- CHAPTER X: Markus and Zeal -

3.8K 110 0
                                    

- CHAPTER X: Markus and Zeal -
(Nicolette's POV)

Kinabukasan, usap-usapan pa'rin ang tungkol sa bagong transferee na syang nag-iisang naglakas ng loob na pigilan ang kasamaan ng prinsesa nung akmang sasampalin na ang isang estudyante.

"Okay class, you have a new classmate. Mr. Reater, please, come inside." sa sinabing yun ni ma'am, nagsimula na naman ang bulong-bulongan lalo na nung pumasok si Markus in his uniform.

Bat ba ang gwapo ng taong 'to?

"Hello, I am Markus Nielle Reater, feel free to call me Nielle. Mind reading is my mahou, I used to live in the western part of Mahou World and that's the reason why I enrolled late." tsaka sya nagbow bilang pagbibigay galang sa lahat at nginitian ang lahat. Western part of Mahou World is known for its hunting spots, lalo na kung hunting season. Kaya ang halos lahat ng ikinabubuhay ng mga taong nandun ay paghahunt. Known for their immense strength and fighting style, yun din magandang dahilan para mapigilan si Dawn.

Mahinang na nagtilian naman sila, di ko tuloy maiwasan na manghaba ang nguso ko.

Mula sa gilid, ramdam ko ang pagkaasar ni Dawn. Alam na nya kung sino o ano ba talaga si Markus, pero di nya pa masasabi ng hayagan lalo na kung di nya pa alam kung sino ang master nito. Its the best option that she can think of, for now.

"Nielle, pwede mo bang basahin ang nasa isip ko?" Classmate #1 na halatang nagpapapansin.

Ang isa namang kumag, tumawa lang at tumango, "I love you? I love you."

At inirit ng kilig ang kababaihan, naiiling nalang na natatawa si ma'am sa'min. Pero ang lahat ng atensyon ay naagaw nung biglang sinipa ni Dawn ang upuan na nasa harap nito tsaka pabalang na tumayo.

"Stop pretending like one of us and fight me for a duel, Mr. Reater." pahayag nito na syang nagpatahimik sa aming lahat.

"Pasensya na'po, mahal na prinsesa, pero di kita mapagbibigyan sa bagay na'yan." he politely refused na syang nagpainit pa lalo ng ulo ni Dawn.

"And who the hell do you think you are to refuse me?! Ako na ang prinsesa ng mundong 'to!"

"Pasensya na'po, pero andito tayo sa paaralan. At kung walang basis o hindi sinasabi ng guro, hindi tayo pwedeng magkaroon ng friendly duel."

"Scared huh?" nanunuyang sabi ng babae.

"Isipin nyo na'po ang kung ano man ang gusto nyong isipin, sumusunod lang ako sa patakaran ng paaralan na'to."

Isang bow at pumunta na sya sa nag-iisang bakanteng upuan. Ang sa likuran na'min ni Zoey. At halos matawa ako nung nagpakawala sya ng sobrang lalim na buntong hininga.

"Markus, okay ka lang?" tanong ko gamit ang mind link. Of course, dahil sa konektado kaming dalawa, both on his human form and original form, we can communicate with each other using our minds.

"Yes, master. Akala ko di ko malulusutan ang duel kasama ang prinsesa eh."

Natawa ako, "Alam mo naman na pwede ka ring makipaglaban sa kanya, di ba?"

"At kung lalabanan ko sya, hindi sapat ang lakas na meron ako para matalo sya. Kaya kailangan kong kumuha sa'yo, na ayaw kong mangyari. I already consumed half of your strength I don't want to be greedy"

"Wag mo akong alahanin, I can handle myself. Isa pa, mabuti rin tong training para sa endurance ko."

"If thats what you want, master." pagsuko nalang nya

Pagkatapos ng klase namin, pumunta akong cafeteria na mag-isa. Zoey is with the princess, kasama nung apat pa.

Haaaay!

Lux Princess: Amber NicoletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon