ng lakas ko, handa na ulit akong makipagbakbakan.

I stretched my hips sa pamamagitan ng pag-iikot nito, nagjumping jacks din ako, I ran in place, pinalagatok ko rin ang mga buto ko sa leeg, kamay at paa. Habang abala ako sa pag-abot ng lupa without bending my knee, I heard someone clearing his throat. Nanlaki ang mata ko at biglang naabot ang lupa dahilan upang lumagatok ang likod ko.

Oh meh gehd! Ang sakit!

"Princess..? Okay lang po kayo?" nag-aalalang boses ni Zed

I strengthened my back tsaka sya binigyan ng ngiti, "You don't need to call me, princess, you know. Sa mata ng mga taga-Mahou World, I'm dead. Sooooo, call me Amber or Niks."

"Niks will do, then."

Napangiti ako sa kanya, atleast, madali syang kausap.

"So, ano ang una nating pupuntahan?" tsaka ko sya nginisihan.

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now