- CHAPTER XXXVIII: Show Off -

2.6K 78 0
                                    

- CHAPTER XXXVIII: Show Off -
(Nicolette's POV)

'I loathe you.'

Agad na nanlaki ang mata ko nung mabasa ko ang sinabi ni Jarren, she said those words while looking directly to the king. Pansin ko rin ang paghigpit ng pagkakahawak ni Jarred sa kamay ko. Pero di manlang alintana ni Tito Nicholas ang sinabi ni Jarren at mas lalo pa syang natawa.

Of course, knowing Jarren, ibinalik nya ang earphone nya sya tenga nya at pumunta na sa sarili nitong section at di na pinansin ang hari. Buti lang talaga at ang atensyon ng lahat ay sa hari at di napansin ang mga katagang iyon.

Natapos na ang performance ng preschoolers at ngayon naman ay ang nasa elementary level na. At nung tinawag ang pangalan ni Akiko, ang mga bruho ang nangunguna sa pag-iingay!

"Akiko Phantomhive, illusionist, and this is my mahou tool, Veronica." sya.

"Are you somewhat related to Mr. Sachi and Mrs. Yuriko Phantomhive, Miss Akiko?"

"They are my parents." simple lang na sagot nito pero napasinghap ang halos ng lahat na andun.

Sinong hindi? Phantomhive is known for its wealth and power. Sa pagkakaalam ko, kasali sa elders ang lolo ni Akiko at sa council naman ang ama nito, while her mother, Yuriko is a businesswoman. Weeew! Rich kid ang bagets.

"Wooooooh! Goooo Baby Akiko!!"

"Show them what you've got, Baby Akiko!!!"

Natawa kami dahil sa biglang pagsigaw ng dalawang ugok. Imagine, lahat ay shock dahil sa sinabi ni Akiko pero ang katahimikan ay nabasag dahil sa dalawang 'to. Piningot nga ni Dawn si Tyler habang hinambalos naman ni Zoey si Cy-cy pero bago tuluyang umupo, binigyan nya ng two thumbs up si Akiko.

Akiko raised her right hand at mula doon naging visible ang kadena na nakapalipot sa braso nito. Mula sa plain na arena, biglang nag-iba ang buong lugar. Ang training room! May mga dummies pa na nakakalat sa buong paligid, at ang mga iyon ang ginamit ni Akiko upang patamaan. Sa bawat tama nya ay kusang nawawala ang mga dummy at ang natira ay ang pinakamalaki na nasa gitna. Akiko held the knife, at sa lakas nito, hinagis nya ang kanyang weapon and the chain extended na parang wala lang ito. Malapit na ang patalim sa kalaban ng bigla itong dumami at sabay-sabay na natamaan ang dummy.

I smiled widely, it's obvious, Akiko improved. Bakas din sa mukha nito ang saya sa pinakitang performance, habang ang dalawa kanina ay mas nagwala pa. May iba na ngang napapatingin sa'min eh. Pagkatapos ni Akiko, marami pa ang nagperform, pagkatapos ng primary level na magperform binigyan kami ng isang oras, susunod ay ang secondary na.

May pupuntahan pa daw ang iba, kaya nauna nalang kaming dalawa ni Jarren sa tambayan.

"Baby, come here." tawag ko sa anak ko. Agad na tumabi naman ito sa'kin at tiningnan ako gamit ang mga mata nyang inosente. I smiled and carress her hair.

"Yes, mama?"

Mula sa leeg ko, kinuha ko yung kwentas na ibinigay ni Headmistress G sa'kin noon at inilagay ko sa leeg ni Jarren, "This necklace came from my parents, baby. But since you are my little princess, I am giving this to you."

"It came from lolo and lola mom, they gave this to you, are you sure you want to give this to me?"

I gave her a warm smile, and kissed her forehead. "You are here, baby. And if buhay pa sila, I'm sure matutuwa ang mga iyon na makilala ka."

Di nalang sya sumagot at niyakap ako, but I can feel that she's happy. May isa pa akong nadiskubre sa anak ko, hindi gumagana sa kanya ang kapangyarihan ko. One time, I tried reading her thoughts, pero imbes na mapasok ko ang utak nya, mas sumakit lang yung ulo ko.

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now