- Chapter XLVI: Terror -

2.1K 70 0
                                    

- Chapter XLVI: Terror -
(Zoey's POV)

Hi. Do I really need to introduce myself? Tsk! Fine! Zoey Claudine Chardon. Ang choosy kasi ng nagsusulat at ayaw nya kay Jarred, ang moody kasi ng bruho hanggang ngayon at isa pa, englishero ang loko eh.

Okay! Balik sa mission. Kasama ko si Xander at Jarred na magmanman sa isa sa facilities ng hari na sinabi ni Headmistress G sa'min. Pero ilang araw na, wala manlang kaming napala.

"Fuck! It's been three fucking days, why aren't we getting any progress?" bulong nito

See what I meant? Ganyan na talaga yan simula nung sumuko si Nicolette. Isa pa 'yun, hanggang ngayon talaga di ko talaga alam kung dapat bang ikatuwa ang kabaitan na taglay ng bruhang yun. Lahat, as in lahat ng mamamayan ng bayan ay di ata mauubusan ng kwento sa kung gaano kabait ang prinsesa na akala nila ay namatay noon. Psh! At bat ako naiyak nung unang kita ko nun? Nadala lang ako, wag kayong mag-isip ng kung ano-ano.

Since nasa side na'min ang mga taga bayan, mas naging madali sa'min ang misyon na'to. Disguise ko? Dito kami sa tindahan ni Aling Berta, ang may pinakamagandang view sa laboratory na'to. For three days, mga gamot ang ginagawa dito eh, yung mga antidote, awakening mga ganern. Pero ang ipinagtataka ko, andami ng taong labas masok sa lugar na'to.

Ay! Bago ko makalimutan, magkasama sa isang facility si Blanche at Tyler, tumutulong din si Headmistress G. At sa isa pa ay sina Tyler, Lady Antoinette at Miss Courtney. Ang ibang representatives? Bumalik muna sa lugar nila. Reason? Secret na muna yun, wag kayong chismosa. Psh!

"I can't wait any longer!" yung Jarred.

"At anong balak mong gawin? Mag-amok?" I asked sarcastically.

"Exactly."

"What?!"

"I'll distract them, papasok kayong dalawa at titingnan kung andun ba sa loob ang anak ko." baliwalang paliwanag nito

"It makes sense to me." simpleng sagot naman ng isa pa. Nung tiningnan ko sya, nakatingin din sya sa'kin. Agad na iniwas ko yung mata ko kasi feeling ko namumula pagmumukha ko. Bumibilis pintig ng puso ko? Palagi naman eh. Magagawa ko? Eh sa gusto ko sya pero di naman yan nanliligaw o ano. Sarap ngang hambalusin, tubig kapangyarihan nya hindi ice. Tsk!

"Anong it makes sense dun?" naguguluhan tanong ko. Ang hirap lang na intindihin ng mga kalalakihan.

"Plan is... I'll distract them using small amount of fire, then you two will sneak inside and look for Jarren. Our goal is to locate her exact position. Got it?"

Nung tumango si Xander, wala sa loob na tumango rin ako. When I realized what I just did, ramdam kong nag-init ang mukha ko.

'Dyan na naman tayo sa katangahan mo, Zoey.'

I rolled my eyes in annoyance. Nung umalis si Jarred, pasimple rin kaming pumuslit. At sunod lang na'min na narinig ay ang mga pagsabog at sigawan ng mga nilalang sa loob. Since we are wearing invisibility coat, ligtas kaming maglakad. We're like ghosts, yung mga dumadaan sa'min ay tumatagos lang pero syempre, hindi applicable ang invisibility coat kapag walang buhay ang isang bagay.

"Anong nangyayari?!"

"Bilisan nyo! Nasa Red Alert ang buong facility!!"

"Mukang may nakapasok!"

"Ang mga ginagawa nyo, wag nyong ewan basta!"

"Bilis! Magsilabasan na kayo!!"

Sigawan ng iba sa kanila. Nung tumingin si Zander sa'kin, he nodded his head tsaka itinuro ang nasa harapan na'min. Since wala na'rin natirang tao, isa isa na'ming binubuksan ang bawat madaanan na'min. Pero wala, halos lahat ay simpleng opisina lamang, ang iba ay laboratoryo lang, we checked every corner of each room, pero wala rin kaming makita. And here we are, facing a wall. May malaking nakasabit na litrato na gumagalaw at patingin tingin sa paligid.

