- CHAPTER VIII: Forbidden Forest -

4.1K 124 2
                                    

- CHAPTER VIII: Forbidden Forest -
(Nicolette's POV)

Nang imulat ko ang mga mata ko, napakurap-kurap pa'ko para masigurado kung saan ba talaga ako, pero kahit ako di ko rin alam eh. Lahat ng nakikita ko puti, at sobrang tahimik ah.

"I've been waiting for you, princess"

Sa boses na'yun, napatingin ako agad sa likuran ko para mapatili lang at mapapikit.

"Magdamit ka nga!!" tili ko.

Yung malutong na nyang halakhak ang sunod kong narinig, bat ang gwapong pakinggan ng tawa ng kumag na'to? *pout*

"You can open your eyes, princess, it's safe." he said chuckling.

Kaya ginawa ko naman, nakahinga ako nung di naman pala nakabalandra katawan nya, hubo't hubad parin sya pero may usok something na nakatabon dun sa parteng yun ng katawan nya.

"Ako si Markus, isa sa mga imperial tools, at ang nakikita mo ngayon ay ang human form ko."

"Panu mo pala nalaman na isa akong prinsesa?" nagtatakang tanong ko.

"Di ko pa masasabi sa ngayon, princess. At ngayong nakita na kita, I shall protect you with all I have."

Di na ako nakakibo pa at nakatitig lang sa kanya lalo na nung bigla syang lumutang.

"Use me to achieve your goals, princess. My strength and power is all yours. Now, wake up and continue your journey."

Pagkasabi nya nun, yung kaninang human form nya ay biglang naglaho at napalitan ng isang bracelet na may maliit na version ng imperial tool. I involuntarily raised my right hand at napunta dun ang bracelet.

Napabangon ako bigla at papungas-pungas na tumingin sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag nung makita ko si Zoey. Napatingin ako bigla sa kanan kong kamay, andun nga ang bracelet.

*waaaapaaaak*

Napatingin ako bigla sa kanya nung batukan nya ako, "Bakiiiiiit?!"

"Tsk! Tumayo ka na dyan, kanina pa tayo hinihintay sa baba."

Andito na ata kami sa pansamantalang tinutuluyan namin sa bayan. Pagkababa ko, pansin ko rin yung hikaw ni Zoey. So, nakuha na nya yung katana.

Nakarating akong sala, dumiretso ako at umupo sa tabi ni Zoey. Sa gitna namin, may malaking hologram ng buong Mahou World.

"Your mission is to retrieve a classified information that has been stolen last night by a group of bandits. Base on our information, bandits place is in southern part of Mahou World, Forbidden Forest. Is that clear?"

"Yes, master!" kaming tatlo.

Pagkaalis ni Master Chardon, hinarap kami ni Carter. "Aatake tayo sa gabi kung saan tulog na ang lahat, ngayon, pack your things, aalis na tayo after five minutes."

Walang kibo na umalis ako. Pagkarating ng kwarto namin ni Zoey, lahat ng dala kong gamit ay nilagay ko nalang dun sa bag na binili namin kanina.

"Nik, pwede mo bang gamitin ang mahou mo kay Carter?"

Sa tanong ni Zoey, napatingin ako sa kanya.

"Masama kasi ang kutob ko sa lalaking 'yun eh. Feeling ko, may tinatago sya."

Ngumiti lang ako at umiling sa kanya, pero deep inside, ramdam ko rin na meron. Pero hindi sapat ang mga hinalang yun para pakialaman ko ang kung ano man ang nasa isip nya.

Di nagtagal, nasa baba na kami. At ito na nga, nakasakay na ng kalesa na syempre, pegasus ang sa unahan.

"So Niks, may boyfriend ka na?"

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now