- Chapter XLV: Hope -

2.1K 71 1
                                    

- Chapter XLV: Hope -
(Tyler's POV)

Hello? *ehem*ehem* Tyler Jedrick Collins is the name pretty and handsome people, pero syempre, mas gwapo parin ako sa inyo *insert kindat and killer smile here*

"Lol ka Ty, tunganga ka dyan? Bilisan mo, pinapatawag tayo ni mom." si Cyrex na pumapangalawa lang sa kakisigan ko. Asan pala kami ngayon? Ito, nasa academy pa'rin. Yung mga representative? Andito pa'rin sa academy, pinayagan naman ng bagong headmistress na dito muna sila mamalagi. At ang mga studyante naman noon na under sa hypnotism? Bumalik na, mukang hanggang sa nadakip lang talaga si Niknik ang pakay ng kung sino man ang may gawa nun.

"Ty?" tawag ng hudyong si Cyrex sa'kin.

Di ko sya pinansin, kasi nakatingin ako dun sa seksing  mangkukulam na representative ng mga mangkukulam. Whahahah! Ano daw? Pero hangseksi nya talaga mga dre.

"Si Dawn.."

Upon hearing her name, agad na natigilan ako at iniiwas ang paningin dun sa babae. Pero nung marinig ko ang tawa ni Cyrex, nilapitan ko nga at binatukan.

"Ulol! Wag mo akong tinatakot, baliw!"

"Titig na titig ka kasi kay Lady Antoinette, nakow! Pag ito malaman ni Princess Dawn, patay kang babaero ka."

"Ulol! Sa iba man nakatingin ang mga mata ko, nasa kanya naman puso ko!" sigaw ko na syang nagpatahimik sa lahat.

Bakit pala ako inuukray ng baliw na'to? Ayown! Di kasi makahirit kay Blanche! Whaha!! Courting stage kasi silang dalawa, eh ako? Ito, nganga! Ang gwapo kong nilalang pero ang Dawn my loves ko wala rito. Psh!

"Can I have your attention now?" tanong ni Tita Georgie

Pinatawag nya kasi kami ngayon. Sinong kami? Ang mga representative, teka! Nasabi ko na ba kung sinu- sino sila? Dahil sa pogi ako at macho, sige sasabihin ko.

Mythical creatures - Zedrick and Sydney, the centaurs
Witch - Lady Antoinette Dobriv
Vampire - Timothy Bloodsucker
Werewolf - Nick, the beta

Syempre, andito rin kaming grupo. Ako, si Jarred, Cyrex, Xander, Zoey, Blanche tsaka pati si Miss Courtney ay nandito rin. Di na na'min sinali ang mga bata dahil mukang seryosong usapan 'to.

Biglang pumitik si Tita Georgie at biglang nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lamang may malaking griffin sa unahan na'min.

"Griffon? What are you doing here, buddy?" tanong ni Jarred na agad tumayo.

Yan si Griffon? Yung alaga ni Niknik? Holy goddess! Ang laki!!

"Invisible sya kaya nakapasok sya dito, obviously, pinadala ni Princess Nicolette. With him is a letter for Tyler na galing kay Princess Dawn at pulang bato na galing kay Nicolette."

Nagliwanag naman ang mundo ko nung marinig ko ang sinabi ni Tita Georgie, nung ibinigay nya sa'kin ang sulat, ngiting-ngiti na tinanggap ko ito at nung buksan ko, sobrang nakakashock yung nakalagay.

MORON

Yan lang po, opo, yan lang. Nanghaba tuloy nguso ko, siniko ko naman si Cyrex na pinipigilang tumawa. Tss!

Okay! Balik tayo sa pinag-uusapan. Pinaalis na ni Tita Georgie si Griffon, balik invisible sya. Ewan ko, may pinainom ata sila kaya nya nagagawa yun. Wala na'rin naman akong pake kung ano yun, mahalaga ngayon ang kung ano ang nasa pulang bato.

"Unseal." saad ni Tita kaya nagliwanag ito at rinig na na'min ang boses ni Niknik.

