- CHAPTER XIV: Alliance -

3.5K 110 0
                                    

- CHAPTER XIV: Alliance -
(Nicolette's POV)

"Ate Mara... Ate Mara... Ate Mara!!!" napabalikwas ako ng bangon at nahahapong nagising. Nung tumingin ako sa gilid ko, kita ko ang nag-aalalang mukha ni Zoey.

"Napanaginipan mo ulit sya?"

Di ako makaimik at naiiyak na naman. Gahd! Help me! Simula nung masaksihan ko ang nangyari na'yun, hindi na ako pinatulog at palagi ko nalang syang napapanaginipan.

She's asking for my help. Pero kahit na anong takbo ang gawin ko, sumigaw man ako ng pagkalakas-lakas, hindi ko pa'rin sya maabot, sobrang hirap parin nyang makita. At doon sapuntong yun ako magigising.

Ang lihim nitong pag-iyak tuwing gabi, yung sakit na dinaramdam nya na pilit nyang tinatago sa pamamagitan ng mga ngiti nito, lahat ng yun, pabalik-balik sa isipan ko. Hanggang ngayon, kinakain parin ako ng konsensya ko.

Tinagurian pa naman akong prinsesa! Taglay ang pinakamalakas na mahou tapos ano?! Ang mga taong mahalaga sa'kin ay isa-isang nawawala. Bakit pa ako nagkaroon ng ganitong kapangyarihan kung ang mga kaibigan ko ay di ko kayang protektahan? Am I this useless?

Di ko na kinaya, agad na niyakap ko si Zoey at sa mga bisig nito umiyak. Na sana sa bawat luhang lumalabas sa'kin ay mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Di na umimik si Zoey at niyakap nalang ako. Bakit pala ako umiiyak? Wala na'rin namang magagawa kahit pa lumuha ako ng dugo, hindi ko na maibabalik ang buhay ni Ate Mara. Sa ngayon, ang tanging magagawa ko nalang ay tuparin ang ipinangako ko.

"Nik, saan ka pupunta?" tanong ni Zoey nung bigla akong tumayo.

"Magsasanay." simpleng sagot ko. Akmang bubuksan ko na ang pintuan nung pinigilan nya ako.

"May balak ka bang magpakamatay? Isang linggo ka ng ganyan, Nicolette! Pagkatapos ng klase, pasimple kang magtetraining at titigil ka lang kung kusa ng susuko ang katawan mo. Kung gusto mong magpakamatay, sabihin mo lang, di ako mangingiming tulungan ka."

"Yun lang talaga ang nakikita kong paraan para makalimutan ko ang araw na'yun."

"Tangina naman kasi Nicolette! Wag mong kalimutan, gawin mong dahilan para mas tumatag ka pa lalo. Kailangan ka pa ng mga kaibigan mo, yung pangako mo na ililigtas mo yung iba pang andun, at kung mamamatay ka, ano sa tingin mo mangyayari sa mundong 'to kung si King Nicholas parin ang my hawak? Huh?!"

Nanghihina na napaupo ako. Isang linggo na simula nung mangyari ang bagay na'yun, isang linggo narin akong walang ganang kumain at puro pagtetraining lang ang inatupag. At buong isang linggo ko na'rin na pinag-alala ang mga taong nasa paligid ko.

"Kung kailangan mong magpakilala na ikaw ang prinsesa ng lugar na'to, gawin mo! Kung ano man ang magiging desisyon mo, susundin na'min. Pero sa ngayon, matulog ka muna para makapag-isip ka."

Wala na'rin naman akong nagawa pa kundi bumalik nalang sa higaan ko. Pero kahit na anong pilit ko para makatulog, hindi pa'rin ako dalawin ng antok. Hanggang na umaga na at kakaunting pikit lang ang nagawa ko.

At ramdam ko na, hindi magtatagal kailangan ko ng bawiin ang pangalan ko. Pero bago yun, I need to do something.

Kinabukasan, pagkatapos na pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa tambayan ng apat. Kasama ko si Markus. At di nga ako nagkakamali, andun silang lahat.

Ang apat, si Zoey at si Dawn.

"Naligaw ka ata?" taas kilay na tanong nito habang nakapamaywang na hinarap ako. "At kasama mo pa sya."

"We need to talk, Dawn." sabi ko.

Tiningnan ko si Tyler, tsaka ito tumango. He altered the air para kami lang ang makakaalam ng pag-uusapan namin. Kahit na tutol sya, pumasok na ako sa loob at isinara ang pintuan.

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now