- CHAPTER XLIV: The Trial -

2.4K 67 0
                                    

- CHAPTER XLIV: The Trial -
(Nicolette's POV)

Umaga na. Ito ang araw kung saan nila ako bibigyan ng hatol. Sinabi na'rin ng kawal kanina, I tried asking about Dawn, alam nyo kung ano ang sinagot nya sa'kin?

Tumatanginting na katahimikan

Nanghaba nga nguso ko. Ang hard talaga nila sa'kin! Sabi nya sa'kin, dalawang oras bago ang paghahatol, babalikan nya daw ako rito at ihahatid para makapagbihis. At ito na nga po, naglalakad na kami habang binabantayan ako ng apat na kawal. Bali nasa gitna ako at silang apat ay pinapagitnaan ako. Ganern!

After ilang liko, tumigil kami sa familiar na pinto. Ano pa nga ba? Eh di pumasok na ako. Pagkapasok ko, sumalubong sa'kin si Dawn na seryoso lang ang mukha.

"Umalis na kayo." she commanded, akmang aangal pa sila nung biglang tumalim ang tingin ni Dawn, ayun, di na nakapagsalita at umalis na'rin.

I laughed, "Ang sungit mo pa'rin talaga, bruha ka. Kaya ata di tayo magkasundo noong bata na'tin eh."

"Wag mo ng ipagduldulan. At wag ka ngang tumawa, Amber. Di to nakakatawa!"

I pouted my lower lip tsaka ko sya inirapan. Iginala ko ang paningin ko sa buong sulok ng silid, "Namiss ko rin ang silid na 'to."

Ang silid kung saan kami ngayon ay ang silid ko noon. Walang pinagbago, yung mga laruan ko ay andun pa'rin. Yung higaan ko ay ganun pa'rin.

"Amber..." tawag ni Dawn sa'kin

"Hmmm?"

"Itatakas kita dito ngayon." saad nito sa sobrang seryoso na mukha.

Tinawanan ko nga, kaya ayun, masakit na tingin binigay sa'kin. Kaiyak.

"Walang nakakatawa, Amber. Sabunutan kita dyan eh!"

"Ayokong madamay ka, Dawn. Laban ko 'to, at naniniwala pa'rin ako sa kabutihan na meron si Tito Nicholas."

Nung di nya inalis ang pagkakatitig nya sa'kin, di ko rin iniiwas ang titig ko sa kanya. Gusto kong ipakita na seryoso ako sa mga salitang binitiwan ko.

"*sigh* Fine. Pero kapag alam ko na kailangan ko ng makisali di mo ako mapipigilan."

Napangiti naman ako sa kanya, pinaliit ko yung distansya na'min tsaka ko sya niyakap. Nung niyakap nya rin ako pabalik, napangiti na ako. At napansin ko nalang na nanginginig ang mga balikat nya at mas humigpit pa lalo ang pagkakayakap sa'kin.

"Luh! Wag kang umiyak, nu ka ba. Di bagay yun sa'yo." I joked.

She hissed tsaka inilayo ang sarili, pasimple nya ring pinahid ang mga luha nya tsaka ako hinarap. "Tsk! Sino naman nagsabi sa'yo na umiiyak ako? Sige na nga! Maligo ka na dun, ang bantot mo na." tsaka umirap sa'kin.

Lol! Bago ko pa'man tuluyang maisarado yung pintuan, napangisi ako at sumigaw, "Nga pala Dawn, namimiss ka na ni Tyler. He's worried sick, so I suggest you contact him and tell him how you feel–"

"Amber Nicolette Lux!!!" tili nito

Napahalakhak ako ng sobrang lakas, "Wooosh! Namumula ka– Woah!" maisarado ko yung pintuan ng wala sa oras nung bigla nalang nya akong batuhin ng kapangyarahin nya.

Agad na naligo ako. Dahil nga sa tatlong araw ako pinagkaitan ng paligo, ayun! Tumagal ako ng bongga. Wooh! Saya saya! Lamig ng tubig!

After hundred of years, lumabas na ako wearing a robe. Andun pa naman si Dawn, at sa higaan nakalatag ang mga damit na pagpipilian kong suotin.

"Papayag ba sila na yan ang isusuot ko? I mean, bilanggo ako rito so it should be– asan na yung damit ko na bigay ng kawal kanina?"

"Sinira ko. Face the mirror and imagine clothes you want to wear."

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now