- CHAPTER XXIX: Tree of Illusion -

2.5K 90 1
                                    

- CHAPTER XXIX: Tree of Illusion -
(Courtney's POV)

Nakatitig lang ako kay Jarred na kanina pa walang kibo, simula nung pumasok  sina Lady Antoinette kasama si Amber sa malawak na bulwagan ng ina nito parang di na mapakali ang lalaking kausap ko. Natapos na'rin na'min na pag-usapan ang tungkol sa pagpasok ko sa Academia de Mahou, and I agreed.

"Mr. Igneel..?" tawag ko.

Pero wala pa'rin. Pero nung biglang may bumaba sa hagdanan, agad na nagising ito at napatingin dun. It was Lady Antoinette and Amber na may balabal ang mukha. Aminin ko, sobrang maganda ito pero ang di ko maintindihan bakit kailangan nyang takpan ang mukha nito. She must have her reason.

"Shit! Damn it!"

Lihim akong natawa dahil sa naging reaction ng lalaki, "Seriously, Mr. Igneel, do you know her?"

"Tss! You don't care. Since you agreed, Headmistress G. is expecting you at Academia de Mahou, Miss Dobriv."

Akmang magsasalita na ako nung biglang may pumigil sa'kin, Lady Antoinette looked at me with her unusual worried face. Hindi ko pa sya nakita na ganito mag-alala, anong meron?

"Pwede ba tayong mag-usap, Courtney?" tanong nito.

Nagkibit-balikat lang ako bago tumango, binalingan ko naman ang batang 'to na seryoso lang na nakatingin sa'min. I gave him a wink at pasimpleng tinapunan ng tingin si Amber, pero gaya ng inaasahan, di na naman sya nagpakita ng kahit anong emosyon.

"P-pwedeng dito nalang kayo mag-usap? Hehe." awkward na sabi ni Amber.

"Dito ka muna, pri– Amber. Courtney, sumunod ka sa'kin."

Di na sya naghintay pa ng sagot at walang sabi-sabi na umalis. Naiwan naman akong napapabuntong hininga, ang batang 'to, masyadong seryoso. Sino bang hindi? She's the only direct successor of Dobrivs, since she was a kid I witnessed how much she trained herself out just to reach the expectation of her mother. At ngayong lumaki na sya, she missed to enjoy her life being a kid.

"Ano ang Tree of Illusion, Court?" agad na tanong nya pagkalayo na'min sa dalawa.

"What are you planning to do, Lady Antoinette?" nag-aalalang tanong ko.

Tree of Illusion, ang hindi ko na susubukang pasukin ulit. I was twenty-three when I entered Tree of Illusion. I spent one whole week of hell just to pass the training in that place, oo, lumakas ako pero ang naranasan ko sa lugar na'yun ay hinding-hindi mapapantayan ng kahit anong sugat. I was emotionally and psychologically tortured, that's the main goal of that tree. Ipapakita nito ang kahinaan mo in the most twisted way na gugustuhin mo nalang na wag ng pumasok pa ulit dun. Daan daan na ang sumubok, at wala pa sa sampu ang nakakapasa. Yung iba na hindi kinaya ang pagsubok ay nabaliw.

"Si Ina, yun ang ibinigay na pagsubok kay prin– Amber para makuha ang approval nito. I was assigned to monitor and escort her."

Nanlaki ang mata ko, kung sa'min yun ang epekto, panu pa kaya sa hindi na'min kalahi? Tiningnan ko si Amber na tahimik lang na nakayuko habang kunot na kunot ang noo ni Jarred na nakatitig dito.

"Magtiwala nalang tayo kay Lady Cassidy, Lady Antoinette. Sigurado akong alam ng ina mo ang ginagawa nya."

"Sana lang talaga, Courtney."

Nginitian ko sya at tinapik sa balikat, nung makabalik kami, tahimik na nakaupo ang dalawa at di nagpapansinan. Tumingin lang ako kay Jarred pero gaya kanina wala pa'ring mababakas na emosyon sa mga mata nito, habang si Amber naman ay tahimik lang na nakayuko.

Tsk! Tsk! Kabataan talaga ngayon.

"So, aalis na ba tayo, Lady Antoinette?" tanong ni Amber.

Lux Princess: Amber NicoletteWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu