- Epilogue -

3.4K 86 4
                                    

- EPILOGUE -

"Congrats po sa inyo Tita Sydney at Kuya Zedrick!" sigaw ng anak ko na nangunyapit sa leeg ni Zed tsaka ito ginawaran ng halik.

"Congrats, Baby Jarren. Salamat at nakarating kayo, Princess Amber, Jarred."

"Nu ka ba! Imagine my joy nung matanggap ko ang invitation ninyong dalawa? Congrats, di ka na torpe, Zed."

Napakamot lang sa batok nya si Zedrick at sabay ngisi sa'kin. Nung umalis sila para daw asikasuhin ang iba nitong panauhin, bahagya akong lumayo sa pagtitipon nila para makalanghap nv sariwang hangin. Habang nakapikit, himas-himas ko ang engagement ring na syang nagpapatunay ng pagmamahalan na'min ni Jarred. And yes, we only have months before we graduate. Excited na nga ako eh.

Nung may yumakap sa'kin mula sa likod, napangiti ako lalo na at bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko.

"What are you doing here, prinsesa ko?"

At kinikilig pa'rin po ako sa tawag nya sa'kin, "Enjoying the view, my future husband."

Nasa ganun kaming tagpo nung biglang naramdaman ko ang presensya ni Exeter, "Queen..."

And yeah, "How was the talk with their families, Exeter?"

"It was a success, queen. Because of that, more than half of the rebeled informed us that they're willing to change for their families, and they want to say thank you to you, our queen."

Sa ibinalita nya, napangiti ako. Well, unang hakbang palang 'yun para matulungan silang makabangon at magbago.

"Ikaw, Exeter, wala kang balak na kausapin sina Mommy Jennica?" na ang tinutukoy ko ang parents ni Jarred

"As of now, wala pa. But soon, with enough courage, I will."

Di ko nalang sya pinilit at iniba ang usapan na'min, "How was the construction of the infrastructures in Hades? Ano sabi ni Pierce?"

"Okay naman daw po ang lahat, naging madali dahil sa pagtutulungan nila. At dala ko po pala ang mga dapat mong basahin at aprubahan, at kung maari, mauuna na ako. Ayy!! Bago ko makalimutan, my intel from Darkus World said that they're not planning anything yet against you, queen"

Sa huling sinabi nya, nakahinga ako ng maluwag, "Thanks, Exeter.."

"It's good to see you again, cousin." wika nito bago maglaho sa hangin

"Same here, 'couz."

Pagkabalik na'min sa pinagdadausan ng kasal nina Sydney at Zedrick, nakita ko naman sina Timothy at Caleb. At syempre, umasim ang mukha ni Jarred ng makita si Tim, ewan ko ba sa lalaking 'to at pinagseselosan si Timothy wala namang ginagawa na masama yung tao.

"Hi there, Niknik." bati nito sabay ngiti sa'kin.

"Hi! So, ano na ganap sa'yo ngayon, Tim? Hello there, Caleb!"

Ang huli ay kumaway lang at ngumisi sa'kin.

"Well, may mission ako sa Mortal World eh." wika nito.

Agad na namilog ang mata ko sa sinabi nya, "Wow! Ngayong nasabi mo ang tungkol sa Mortal World, I kinda miss that place. So, kung hindi bawal, pwede ko bang malaman ang pakay mo dun?"

"There's a report na nakarating kay Dad na may mga bampira sa mundo ng mga tao na syang naghahasik ng kasamaan, you know, drinking the blood of human. And I've heard na pumapatay na'rin sila. Kaya ayun, if we confirmed that they really tried to kill human, we eliminate them." sabay ininguso si Caleb.

"Ingat kayo dun, iba ang amoy ng dugo ng mga tao kesa sa mga nilalang dito sa mundo na'tin." sabi ko, "Pero baka dun mo makikita ang babaeng magpapatibok ng puso mo." I said while chuckling.

Bahagyang natigilan si Tim at kapagkuwan ay ngumiti at ginulo ang buhok ko, "I hope so. Maiwan ko na muna kayo, I saw a beauty kanina, huhuntingin ko nalang muna." tsaka sya umalis.

Nung wala na si Tim, binalingan ko si Jarred na seryoso ang mukha. "You okay?" tanong ko dito

"Yah! Nakahinga lang ako ng maginhawa lalo na at nabawasan ng isa."

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya, "Huh?"

"Wala! Tara na, let's look for Jarren. Badawey, prinsesa ko. Naiinggit ako sa bagong kasal, why don't we marry right now and-- ouch!"

Siniko ko nga, "Heh! Magtigil ka Jarred. Tara na, hanapin na na'tin si Jarren."

Natatawang pinaghugpong ni Jarred ang kamay na'tin at magkasabay na hinanap na'min ang anak na'min na may lahi ni Dora. Di nagtagal, kita na'min syang naglalaro kasama ang ibang bata.

"Mama! Papa!!" sigaw nito tsaka nagtatakbo palapit sa'min, agad naman syang pinangko ng ama nito.

"Mama! Papa! Claire said that she will have a baby brother soon, ako po ba? Kailan ako magkakaroon ng little brother or sister?"

Sa tanong nito, halos mabilaukan ako. Tas ang hudyong Jarred, natawa lang sa naging reaction ko.

"Baby, five months from now, Mama and Papa will get married then after that, you need to wait for another nine months for her pregnancy. So, a little more time okay?"

Baliwala lang talaga sa kanilang dalawa na pag-usapan yun, habang ako dito umuusok na ang mukha dahil sa init.

"Papa..."

"Hmmmm?"

"I want five younger brothers and sisters. So that we'll be a big and happy family!!"

Nung tumango ang walanghiyang Jarred, tiningnan ko nga ng masama. Nagawa pang ngumisi, "Papa will work hard, baby. Really really hard." at nung makita ang panlalaki ng mata ko, humagalpak sya ng tawa.

Pero imbis na mainis sa kanila, napangiti nalang ako habang tinitingnan ko ang mag-ama ko.

We fought, we argue and we're not perfect. But despite of our differences and imperfections, we manage to be together and end up in each other's arm. Because we love and trust each other.

Humarap si Jarred sa'kin, "I love you, Amber Nicolette Lux!!!" sigaw nito

"Hooy! May bagong kasal dito, wag kayong epal!" sigaw ni Cy-cy

"I love you, future wife." sabay ang mabilisan na halik sa pisnge. Natawa nga ako kasi tinakpan ni Jarren ang mga mata nya kahit na nasa bisig pa'rin sya ng ama nya.

Gamit ang kamay ko, tinakpan ko na talaga ng tuluyan ang mga mata ng anak na'min.

"I love you too, future husband." sabay halik dito. Natawa nalang anak na'min tsaka kami niyakap ni Jarred.

"I love you both, Mama, Papa! Hihi!!"

It's not yet the end, but a new start of another story..

- THE END -

Story End: June 5, 2018 (10:57 pm)

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now