- CHAPTER XXVIII: Wicked Witches -

2.5K 85 0
                                    

- CHAPTER XXVIII: Wicked Witches -
(Nicolette's POV)

Nakangangang nakatingin ako sa malaking bunganga ng kweba. Nung mapako ang tingin ko sa tinatapakan ko, napakunot-noo ako. May bakas ng sapatos doon na halatang bago lamang. Even the scent was familiar. Of course, ayokong paasahin ang sarili ko. Aba! Sobrang layo na nito sa Academy, paanong napunta sya dito?

I shook my head.

Mabilis na tumingala ako, "Hear my words, and bring me to thy world!" I chanted and repeated it three times. Nung dumilat ako, umiilaw na ito. I took a deep breath as I stepped inside the cave. Sumalubong sa'kin ang isang liwanag kaya napapikit ako. When I opened my eyes, sumalubong sa'kin ang isang typical na gubat.

Typical. Pero may kung anong iba sa gubat na'to, that eerie feeling na di mo maipaliwanag. Nagkaroon ng linaw ang lahat nung marinig ko ang hakighikan sa paligid kasabay ang paglitaw ng dalawang kakaibang presensya. Muntingan pa akong mapamura nung may nalaglag na malaking sanga ng kahoy sa itaas ko na basta nalang nagpakita.

Agad na tumalon ako para iwasan yun pero habang nasa hangin ako, naramdaman kong may gumagalaw na sa damit ko. Agad na nanlaki ang mata ko at napatili nung makita kong may malaking ahas na andun. Hindi ako takot sa ahas, pero sinong di mabibigla kung basta-basta nalang itong magpakita sa'yo.

Isang pinagtatakhan ko ay di ko rin matawag si Markus oh maipalabas ang weapon ko. Then, realization hit me. It's their work. They stopped me from using my mahou and my emperial tool para sa ganun ay di ko magamit ang kapangyarihan ko. Agad na inayos ko yung nakatabing sa mukha ko at pagkatapak kong lupa, I grabbed whatever I can, at inihagis yun sa isang puno.

"Ouch!"

Rinig kong daing mula doon. I smiled wickedly, gusto nyo ng laro ah. Since I can't use both my mahou and my tool, ginamit ko ang kung ano ang makita ko sa paligid. Kinuha ko yung putol na sanga at yun naman ang inihagis ko sa katabing puno at gaya ng inaasahan ko, lumabas doon ang isang babae.

She's about my age, may suot syang pointed na hat tas nakalutang habang nakasakay sa... teka, ano ba tawag dun? Yung parang walis tingting. Basta yun na yun.

"Bakit mo kami binato?!" pantataray nito

Pinamaywangan ko nga, "Eh bat ka nangtitrip? Aba! Bumaba ka dito at magsuntukan tayo! Bilis! Wag kang maduga, di ko kayang lumipad. Ikaw ang mag-adjust!"

Nanghaba naman ang nguso nito at tinalon ang kinalalagyan ko, "Anong kailangan mo dito sa'min?" tanong nito. Bumaba rin ang isa pa nitong kasama at sinuri ako ng tingin. Lumapit sya sa'kin tsaka tiningnan ang bawat anggulo ng katawan ko, from my head down to my feet, kinuha nya rin ang balabal ko sa mukha, hinayaan ko nalang. Di ko nalang pinansin ang pagkabigla ng mukha nito nung tuluyang tumambad ang mukha ko.

"Inuulit ko, mahou holder, anong ginagawa mo rito?" tanong nito bago kumurap-kurap.

I sighed as I looked at her, "I can't tell you, pero naparito ako para makausap ang pinuno ninyo."

"Sumunod ka sa'min." sabi nito.

Kaya ginawa ko, tahimik na naglakad kami, ibinalik ko na'rin ang balalabal sa mukha ko. Di katagalan, nakarating kami sa gitna ng kakahuyan at naabutan na'min ang isang community. Oo! Isa syang bayan, yung may mga paninda sa gilid tas may mga witch na masasayang nagkukwentuhan. Hindi kaya sa Mischievous Island, ang kakahuyan talaga ang nagsisilbing bahay nila doon. Pero dito, may bayan na nakatayo sa gitna ng kakahuyan, I even tried to call Markus pero di ko pa'rin magawa. I guess, witches did something to prevent us from using our magic.

Habang naglalakad kami, lahat sila ay napapatingin at yumuyuko sa dereksyon na'min. Tumitigil talaga sila pero di ko maiwasan na maconscious sa mga titig na tinatapon nila sa'kin. Kahit na gusto kong magtanong, di ko ginawa kasi parang nakakahiyang gawin eh. Ramdam ko na nawala na'rin yung nakakalokong ngiti sa labi nung masungit na mangkukulam kanina. She has this authoritative aura, yung presensa na lilingon ka talaga at magbibigay galang. Is she some part of royal family here? Alam nyo na, like Queen Celestine. Tapos ang Lux naman sa Mahou World.

Lux Princess: Amber NicoletteΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα