- CHAPTER XXIII: Ambushed -

2.8K 75 0
                                    

- CHAPTER XXIII: Ambushed -
(Nicolette's POV)

Imbis na magsalita, parehong natahimik kami ni Lolo.

Nahihibang na ba sila? Kung mag-aaklas sila, wala silang laban sa kaharian! Kahit pagsama-samahin pa nilang lahat ang kapangyarihan nila, wala silang magagawa. They will only die!

Asar na napapadyak ako.

Ano ba kasing binabalak nila? Oo! Nabalitaan ko na'rin na kahit sila ay naglalaban laban na, at ngayon naman kaharian na ang kakalabanin nila? Tapos watak watak pa sila?

Aish! Alam ko na baluktot ang pamamalakad ni Tito Nicholas pero pagkakamatay ang gagawin nila! Wala na ba silang pakialam sa mga buhay nila?

"You're wrong."

Napatingin ako kay Kuya Fabio, "Huh?"

"They do care about their lives, that's why they are going to revolt. Hindi na nila kaya ang paghihirap na nararanasan ng mga pamilya nila."

Naikuyom ko ang kamao ko. I made up my mind, "I'll talk to them, one by one."

*krukru*

*krukru*

"Pfffft!" napatingin ako kay Lolo. Doon ko lang nakita ang pose ko.

Naka-yes pose ako habang ang mukha ko ay determinado. May pahampas hampas pa ako sa table na nalalaman.

Pasimpleng napaupo ako at napatingin sa baba.

"Are you really the princess? Unbelievable" naiiling na sabi nito.

"Tseh!" pairap na sabi ko habang nakanguso.

"Ehem. Anyways, all in all, there are five clans, included us.. At dahil ikaw ang prinsesa, ikaw na ang bahalang maghanap sa kanila."

And he disappeared leaving me dumbfounded.

"Lo..?" nagpapaawang tawag ko sa kanya.

He stood up, pumunta sa isang drawer at may kinuha doon. A piece  of folded paper and a watch.

Nung binuklat ko, halos malaglag ang panga ko. Mapa?

Akmang aangal na ako nung tinalikuran nya ako, "Aalis ka pagkatapos mong mag-empake, hala sige, mag-empake ka na!"

Wala na, speechless na talaga ako. Bilib na talaga ako sa mga tao ngayon. Pfft! Mahou holder nga pala sila.

I prepared everything, ang gamit ko na kailangan kong dalhin ang ibang healing candies syempre, reales.

"Ingat ka sa paglalakbay mo, apo! Pagkabalik mo sana may apo na ako sa tuhod!"

"Lolo!!" tili ko.

Natawa lang sya, "Ingat ka dito, lolo. Shunga ka pa naman minsan. Psh! Geh!" tsaka ako nagmartsa palabas.

Simple fitted shirt at isang short lang suot ko. Sa bewang ko andun nakatali ang isang jacket. Pumunta akong shop ng isang wizard na ngayon ko lang ginawa, bumungad sa'kin ang isang babae na maganda na nakasuot ng black robe at pointed hat.

"Welcome, how can I help you?" she asked me without any emotion.

"I want to contact Fabio La Pierro, can you do me a favor?" I asked politely. Aba! Mahirap ng magsungit sa katulad nyang mangkukulam, alam mo na, baka maging butiki ako.

Tumango lang ito tsaka inabala ang sarili. She closed her eyes and after a while ramdam ko na.

"What do you want, princess?" walang ka gatol-gatol na tanong nito.

Lux Princess: Amber NicoletteOnde as histórias ganham vida. Descobre agora