- CHAPTER XXX: The Trial -

2.6K 95 0
                                    

- CHAPTER XXX: The Trial -
(Nicolette's POV)

I took a deep sighed as I scan the whole door. Okay, Amber Nicolette Lux, you're tough! I know you can do it! Aja! Fighting!!

Pero...

Pero.....

Natatakot ako!! Aminin ko, may kakaiba sa punong 'to na syang nagsasabi sa'kin na wag pumasok pero half of my mind is begging me to do the opposite.

There's no turning back! Aja!

"So, papasok ako dyan at all I need to do is to surpass whatever that tree will gonna give. Right?" tanong ko nung humarap sa kanila. I even faked a smile just to ease their fears, kung kinakabahan ako, lalo naman ang mga ito. Lalo na si Miss Courtney na mukang hihimatayin na kahit anong oras dahil sa pamumutla.

"Yup! Goodluck, Amber!" but she mananged to speak.

"Thanks." I smiled widely, sabay thumbs up.

Bago tumalikod sa kanila at harapin muli ang punong ito, tiningnan ko sya. Pero gaya ng inaasahan ko, wala man lang akong nakita na kahit anong emosyon sa mga mata nito. Masakit na ang taong mahal mo ay ganito ang pagtingin sa'yo, pero kahit na masakit, I had the chance to be with him again.

I shook my head, at tumalikod na. Ang gandang timing naman kasi biglang tumulo ang butil ng luha na kanina ko pa pinipigilan. I missed him so much, and it took me a lot of courage not to run on his arms, I wanted to hug him from the very start. But I controlled myself, it's not yet the right time.

Pikit matang pumasok ako sa loob ng pintuan, nung marinig kong sumira iyon, napadilat ako. Wala akong makita na kahit ano, itinaas ko ang kamay ko at kahit 'yun ay di ko makita. Ito na ba ang loob ng punong 'yun? I frantically looked around, pero wala talaga. Puro kadiliman!

"Hello? May tao po ba dito?!" sigaw ko. Palingon-lingon sa paligid, umaasa na may makikita. Weird man pero ang takot na nararamdaman ko kanina ay wala na, oo, madilim pero parang familiar sa'kin ang lugar na'to na ewan.

"Amber..."

Nanlaki ang mata ko sabay tingin sa paligid, isang mala-anghel na boses ang aking narinig. Nakakahalina, nakakapanghina. Napaluhod ako na at doon ko lang napansin na tumutulo na palang luha sa'king mga mata nung mabasa ang kamay ko. Umiiyak ako!

"Amber..."

I cried in silence as I closed my eyes. Hearing my name from that woman, it feels so different. Sa sobrang kakaiba ay napapaiyak nalang ako. Ang bawat bigkas nito sa aking pangalan ay may hatid na kakaiba sa'king pandinig, hindi ko maipaliwanag.

"Kailangan mong malaman ang nakaraan, sa muling pagkagising ng aking kakambal ay kailangan mong maghanda."

"K-kakambal? Ano.. ano po ang ibig nyong sabihin?"

Pero wala na akong narinig na sagot mula sa kanya, imbes na sagot, umilaw ang buong paligid at dinala ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa'kin.

Umuulan, malakas ang hampas ng hangin at maging ang kulog ay galit na galit din. Asan ako? Nasa loob ako ng isang bahay. Di sya kalakihan, tamang-tama lang sa isang pamilya. Gawa ito sa kahoy, medyo magulo pero okay naman.

"Tay! Anlakas ata ng ulan ngayon, may bagyo ba?"

Nanlaki ang mata ko at napatitig sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses ng nagtanong. Isang lalaki na nasa late 40's nito na busy sa ginagawa, a blacksmith. Tapos may isa namang lalaki na nakaupo lang sa sofa sa gilid, pamilyar ang pula nitong buhok na parang umiilaw sa buong lugar.

Lux Princess: Amber NicoletteWhere stories live. Discover now