"I'll make this quick, everyone. Tito Nicholas is planning to use Jarren against me, as of now, andyan sya sa baba at kasalukuyang kinukulong sa isang facility na under sa king. Ligtas si Baby Jarren, p-pero *ehem* they are currently experimenting her. Please, save her. Don't worry, ligtas ako. Save Jarren." at doon naputol at nabasag ang crystal.

Naikuyom ko ang kamay ko, mukang hindi lang ako ang nakararamdam ng galit. Rinig na rinig ko ang pagkabasag ng boses nito kanina, kilala ko si Niknik, alam ko na pinipilit nyang maging malakas para sa anak nito.

"I called you here to give you your last mission." saad ni Tita Georgie. "It won't be easy since heavy guarded and facilities na under sa pangalan ng hari dito, as of now, merong tatlong facility. That's why I am dividing you into three groups."

"Pero di tayo papayagan na lumabas ng academy, mom." si Cyrex

"Di na under sa hari ang academy, kaya safe kayong lumabas. Balak din kasi ni Mrs. Brooklyn na isuspende ang klase ng buong linggo kaya makakalabas kayo. I need you to invistigate these three facilities and confirm Jarren's location."

"Yes, Headmistress!" kaming lahat. Pagkaalis na'min dun, agad na naghanda kami. Nasabi na'rin ni Tita Georgie na pwede na'ming gamitin ang kapangyarihan na'min sa pagliligtas kay Jarren, it's a stain for King Nicholas' name if naging public ang pangyayari tungkol kay Jarren.

Tiningnan ko si Jarred na seryoso lang, simula nung sumuko si Niknik, naging ganyan na sya. Tahimik at parating malalim ang iniisip, hinayaan nalang na'min.

As what Tita Georgie said, kinabukasan ay pinalabas kami ng academy.

"Mga bata!" sigaw agad ni Tatang pagkakita sa'min, biglang nangilid ang luha nito kaya nagkatinginan kaming lahat.

"A-ano pong nangyari..?"

Sa nanginginig na kamay, ipinakita nya sa'min ang isang newspaper.

"Princess Amber Nicolette Lux's Public Execution. As a threat to Mahou world, the Council and Elders agreed to blah blah blah.."

"What the hell is the meaning of this?" turan ni Jarred sabay agaw sa newspaper. Natahimik kami, kahit ako na syang pinakamabait sa amin ay walang masabi.

"K-kuya." napatingin ako sa isang bata na bigla na lamang akong kinulbit. Isang batang lalaki at nakakapit sa likod nya ang batang babae.

"Bakit? May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Teka.. sya yung tinulungan ni Nicolette noon." bulong ni Zoey. Sya daw yung batang nagnakaw para may makain ang kapatid nyang babae.

Ipinakita nya sa'min yung newspaper tsaka itinuro ang mukha ni Niknik, "Tulong po ako, tulungan din kami ni Ate noon." sabi nito.

"Tinulungan nya rin ako noon na magbuhat ng dala ko."

"Mabait na bata ang Prinsesa, saksi kaming tagarito nun. Kaya handa kaming tumulong."

"Marami pong kwento sa'min si Ate Amber nung nandito sya."

"Tinuruan nya rin po akong magbasa tsaka isulat ang pangalan ko!"

"Yung asawa ko ginamot nya rin noong naaksidente."

Nakakabading man pero biglang nanubig ang mga mata ko lalo na nung pinalibutan kami ng mga mamayan ng Bayan, lahat sila gustong tumulong para mapigilan ang public execution ni Niknik. Pinahid ko yung luha ko na di ko alam na tumulo na pala.

Halos lahat ng mamamayan ay gustong tumulong, halos lahat sila ay di magpapahuli sa pagkukwento sa kung ano ba ang itinulong ni Niknik sa kanila. Wala na'rin silang paki kung taglay man daw ng Prinsesa ang Mahou na Death.

"Oh god." naibulong ni Zoey habang naglalandas ang luha sa mukha nito.

Sh*t! Ang gwapo ko lang xD

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now