I was about to turn around nung magulat ako na bigla na lamang na lumabas sa pader. I was about to curse when someone stopped me.

Muntikan na ako du– My eyes widened when I realized our position. Agad na naitulak ko sa Xander palayo dahil hawak nya pa'rin ang bunganga ko. I gave him a dagger look na syang sinuklian nya lang ng ngiti.

Pasimple kong iniiwas ang tingin ko dahil feeling ko ay lalabas yung puso ko sa sobrang lakas ng pagtibog.

I really love this guy. Tss!

"Zoey sungit." rinig kong sabi nito kaya tiningnan ko sya ng masakit, "Zoey sungit." pag-uulit nya pa.

Inirapan ko nga, "Whatever."

Wala na akong sinayang na panahon para tumunganga dun at deretso akong dumaan dun sa pader, obviously, it is an illusion. Nung tuluyan na kaming makalampas dun, sumalubong sa'min ang puting daan. As in puti lahat, wall down to the floor up to the ceiling.

Kinakabahan man ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad at di nga nagtagal, narating na'min ang isang pintuan. It has a round crystal kaya kita na'min ang loob and what I saw shock the hell out of me.

Siguro ramdam ng lalaki ang pag-iiba ko kaya nakisilip din sya, that's when I heard him cus.

Baby Jarren is there, inside of this freaking room lying in the bed... naked. Hindi lang yun, she's pinned in the bed at ang bawat isa sa kamay at paa nito ay may tali ganun rin ang sa leeg nya. Di ko alam ang nangyayari pero kita ko ang dalawang tao sa loob, guy and a girl, at sobrang familiar ng babae.

Teka... Saan ko ba sya nakita? Darn!

"She's Jarren's instructor, the one who slapped Niknik."

Doon ko na sya naalala. May hawak itong syringe sa kamay at itinusok ito kay Jarren. And when I saw Jarren's face, tumulo nalang bigla ang mga luha ko. Nasapo ko nalang ang bibig ko as I tried my best to surpass a scream..

"Oh my god..."

Dahil sa nakahubad sya, halata sa kanya ang pangangayayat. Dumako ang tingin ko sa mukha nito, gising sya, nakadilat pero wala ng kabuhay-buhay ang mga mata nito na nakatingin sa kawalan habang walang tigil na umaagos ang mga luha sa mata nya. Di nagtagal, bumalatay ang sakit sa mukha nito. Pain registered on her face, at kung di lang sya nakatali halos mamaluktot ang katawan nya sa sakit. Yung kaninang walang emosyon nyang mukha ay napalitan ng sakit. I closed my eyes, di ko kayang tingnan ang nangyayari kay Baby Jarren.

"Fuck this!" naasar na sigaw ni Xander

The next thing I know, malakas na tumalsik ang pintuan at gulat na gulat na tumingin sila sa dereksyon na'min pero dahil sa suot pa'rin na'min ang invisibility coat, di nila kami kita.

"Sino yan?!!" nahihintakutang sigaw nung mahadirang plastik. Agad na nag-init ang ulo ko at dali dali syang nilapitan, kinuha ko yung hawak-hawak nyang syringe na itutusok na naman sana kay Baby Jarren at sa kanya itinusok.

I slapped her, once, twice, thrice. Ibabalibag ko na sana sya nung pigilan ako ni Xander. Umiling sya sabay tingin kay Baby Jarren na nasa bisig na nito, tulala at umiiyak.

"Damn it!" mura sabay talikod.

Yung isang kasamahan nya di na nakaangal nung kaladkarin ko sila palabas. We secured the whole place, we made sure na wala ng natira sa loob at nung tuluyan na kaming nakalabas. Hinanap ng mga mata ko si Jarred, when he saw her, sari saring emosyon ang bumalatay sa mukha nito.

"Hey Baby! Shhhh! Papa's here, you're safe now."

Agad na nag-iwas ako ng tingin, tinanggal ko narin ang coat na suot ko na ganun din ang ginawa nilang dalawa.

Tiim bagang na tiningnan ko ang buong lugar, I casted a spell, raised my right hand at kasabay nun ay ang tilian ng mga nakatingin habang nakapalibot ang bloke ng yelo sa buong laboratory.

I looked at Jarred, karga at yakap nito ang anak habang papalayo sa'min. And when Xander hugged me, di ko na napigilan ang sarili ko.

I cried in his arms as the image of Baby Jarred flushed in my mind..

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now