- CHAPTER XI: Lux Palace -

4.1K 119 0
                                    

- CHAPTER XI: Lux Palace -
(Nicolette's POV)

Nakatingin lang ako kay Zeal habang nakasakay kami sa shuttle bus na syang maghahatid sa'min sa palasyo.

Katabi ko si Zoey habang kaharap ko naman si Mrs. Brooklyn at Zeal sa isang upuan. Malaki ang shuttle bus at nagkasya kaming lahat, nasa thirty kasi kami. Sa bawat upuan ay pwede ang apat, may mesa sa gitna namin na may mini-fridge pa. Ang sosyal lang.

Ayon nga, nakatingin lang ako sa kanya. Kaninang umaga, usap-usapan sa buong academy ang pagbibitaw nito bilang editor-in-chief ng News. Kahit ako ay nabigla sa biglaang desisyon nito.

"Hey Nik, sabi ko naman di ba sayo, magkikita tayo ulit." tsaka nya ako nginitian.

Nginitian ko lang sya ulit. For some reason, hindi ko gustong makipag-usap sa taong 'to.

"You know what, I am really curious of you, Nicolette. Something is telling me, na may itinatago ka."

Doon ko lang naramdaman ang paggalaw ni Zoey sa tabi ko na kanina pa tulog.

"Shut the hell up, Hive." asik nito tsaka bumalik sa pagkakatulog. Pero madami naman ang mas maingay at excited sa pagpunta sa palasyo. Ako ito, kinakabahan.

'Fasten your seatbelts, kids. We are about to fly'

Boses ng driver ng shuttle. At di nga nagtagal, biglang lumundag ang shuttle at biglang bumilis ang lipad nito. Natawa pa nga ako nung nagsigawan mga kaklase ko. Nung balingan ko si Zeal, nakatingin lang sya sa'kin at nakangisi.

"Have you been here before Nicolette?" nang-aasar na tanong nito.

"You really don't know when to shut your effin mouth, do you?" si Zoey na nagising na ng tuluyan.  Antok na antok talaga ang babaeng 'to. Psh! Konti na nga lang yun kagabi eh.

"Aren't you curious, Zoey? Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi manlang sya nagulat?"

"I'm not. At isa pa, sinabi kanina, wag ka ngang tanga dyan. Ano ba kasi gusto mong malaman? Prangkahin mo nalang kasi sya at wag ka puro parinig. Kakarindi eh."

Napakurap-kurap lang ako habang nakatingin kay Zoey. Habang si Zeal naman ay natawa lang at di manlang natinag sa kamalditahan ng isa. Si Mrs. Brooklyn naman ay naiiling lang.

"I used to ride a griffin when I was a kid." katwiran ko nalang which is true. Nung bata pa'ko, may griffin akong nakita noon nung tinangka kong takasan ang guards na naghahabol sa'kin. She was so little and I took her home, inalagaan at pinalaki. Isa pa, griffin is the primary means of transportation.

Di nagtagal, nakarating na kaming Islet Port. Lux Palace is located in a floating island, umiikot sya kaya mahirap matunton ng mga kalaban, kung meron mang mangahas. Protected by a strong barrier na once pumasok ka without a permit, you will be welcomed by the army of defense.

Pagkababa na'min, sumalubong sa'min ang isang butler. Di ko sya kilala kaya di ko alam pangalan nito.

"Tawagin nyo nalang akong Butler Kyuu, nandito ako para ihatid kayo sa inyong paruruonan." sya tsaka yumuko.

Sumunod kami sa kanila habang ineenjoy ang tanawin. We are going to take a break at magsisimula kami sa paglilibot pagkatapos ng tanghalian na sagot ng buong kaharian. First time na magkaroon ng ganito, na makapasok ang mga estudyante, lalo na sa isang field trip, ng basta-basta.

Ang kasalukuyan naming nilalakad ay ang garden ng Lux Palace. A garden with all kinds of flowers that can be found in the entire Mahou World. It is maintained by both mahou and mythical creatures like garden gnomes and earth fairies. Habang naglalakad kami, some of them showed theirselves, pero natural na mahiyain ang mga ito. Mula sa taas, nagpalibot-libot ang mga garden fairies creating different colors of pixie dust na syang kumikislap sa sinag ng araw.

Lux Princess: Amber NicoletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon