- Chapter XLVII: His Highness -

2.3K 69 1
                                    

- Chapter XLVII: His Highness -
(King Nicholas' POV)

"Your Majesty, Princess Dawn Bridgette is here to see you." sabi ng isang tagasilbi ko

"Let her in."

"Masusunod po." at bago sya umalis, yumuko sya ulit para magbigay galang sa'kin. Di nga nagtagal rinig ko na mabibigat na yabag ng aking anak.

"Ama, pakiusap, itigil mo na ito." pagsusumamo nito

"Buo na ang desisyon ko, Dawn Bridgette Lux."

"Nakikiusap po ako sa inyo, alam ko, naniniwala pa'rin po ako sa kabaitan mong taglay at ganun din si Amber."

"Para rin naman sa'yo tong ginagawa ko–"

"Para sa'kin ba talaga, ama? Sa'kin ba talaga o para sa pansariling kagustuhan mo na mapasayo ang lahat?!"

"Bumalik ka na sa iyong silid, Dawn."

"Ama, pakiusap. Nakikiusap po ako sa inyo, itigil nyo na ito! Para po sa'kin at kay Ina."

Nakatitig lang ako sa mukha nya tsaka ako napabuntong-hininga. "Bumalik ka na sa silid mo, di na magbabago ang desisyon ko. At bago ko makalimutan, dito ka lang sa palasyo bukas."

"Pero Ama–"

"Pakihatid ang anak ko sa kanyang silid." Utos ko sa isang kawal. Agad naman itong sumunod sa aking ipinag-utos.

Pagkalabas ni Dawn, tumayo ako at pumunta sa harap ng bintana kung saan kita sa baba ang magandang garden.

Kahit ano pa ang mangyari, kahit ano pa ang sasabihin nila di na magbabago ang isip ko. Kinuha nya ang lahat sa'kin, kaya kukunin ko rin lahat sa kanya.

Sinimulan ko sa mga magulang na'min, sa tronong dapat ay nasa akin, at higit sa lahat ay ang babaeng pinakamamahal ko. Lahat ng 'yun, lahat ng yun ay kukunin ko sa kanya.

Ampon ako, oo, ampon lang ako. Sa'kin lahat ng pagmamahal ng mga magulang na'min noon, ang oras nila at atensyon ay lahat sa akin lang. Pero simula nung lumabas ang walanghiyang Nicolo na'yun sa buhay na'min, ang masayang buhay ko ay naging miserable na. Kinuha nya ang atensyon at pagmamahal ng magulang na'min! Sa'kin lang dapat yun! Sa'kin lang!

At di pa sya nakontento dun, ang titulo ko bilang ang susunod na tagapagmana ay kinuha nya pa! Oo nga, ampun lang ako pero di hamak na mas malakas ako sa kanya! Ako ang panganay sa'ming dalawa, ako ang nauna sa pamilyang 'to pero pati 'yun ay kinuha nya pa!

Pero lahat ay naging okay, pinatawad ko sya dahil may nakilala akong babae. Ang una at huling babae na minahal ko na higit pa sa aking buhay. Si Alicia Georgette Raleigh, ang nag-iisang kapatid ni Georgina Alstair. Tama kayo, ang ina ni Amber, ang napangasawa ng kapatid ko.

Nakilala ko sya sa bayan noon, di nya alam na isa akong prinsepe at wala akong balak na ipaalam sa kanya. May kaya ang kanilang pamilya, at dumating na ako sa punto na sinabi ko kay Ama ang tungkol sa kanya. Mahal na mahal ko si Alice higit pa sa aking buhay, kaya sinabi ko na papakasalan ko sya. Tumutol si Ama, pero wala akong pakialam! Handa kong kalimutan ang buhay maharlika para sa kanya! Pero anong nangyari? Huh?! Sinulot pa sya sa'kin ng napakagaling kong kapatid!!

Umikot lang sya sa bayan noon, nakita sya ni Alice, at nahulog agad ang kanyang loob sa kapatid ko! Nakakatawa! Ang taon na iginugol ko para paibigin sya ay biglang naglaho nung umentra ang napakagaling kong kapatid. At ang nagpainit ng dugo ko nun, di manlang tumutol ang Ama na'min nung nagpaalam syang papakasalan nya ang Alice ko!

Sa araw ng kasal nila! Isinumpa ko na babawiin ko lahat ng sa kanya! Gagawin kong miserable ang buhay nya higit pa sa dinanas ko!

Kaya nung pumanaw ang mga magulang na'min, sya na ang naging hari! Sya na ang nakaupo sa trono na dapat ay akin! Hanggang sa nanganak ang Alice ko. Isang malusog na batang babae na may pulang buhok. Dahil sa buhok na'yun, pinangalanan sya Amber Nicolette Lux.

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now