- CHAPTER XVI: Final Battle -

3.4K 96 0
                                    

- CHAPTER XVI: Final Battle -
(Nicolette's POV)

I stepped backward as I twisted my body. Mula sa ganung posisyon, mabilis na sumipa ako na nasangga naman nito ng walang kahirap-hirap. Akmang aatake ulit sya nung pigilan na kami ni Zoey

"Okay! That's enough, you've been dodging and blocking each others attempt for an hour, maawa kayo sa mga manunuod."

Inirapan lang ako ni Dawn at mabilis na umupo na habol ang hininga. Napangiti nalang ako habang hinihingal din.

"Weeew! Di ka pa'rin nagbabago, Dawn." sabi ko

"I'm a princess, Nicolette."

"Indeed."

Agad na tumayo kami at mabilis na yumuko nung makita na'min na paparating ang hari. We all bowed our heads to show respect.

"Sinabi ko na, di ba? Itrato nyo ako bilang Tito ninyo kung tayo-tayo lang naman, para saan pa at magkababata kayong lahat."

"Opo, mahal na hari." they all said.

"Ow! Ngayon ko lang ata nakita ang magandang binibini na inyong kasama. Pwede ko bang malaman ang iyong pangalan, binibini?"

I looked at him at nung magtugma ang tingin na'min, nawala ang ngiti nito na syang ikinangiti ko. "Ikinagagalak ko pong makilala kayo, Mahal na Hari. Nicolette Luxamber po, transferee ng Academia de Mahou" and we shook hands and I am still looking straight on his eyes.

"You remind me of someone I know, Ms. Luxamber. But unfortunately, she's no longer here with us."

Ako lang ba o iba ang pagkakaintindi ko sa tono nito? It seems that he is trying to provoke me. I gave him my sweetest smile tsaka ko pinakawalan kamay nito.

"The dead princess. Which, I think, is the biggest joke. Wala po ata sa kalingkingan ng namayapang prinsesa ang kakayahan ko, Sir."

"Is that so? Anyway, kids, okay na ba ang training nyo?"

"Yes, dad. Thank you for letting us stay here. Need na'rin namin na bumalik para sa final exam ng school."

"Have a safe trip, kids. Let's see each other soon, Miss Luxamber."

"I am expecting it, Sir." sooner or later, we will, Tito Nicolas. Sooner or later.

----

ISANG masigabong na palakpakan ang ibinigay ng lahat pagkatapos magsalita ni Headmistress G. sa unahan regarding sa magiging Final exam namin.

We will be paired randomly, entered a place and from there, 10 pairs should survive to proceed to the next level which is still unknown. Sa dami na'min, sampu lang kailangang maiwan. At pag natalo ang partner mo, talo na kayong dalawa.

May dalawang hologram sa gitna na nagpapakita ng dalawang magiging pares. It randomly changes from time to time, at ang nailalabas na mukha ay automatically na nawawala at napupunta sa lugar kung saan kami maglalaban-laban.

Manunuod lahat ng estudyante, lahat ng guro at maging ang hari ay dadating daw. And we, in the Class A level, will compete for our lives. Exam depends on your level, same sa mga magiging kasama mo. No year levels.

Jarred Kent Igneel and Tyler Jedrick Collins

Lahat ay naghiyawan nung lumabas ang mukha at pangalan ng dalawa.

"Ingat ka." bulong ni Jarred.

"I know." tsaka ko sya nginitian. Then they disappeared.

Xander Jacobs and Zoey Claudine Chardon.

Lux Princess: Amber NicoletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon