- CHAPTER XXXII: Vampire Ville -

2.7K 98 0
                                    

- CHAPTER XXXII: Vampire Ville -
(Nicolette's POV)

"Baby, you sure you want to come with me?" tanong ko sa anak ko. I rested for three days at sa tatlong araw na'yun, kasama ko ang batang 'to. Tatlong araw ko na'rin na pinapaliwanag sa kanya kung bakit wala ang Papa nya.

Mukang naintindihan naman nito ang pagpapaliwanag ko, bumalik ang tatay nya sa Academy kasama ang Tita Courtney nito.

"Baby, you don't want to stay here with Tita Antoinette?"

"Tita, you know that I love you right? But I want to come with Mama."

"I'll try to communicate with you as soon as I reach Vampire Ville." tumango naman ito. Pagkatapos na'ming magpaalam, they created portal na syang maghahatid sa'min sa Vampire Ville.

Well, its a large village composed of vampires. Kaya nga hanggang maari, ayokong isama si Jarren, pero dahil mapilit ang bulinggit na batang ito, isasama ko na.

Pagkagawa ng portal ni Lady Antoinette, we bid our last goodbyes and entered it. Napadilat lang ako nung sumalubong sa'min ang kakaibang ginaw.

"Mama, malamig po." ang anak ko sabay yakap sa'kin. Hinubad ko ang balabal ko 'yun ang ipinulupot ko sa kanya.

"Feel better?"

"Opo! Thank you, Mama!"

Nginitian ko sya, ngayon, mas pinili nyang maglakad habang nakakapit sya sa hinlalaki ko. Gaya nung ibang lugar, kakahuyan ang sumalubong sa'min na may kakaibang panahon. Pero ano ba ang ineexpect mo sa mga bampira?

"Someone's coming, Mama." bulong ng anak ko at inihanda ang sarili. I called Markus out, para kung baka sakali ay makatulong sa'min. After seconds, may biglang tumigil sa harapan ko at inamoy ang leeg ko.

"Lumayo ka sa kanya, bampira." sabi ni Markus habang nakatutok sa leeg nito ang isang espada.

Bahagya syang lumayo at nakangising lumayo, labas ang pangil at namumula ang mga mata.

"Isang walang kwentang nilalang at babaeng nakakahalina ang amoy–"

"I'm still here, Mister. Can I ask you, why do you want to suck my Mama's blood? I mean, her blood is not even delicious."

Nanlamig ang katawan ko, lalo na nung mas pumula pa lalo ang mga mata nito. Bago pa nya malapitan ang anak ko, hinawakan ko na ang kamay nito.

"Touch her and you're dead."

"Try me." at sa isang iglap, hawak na nya ang anak ko sa ere at akmang kakagatin na ang leeg nito nung bigla na lamang syang tumilapon palayo.

"Tim..." bulong ko nung makilala ko ang lalaki na bigla na lamang dumating, karga nya ang anak ko na ngayon ay titig na titig sa mukha nito. She saw him in my memories.

"What are you doing here, Amber? Shit! Damn it, Caleb! Tumigil ka na!!" sigaw nito sa lalaking unang sumugod sa'min.

"Bakit ka nakikikialam, Timothy?! Ako ang unang nakakita sa kanya! Pagkain ko sya!" nanlilisik ang mga mata nito nito.

Naramdaman ko na tumakbo ang anak ko papalapit sa'kin at yumakap sa mga paa ko, bahagyang umayos naman ang lagay ng emosyon ko kanina.

"Kung di kita tinadyakan, patay ka na sana ngayon. At alamin mo kung sino ang kalaban mo, Caleb. Baka mawala ka nalang dito sa mundo ng hindi mo napapansin." tsaka sya pasimpleng sumulyap sa'kin. I did use my mahou on him, at sa oras na itinuloy nito ang balak nyang gawin sa anak ko, hindi akong mangingiming tapusin ang buhay nya. Bahagya syang yumukod at nakangiti ng bumaling sa anak ko. "Hello there, little kid, what's your name?"

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now