- CHAPTER XIII: Confusions -

3.9K 118 3
                                    

- CHAPTER XIII: Confusions -
(Nicolette's POV)

'I love you, princess'

'I love you, princess'

'I love you, princess'

Nanlaki ang mata ko. Tsk! Dito na naman po tayo. Sigurado akong mali ang pagkakarinig ko di ba? Di ba? Of course, I love him, as a friend.

Pero bakit ganito? Minsan ngingiti nalang ako habang naaalala ko yung mga katagang yun tapos biglang bibilis tibok ng puso ko at mag-iinit pisnge ko. Minsan naman, habang nag-iisip ako, sumisingit nalang sya basta o di kaya ay biglang hinahanap ko lang presensya nya. Mukang malala na talaga ang saltik sa utak ko, maluluwag na'rin ata turnilyo nila eh.

Nakapangalumbabang tiningnan ko lang sya, ang sarap ng tulog ng tukmol. Andito kami ngayon sa hospital sa bayan, wala namang pasok kaya nakapagpahinga sya kasi naubos lakas nito kahapon. Yung mga nakalaban naman nya, fortunately, walang namatay. Ang prinsesa naman ay sa palasyo nga at di muna pinayagang lumabas.

Bumaba ng bahagya ang mukha ko at tinitigan ang mga mata nito.

"Aba, mahaba pala pilikmata ng taong to?" tanong ko sa isip ko.

Pero hindi maikakaila na gwapo tong si Jarred at habang natutulog sya ngayon, parang wala lang syang pinoproblema. Ganda din lips nito na kulay pink, naglilipstick kaya to? Mas maganda pa ata ang labi kesa sa'kin eh *pout*

Nakatitig talaga ako dun, iniisip kung ano ba gamit nito. Napakurap-kurap ako nung napansin kong bahagyang gumalaw labi nito. Sa nanlalaking mata, bumalik ang tingin ko sa mukha nito.

Gising na sya! Oh Em Geh!

Nanlalaking mga mata at namumulang mukha na napalayo ako sa kanya. Mula sa likod, ramdam ko rin na may nakatingin sa'min.

"Akala ko maghahalikan na kayo eh. Sana pala tinulak ko nalang mukha mo, ano Niknik?" nang-aasar na turan ni Zoey.

Mas uminit pa lalo ang mukha ko sa sinabi nya, di ko naman napansin na sobrang lapit na pala mukha ko sa kanya eh.

"Tsk!" yung suplado

"Ipagkaila mo pa Jarred, yun din naman gusto mo eh."

Di nalang sumagot ang lalaki at tumalikod sa'kin. Dahil sa hawak ko pa'rin pala kamay nito, nadala tuloy ako.

"Sabihin nyo nga, ano ba ginawa nyo dito habang dalawa lang kayo? Sabihin nyo na, may nangyari ba sa aksidenteng yun?"

"Huh? Wala naman–" natigil ako nung naalala ko na naman mga salitang yun. Sigurado akong namali lang ako ng rinig, pero bakit parang totoo yun talaga? Ihhhh?

"See? Totoo nga ang sinasabi–" natahimik si Zoey nung pumasok ang tatlo pa. Bumalik na'rin si Tyler sa sarili nito pagkatapos ang aksidenteng 'yun. Ang prinsesa ata ang dahilan.

"Yow!!" si Cyrex na dumiretso sa fridge at kumuha ng drinks na inihagis lang sa tatlo.

"Hooy Xander, saan ka pa pupunta?" si Tyler nung akmang aalis sana ang isa. Si Cy-cy na katabi ito ay mabilis na kinaladkad ang lalaki at pinaupo sa tabi ni Zoey. Taas kilay na tiningnan ko si Zoey, ganun din ang tense na tense si Kuya Xander.

"Ako lang ba o may awkwardness talaga?" Cy-cy

"What's with the air?" si Tyler.

Tahimik lang kaming apat, pasimpleng kinuha ko narin ang kamay ko na hawak ni Jarred pero di binitawan eh. Ngayon, nakaupo na sya. Yung dalawa naman na insensitive, patuloy lang sa pag-uusap.

"Di ko rin alam eh. Hoy, Gio! May di ba ako alam?"

"Boset ka, Tyler! Wala akong alam dyan! Nu ba kasi ginagawa mo at sobrang tagal mong nakabalik?"

Lux Princess: Amber NicoletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon