- CHAPTER XXXVII: Blanche La Pierro -

2.6K 94 0
                                    

- CHAPTER XXXVII: Blanche La Pierro -
(Nicolette's POV)

It's been what? One week? Nah! Almost two weeks already na kaming sumusunod sa setup ni Mrs. Brooklyn, for the whole time, hindi nawawalan ng araw na wala kaming tinutulungan. Kami na nasa tertiary level decided na tulungan ang mga nasa lower levels na magtrain, lalo na ang mga nasa preschooler at elementary.

Speaking of preschooler, andito pa'rin yung instructor na'yun. I don't even know her name, tas ang ginawa na'min noon, haru jusko, nafirst offense ang byuti ko. Pinatawag pa ako sa headmistress' office at sinermunan ni Mrs. Brooklyn ng mga dahilan nyang wala diri wala didto.

Kesyo mali daw na nakikialam ako sa training ng iba. Kesyo alam daw ng instructor kung ano ang dapat gawin. Kesyo di ko na daw uulitin.

Mga ganern, and take note, tumagal yun ng halos isang oras. Feeling ko nga naubos lahat ng lakas ko nung makalabas ako dun eh. At ito kami ngayon, kumakain sa loob ng cafeteria kasama ang grupo. Mula sa pwesto ko, ramdam ko ang masasamang tingin ng instructor na'yun sa'kin.

"Mama, what should I do tomorrow?" tanong ng anak ko. She's looking at me with those pair of innocent green eyes.

"Just show them what you've got, baby." and I gave her my warmest smile.

Bukas. Bukas na ang competition. Pero bago yun, anong meron sa buong academy?

"Nabalitaan nyo na ba?" yung sa kabilang table na katabi lang nung sa'min.

"Maaaring buhay daw ang prinsesa, yung namatay noon."

Natigilan ang mga kasamahan ko sa narinig, pero ako? Ito, patuloy na kumakain. Sa gutom ako, idagdag pa na kausap ko ang anak ko. Bahala sila dyan.

"Tas may isa pa, bali-balita rin na maaaring nandito daw sya kasama na'tin. Ang gara lang pag ganun di ba?"

"Dadating at manunuod nga daw ang mahal na hari bukas. Kailangan na'ting magpasikat! Pangarap ko pa naman maging myembro ng AOD!"

And they continued their talk, pasimple din silang tumitingin sa gawi na'min. Specifically kay Dawn na wala ring pakialam na kumakain. Sows! Pero kapag si Tyler ang kausap, focus na focus ang atensyon. Pfft! Showbiz man na pakinggan pero may something na talaga sa apat eh. Dawn and Tyler, together with Zoey and Kuya Xander.

At ngayong naglalakad na kaming hallways, ganun pa'rin ang usapan nila. Hanggang sa pumunta dun sa nangyari sa bayan kung saan daw nagpakita ang prinsesa, nanuro na'rin sila ng mga posibleng prinsesa. And believe me, my name was on their list. Kesyo yung lakas ko daw ay di pangkaraniwan, na mabait din daw ako, tas palagi ko pang kasama ang apat na elementalists.

I just ignore them, pagkatapos na'ming ihatid si Jarren sa room nito, bumalik na'rin kami sa room na'min. Napansin ko rin na simula noong tinulungan ni Jarren yung batang lalaki, palagi na silang magkasama.

Flare Hiatus Calcus

Yun yung pangalan nung bata pagkatapos na ipakilala sa'kin ni Jarren. Actually, magalang na bata at mahiyain. Mukang si Jarren nga lang ang kinakausap eh.

'You saw the bitch, right?'

'Yah! My gahd! I can't believe it! Imagine, her father was convicted as a killer.'

Kunot-noong tiningnan ko yung dalawa na naglalakad palayo. Hindi pa pala sila tapos sa pakikipagchismisan nila?

"Miss Luxamber.. Miss Luxamber.."

Napatingin ako kay Zoey nung siniko nya ako, that's the time when I realized na nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kaklase ko.

"Y-yes, miss?" tanong ko

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now