- Chapter XLIX: Serenity's Appearance -

2.4K 77 0
                                    

- Chapter XLIX: Serenity's Appearance -
(Third Person's POV)

"Zoey, Tyler, Cyrex, Xander, Jarred, Georgina, and the head of of each clans. Use your mahou and take their power away from them. That's my condition, Amber."

Sa narinig ni Amber, sa kondisyon na binitiwan ng Hari, nablanko ang kanyang isipan, nanigas sya sa kanyang kinatatayuan at ang kanyang boses ay parang nawala sa kanya.

Si Tyler naman na ginamit ang kapangyarihan ay nanigas rin, pero higit sa lahat nananaig sa kanya ang galit na ngayon nya lang naramdaman sa buong buhay nya.

"Hooy! Tyler!! Anong narinig mo, dude! Wag kang ganyan, kinakabahan na kami dito." si Cyrex

"Nababading ka na ba Tyler at umiiyak ka?" Zoey asked pero nung humarap si Tyler sa kanila, tulala ito, di makapaniwala at patuloy lamang na umiiyak.

"The people, make them leave... Everyone must leave!"

"Taenamers ka Tyler! Maliligo ka sa Ice kapag di mo ipinaliwanag ang sinasabi mo!"

"Just trust me!! Please, please, paalisin nyo silang lahat dito! If you won't, this will be the end!"

Naguguluhan man ay sumunod sila pero akmang paaalisin palang nila ang lahat ng tao nung biglang humarang ang Army of Defense, and to make the worst possible, the King controlled their body.

"Walang aalis, ako ang hari, ako dapat ang masusunod." nakangising saad ng hari, sa isipan nya, kailangang makita ng lahat ang kanyang gagawin. Dapat masaksihan ng lahat kung gaano kagaling ang mahou ng prinsesa na halos sambahin nila.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Tyler shouted hysterically but when he realized something, natigilan ito at sa mga nanlalaking mata ay di sya makapaniwalang makatingin sa hari. "This is all your plan? You set everything up! You planned everything, from the very start, ito na talaga ang plano mo!"

Ang mga nakikinig ay naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin sa haring nakangisi, kay Niknik na tulala at kay Tyler na galit na galit.

"Ty..? Anong ibig mong sabihin?"

Hinarap ni Tyler ang mga kaibigan, kita ang takot at desperasyon sa mga mata nito. "Di nyo pa'rin naiintindihan? Ang walang kwentang hari na yan ay may balak na ulitin ang nangyari noon! He... he used Jarren as a bait, ipinalabas nya na execution lamang ito pero hindi! Lahat ay planado, gamit ang kondisyon para magamot si Jarren, sa harap ng lahat ng tao na andito, uulitin nya ang nangyari thirteen years ago... He... he's going to ruin Niknik. He.. he–" di na nya natapos ang sasabihin ng bigla na lamang syang napaiyak.

Nung marinig nila ang sinabi ni Tyler, doon lang nila napagtagpitagpi lahat.

"P-papa..." tawag ni Jarren na syang pumukaw sa kanilang lahat, nanghihina at nanginginig ang boses nito. "M-mama, saan si m-mama, papa?"

Si Niknik naman nung narinig ang boses ng anak ay walang inaksaya na panahon, mabilis na dinaluhan nya ang anak.

"Baby, andito na si Mama. Anong kailangan mo, kahit ano, ibibigay ko."

"T-there's still another solution, M-mama.." bulong nito

Hope! Yan agad ang nasa isip ni Niknik nang marinig ang sinabi ng anak.

"S-summon your imperial tool, mama.." naguguluhang sumunod si Niknik, "then turned it into a long knife.." ginawa ulit ni Niknik at nung hawakan ni Jarren ang kamay nya ay isa isa na namang nagsipatakan ang luha niya.

"I love you, mama. I love Papa too, and my Titos and Titas even my classmates. The time I spent with all of you is all worth it.."

Sa di malamang dahilan, napaiyak silang lahat. The scene is breathtaking and heartbreaking.

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now