- Chapter XLVIII: Public Execution -

2.3K 71 0
                                    

- Chapter XLVIII: Public Execution -
(Nicolette's POV)

Gaya ng nakaraan, si Dawn na naman ang nag-ayos sa'kin. But not unlike the last time, I chose a formal attire. The one I usually wear when I was a kid. Then, inilugay nalang na'min ang buhok ko then sa tenga ko ay meron na naman na Axoria. Mukang ang loka-loka labas pasok na sa Sacred Forest.

"You okay with this? This is injustice in your part, Amber."

"Everything will be okay. Pero maiba ako Dawn, may balita ka na ba sa kung ano ang nangyari sa anak ko?" pang-iiba ko.

Di sya sumagot, di rin umimik. Pero nung tingnan ko ang mukha nya sa reflection, I saw guilt in her eyes.

"May alam ka nuh?" tanong ko, nung umiwas sya ng tingin napabuntong-hininga ako. "Fine. Di na kita kukulitin. As long as wala na sa kamay ni Tito ang anak ko, okay na ako dun... sa ngayon."

Magsasalita na sana sya nung biglang may kumatok sa pintuan, aalis na raw kami. Nung marinig ko ang yabag ng papalayong kawal, hinarap ko si Dawn at niyakap sya.

"Be safe, Amber." bulong nito, medyo nabasag rin ang boses nya. But being the typical Dawn, tinarayan nya lang ako.

"I will at ano ka ba! Di ko pa nga nakikita na magtapat si Tyler sa'yo eh."

"Whatever." she replied while rolling her eyes.

Huminga muna ako ng ubod lalim bago ako tuluyang tumalikod sa kanya. Sa kadahilanang di nga sya pwedeng umalis ng palasyo, dito sya nakakulong sa loob ng silid nya para daw mas mabantayan sya ng lubusan. But I know her, at bahagya kong nabasa ang isipan nito. Kung nagkakalabuan na mamaya, tatakas sya sa kahit anong paraan.

At ito na po ako ngayon, nakaharap sa papasukan ko. It looks like a cage na walang bintana, tapos sa pintuan nito may butas na di kalakihan, just big enough para pumasok ang liwanag na nanggagaling sa labas.

Another buntong-hininga at pumasok na ako sa loob. Akala ko nung una ay madilim sa loob, yun pala ay mali ako. The moment the door closed, biglang umilaw ang dingding kaya di sya madilim. Sobrang tahimik rin sa loob, wala akong marinig na kahit ano, kahit ang pinakamalakas na ingay ay di abot sa loob.

Naramdaman ko nalang na lumipad na kami nung bahagyang gumalaw ang sinasakyan ko bago sya maging steady ulit. Sinungaling ako kung sasabihin ko na di ako kinakabahan, eh kulang nalang ay lumabas ang puso ko sa dibdib ko at tumakbo paalis.

Woooh! Hingang malalim, Amber Nicolette! Woooh!

Nung umuga ulit ang sasakyan ko, bumuntong hininga ako ulit bago tumayo. Nung tuluyan na nilang nabuksan ang pintuan, sumalubong sa'kin ang katahimikan. Katahimikang nagpatahimik sa'kin nung tuluyan na akong nakatapak ng lubusan sa lupa.

Punong-puno ang buong lugar, lahat sila ay nakatingin sa'kin na may pagmamahal na nakikita sa mga mata nila, merong iba na may paghanga at meron pa nga na maiyak-iyak na.

I saw familiar faces, kitang-kita ko ang mukha ng mga tagabayan na naging kasama ko noong umalis ako ng academy. Nung tingnan ko ang mga tindahan na nasa palibot, lahat ay nakasara. Ang iba pa nga ay bitbit ang mga anak nila, may mga hawak na parang papel na syang nagsasabi na itigil ang public execution ko. Nakita ko rin ang mga tao galing sa Calendros Village, lahat sila ay nandito.

Syempre, andun ang barkada at lahat ng guro at estudyante ng Mahou de Academia, katabi ni Jarred ay si Lolo Leandro at sa mga bisig naman ng binata ang anak na'min.

Upon seeing Jarren, nakahinga ako. Thanks God, she's safe.

Natigil lang ang pagtingin ko sa kanila nung biglang hinawakan ako ng isang kawal at pinaupo sa gitna. At sa harapan ko nakatayo ang hari na syang magsasalita.

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now