- CHAPTER LVI: The Proposal -

3.1K 84 0
                                    

- CHAPTER LVI: The Proposal -
(Nicolette's POV)

Two days after Jarren's revival, nagkaroon ng malaking pagtitipon sa buong palasyo. It's like a huge welcome back party for me, for my mom and for Baby Jarren.

"Princesss.." tawag ni Jarred sa'kin

"Hmmmm?" I responded na sa labas pa'rin nakatingin, andito pala ako sa veranda ng palasyo habang nakatanaw sa labas.

"My parents are here, I want you to meet them."

Sa sinabi nya, nanigas ako.

"I'm not forcing you, though." agad na bawi nito "We haven't talk about my life for a while now, marami kasi ang nangyari sa academy nitong mga nakalipas na buwan. So, ahm, I want them to know the girl that I love, and of course, Jarren."

Di ako sumagot, di rin sya nagsalita and we're filled with silence.

"Princess--"

"Kinakabahan ako Jarred." sansala ko sa kung ano man ang sasabihin nya, "Panu kung di nila ako magustuhan? Panu kung may iba silang gusto para sa'yo? Panu kung--"

"I love you, princess." sya naman ang pumutol sa sasabihin ko. "There's nothing to be afraid of.."

Kinakabahan man ay ito na ako ngayon, naglalakad papunta sa dalawang tao na nakatalikod sa'min. Nung medyo malapit na kami, kita ko na kung sino ang kausap nila.

Si mom!!

Ang kaninang kaba ay natriple ata, nanlalamig ang mga kamay ko at mukang naramdaman naman 'yun ni Jarred. Bahagya nya itong pinisil tsaka ako nginitian.

"Let me handle this."

And here we are, standing in front of them. Natigil sa pagsasalita si mommy nung makita kami, tas di nagtagal, humarap ang mga magulang ni Jarred sa'min.

"Oh? Jarred anak, nahanap mo na ba ang babaeng--" nung makita ako, agad silang yumuko at nagbigay galang, "Princess, it's our pleasure to finally meet you in person."

"The pleasure is mine po." ako. Di ko kasi alam kung ano ang irerespond ko sa kanila. Tumingin sa'kin si mommy, at basi sa tingin nya, mukang may ideya na sya kung ano ang sadya ni Jarred.

"Kung ano man ang sasabihin mo Jarred, wag dito, marami ang nakamata sa'tin. Sumunod kayo sa'kin."

Dinala kami ni mom sa opisina nito, habang ang mga magulang naman nya ay tahimik lang at nakikiramdam. Ramdam ko ang kaba ni Jarred, but after seconds, tumingala ito at sinalubong ang tingin ni mommy

"Your Majesty, forgive me for my rude attitude but I want to formally introduce myself." hingang malalim "I am Jarred Kent Igneel, and I want you to know that I've been in love with your daughter for thirteen years now."

Nganga!

Napatulala lang ako kay Jarred pagkatapos na marinig ang  sinabi nito. Mom was caught off guard, maging ang mga magulang nito ay di rin ata makapaniwala.

This time, ang mga magulang naman nito ang hinarap. "Mom, dad, I excused myself awhile ago to look for the woman I love and here she is."

Shock pa'rin ang parents ni Jarred, di makapagsalita. Pero nung tumawa si mommy, lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Hijo, relax, masyado kang tensyonado eh. Nasabi na sa'kin ng anak ko ang tungkol sa inyong dalawa, no need to worry, as long as di mo sya sasaktan, magkakasundo tayo."

Agad na namula ang pisnge ko nung maalala ko ang pinangsasabi ko noon.

"Luther, Jennica, give them a break. At bago ko makalimutan, bestfriends ko ang mga magulang mo Jarred."

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now