- CHAPTER XXVII: Bayan ng Dectra -

2.5K 89 0
                                    

- CHAPTER XXVII: Bayan ng Dectra -
(Nicolette's POV)

Nakikipagharutan ako sa mga fairies sa bakuran ni Queen Celestine nung maramdaman kong may tumabi sa'kin. Nung tingnan ko kung sino, napangisi ako.

"Hi?" I greeted her with a wide smile. Sydney, ang kinababaliwan ni Zed.

"Kilala mo ako?" tanong nito habang kumukurap.

Tuluyan ko na syang hinarap tsaka nginitian ng bongga, "Yup! Sinabi ni Zed ang tungkol sa'yo kagabi. Isa pa nakita na kita kahapon na kausap ang loko. Anyways, kailan kasal nyo?"

Nabilaukan naman ito at biglang namula ang buong mukha. Cute.

"Hindi ko pa sya sinasagot."

Natawa ako, halakhak na nga eh. "Pahirapan mo ng bongga, nakow! Katorpeng centaur eh, pero totoo, kapag ikinasal kayo, imbitahan ninyo ako ah?"

Napangiti na sya at tumango sa'kin. May sasabihin pa sana ako nung pinatawag na ako ni Queen Celestine. Sinabi ko na susunod ako kaya umalis naman sya agad, hinarap ko si Sydney tsaka ako nakipagkamay sa kanya.

"Sana maging ninang din ako." tsaka na ako nagtatakbo paalis. Kita ko naman na pulang-pula na ang maganda nitong mukha na parang di inaasahan ang sinabi ko.

Pagkarating ko sa loob, naabutan ko si Queen Celestine na nakatanaw sa labas, "Naayos ko na ang gulo tungkol sa plano nilang pag-aaklas."

"Salamat. Malaking bagay 'yun para sa'kin, Queen Celestine. Kung sakaling kailangan ninyo ang tulong ko, tawagin nyo lang ako at handa akong tumulong."

After shaking our hands, I bid my goodbyes. Nagpaalam din ako sa kanilang lahat na aalis na'ko, naiyak naman ang ibang fairies dahil sa pamamaalam ko sa kanila. Agad na inihanda ko and sarili ko para umalis na, di nga nagtagal, nakarating kaming pier at paparating na nga ang barkong sasakyan ko. Ayon sa mapa, ang susunod na isla ay ang Bayan ng Dectra. Maliit lang sya kompara sa ibang isla na nagkalat dito pero kilala ito bilang isa sa mga pinakamaunlad.

Nung nakasakay na ako, ramdam ko na nakatanaw silang lahat sa'kin. Walang nagtatangkang sakupin sila dahil karamihan ng mga taong gugustuhin yung gawin ay biglang nababahag ang buntot sa unang pagtapak palang sa isla. Naghanap ako ng sarili kong pwesto at di nga nagtagal, narating na'min ang isla.

Ngiting-ngiti na bumaba ako kasama ang iba pang pasahero na kanina pa ako tinititigan. Big deal ata talaga ang tungkol sa Mischievous Island. Idagdag pa na may takip na naman ang mukha ko. Parang ako lang ang naka-cloak eh, eh meron nga sa sulok na tulog na tulog na akala mo ay galing pa sa malayong lugar. Nakatalikod sya sa'kin kaya di ko kita ang mukha nya.

Nung bumaba ako, naiwan yung lalaking tinutukoy ko. Oh well, wala rin naman akong pakialam. Pagkababa ko palang, hinarang na ako ng mga nagtitinda para ipakita ang mga paninda nila sa'ming lahat. I politely declined them all. Agad na naghanap ako ng lugar na pwedeng pagtambayan at pagtanungan.

A coffe shop.

I ordered cappuccino at doon sa high stool sa counter umupo, hinarap ang medyo may katandaan ng babae. Kinuha ko yung nakatakip sa mukha ko at ininom ang kape. Nginitian ko lang sya nung makita ko na nakatingin sya sa'kin.

"Bakit ka nakabalabal kung may ganyan kang mukha, hija?" tanong nya

"Ayoko po ng atensyon." simple kong sagot. Nung makita ko ang mukha ng nanay ko, I was convinced that I was her daughter. I have this angelic face na namana ko sa kanya, round eyes na syang may mahahabang pilik mata. Matangos na ilong, pinkish na lips.

"Manang, may kilala po ba kayong Darius dito sa bayan?"

"Darius..? Teka lang hija huh? Darius..? Darius.. Wala eh."

