- CHAPTER IX: Cyrex is Back -

3.9K 133 1
                                    

- CHAPTER IX: Cyrex is Back -
(Nicolette's POV)

Pasalampak na nahiga ako sa kama ko pagkarating na pagkarating ko. Well, dumeretso pa kami kay Headmistress G. para sabihin ang tungkol sa misyon na'min. At malaking batok ang natanggap ko mula sa kanya. Binungangaan pa ako ng bongga.

Wooooh! Kapagod!

"Bat di ka kaya maligo muna ano?"  si Zoey na inirapan na naman ako. Pero sya ganun din ginawa.

Tulala lang akong nakatitig sa kisame nung biglang may kumatok. Natatamad na tumayo ako at bumungad sa'kin ang mukha ni Jarred, na bugnot na bugnot.

"Pasalubong ko..?" sabi agad nya.

"Huh?" natatangang tanong ko, ano daw?

"Woooosh! Para-paraan lang talaga Jarred eh nuh? Sabihin mo nalang kasi na gusto mo lang na makita si Niknik."

"Tsk." at pumasok na sya sa loob ng walang paalam. Dere-deretso syang kama ko at doon feel at home na umupo.

"Ano ng balak nyo ngayon?"

Sa tanong nya, napabuntong hininga ako. "Now that I have my mahou, I need a time alone with them, yung malayo kay Dawn. I'll alter their memory to somehow recover from a strong hypnotism then, a strong affection from the person they treasure the most." tsaka ko tiningnan si Zoey na nakatingin lang sa'min.

"What?" tanong nya sa'kin, pero nginitian ko lang sya at mukang nagets na nya. "No way!! No! No! Hindi ako papayag! Noooo!"

"Okay. Ako na bahala" pambabaliwala ng isa kay Zoey. Tumayo at akmang aalis na si Jarred nung hawakan ko kamay nya para pigilan.

"S-sandali lang." at mula sa likuran ko, inilabas ko yung isang pack ng gums at nahihiyang binigay sa kanya, "Noong malilit pa kasi tayo pansin ko na mahilig kang ngumuya–"

Di ko na natapos ang sasabihin ko nung bigla nyang kinuha sa kamay ko yung.. yun nga, at walang sabi-sabi na umalis.

"Pssst! Nicolette! Hanggang kailan mo balak na matulala dyan?"

"Huh? Ah! Ewan, di ko alam." wala sa sariling sagot ko bago magtalukbong ng kumot.

Waaaah! Baliw! Baliw! Baliw!

"Blush pa more. Dyan ka na, papasok na ako sa weapon handling class na'tin." at narinig ko nalang na bumukas ang pintuan at sumara din.

Pagkasara ng pinto, napabangon ako bigla. Yung gusto mong mag-isip pero wala kang ibang naiisip kundi ang.. kyaaah!! Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Shocks!

Pero ang lambot talaga ng kamay nya– agad na tinadyakan ko ang ideyang 'yun sa isip ko. Kinuha ang bag ko at umalis na dun. Mababaliw pa ata ako pag maiiwan akong mag-isa.

Woooosh! Bat ang init masyado ng mukha ko?

Di ko nalang yun pinansin at mabilis na pumasok sa weapon handling class na'min.  Since hindi pa nagsisimula ang klase, umupo nalang ako sa bakante. Andito kasi kami sa training room ngayon, mukhang demonstration na sila.

Kaharap ko si Zoey na tahimik lang at sa gilid nya ay si Dawn na walang pakialam sa mundo at yung apat na nakaupo lang ng deretso. Di nagtagal, pumasok na si ma'am na may dalang whip.

"This is Miranda, my mahou tool. Mahou tool is mahou holder's bestfriend, and in order for the connection to get stronger, mark your mahou tool with your own blood."

Napatingin ako kay Zoey, I know what she is thinking. Kaya di ko maiwasang mapahawak sa kamay ko kung saan andun  ang simbolo ni Markus.

Walang human form ang mga mahou tools at yun ang pinagkaiba nila ng imperial tools.

Lux Princess: Amber NicoletteМесто, где живут истории. Откройте их для себя