Nginitian ko lang sya, tsaka nagpasalamat. Pagkaalis ko dun, nagtanong pa ako sa paligid pero ni isa sa kanila walang kilalang Darius. Napanguso ako, may Darius ba talaga na taong nakatira dito?

"Ineng, may pagkain ka ba dyan..?"

Napakurap-kurap ako na napatingin sa isang matanda na bigla na lamang nagsalita sa gilid ko.

Tingin sa pagkaing hawak ko na kakagatin ko na sana..

Tingin sa matanda...

Tingin sa pagkain...

Tingin sa matanda...

Tingin sa pagkain...

Buntong hininga, "Ito na po." tsaka ko yung ibinigay sa kanya.

He smiled widely tsaka tahimik na nilantakan ang pagkain. Nag-iisip ako ngayon. Nalibot ko na ang buong bayan, lahat natanong ko na kung may kilala ba silang Darius pero ni isang tao na pinagtanungan ko ay walang kilala na ganun. If meron naman na Darius na kapangalan, iba namang tao. Haaaaaaay!

"Hija..."

Pero di naman pwede na niloloko ako ni Queen Celestine.

"Hija..."

Isa pa, feeling ko kasi andito rin yung Darius na'yun eh. Di ko lang alam kung saang parte ng bayan na'to.

"Hija..."

Haaaaa–

"Hooooy!"

Napapitlag ako kay Lolo nung bigla syang sumigaw, "P-po?"

"Itatanong ko lang sana kung ano ang iyong pakay sa aming munting bayan? Ngayon lang kasi kita nakita dito, ano ba ang sadya mo?"

Parang nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi ni Lolo, "Ibig po bang sabihin eh matagal na kayo dito?"

"Medyo. Mga apat na dekada na ata akong nandito. Ano ba'yun? Baka matulungan kita."

"May kilala po ba kayong Darius ang pangalan? May nakapagsabi po kasi sa'kin na sya lang ang nakakaalam kung paano ako makakarating sa mga mangkukulam." nakangusong pagkukwento. "Pero kanina pa ako naglilibot di ko pa sya nakikita– Ihhh? Bakit po? May dumi po ba ako sa mukha?" nagtatakang tanong ko nung mahuli ko syang nakatitig lang sa'kin.

"Mukang marami ata ang naghahanap sa'kin ngayong araw."

My eyes widened as I stared at him with disbelief. Natawa naman sya sa'kin.

"Ano namang maipaglilingkod ko sa iyo, hija?"

Hinarap ko sya ng tuluyan, "Gusto ko po sanang malaman ang daan papunta sa lugar ng mga mangkukulam."

Tiningnan nya ako derekta sa mga mata ko kaya di ako nag-iwas, nanatiling kalmado ang mukha ko habang hinihintay ang sasabihin nito.

Bumuntong-hininga sya sabay iling, "Masyado kang mahina."

"Kung ganun, ano ang dapat kong gawin?" determinadong saad ko.

He looked at me unbelievably, he even stared at me. "May binatang magkatulad ang pakay ninyo kanina. He forced me, used his mahou. At doon ko masasabi na malakas sya.  Ikaw, ano ang kaya mong gawin para mapatunayan na malakas ka? Gagawin mo rin ba ang ginawa nya?"

Mabilis na umiling ako, "Ang dahas ay walang maibubunga na matino, at kahit kailan walang maidudulot na maganda." napabuntong-hininga ako tsaka ko sya tiningnan, "Pwede na ata 'to."

I closed my eyes and concentrated. Yung pinipigilan kong lakas ay dahan-dahan kong pinakawalan, half of it. Tas nung dumilat ako ng mata, nakangiti na sya.

"Kung kulang pa po yun, pwede ko pang ilabas ang buo kong lakas para mapatunayan sa inyo na hindi ako ganun kahina. Siguro, di pa ako ganun kalakas pero magpapatuloy ako sa pagpapalakas."

"Tama na yan, hija. At pakialagaan ang magiging anak mo."

Nakangangang tumitig ako sa kanya na nakangiti lang.

Ano daw? Anak? Pffft! Bigla ko tuloy naalala ang matandang yun na nanghihingi ng apo sa tuhod.

"Nakikita mo ang bundok na'yun?" napatingin ako sa itinuro ni Darius, I nodded, "Sa tuktok nyan, may makikita kang kweba. May makikita kang spell na nakaukit, sabihin mo yun at dadalhin ka na nun sa Bayan ng mga Mangkukulam."

I nodded again wearing a wide smile. Binali wala ko nalang yung sinabi nyang anak. Pffft!

"Pero mag-iingat ka, hija. Witches are... wicked."

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now