- Chapter XXV: Queen Celestine -

2.8K 105 0
                                    

- Chapter XXV: Queen Celestine -
(Nicolette's POV)

"Bye Ambs! It's nice meeting you!" paalam ni Ash habang kumakaway at all out ang ngiti.

"It's nice meeting you too, Abo!!" I shouted back while waving my hand.

Nung makalayo na kami, napabuntong hininga ako at napaupo. Hinimas ko yung kamay ko kung saan ang simbolo ni Markus bago tanawin ang karagatan. So far, apat na oras ang kakailanganin bago marating ang Mischievous Island, meaning, four hours of free time.

Isa pa, hindi uso ang caben sa sasakyang pandagat na'to. Passengers find their own places, your own spot where you can sit and do whatever you want. As for me, dito ako sa gilid nakaupo at nakaharap sa malawak na karagatan habang nasa tabi ko ang mga dala ko. Yung mga kasabay ko na pasahero ay kanya-kanyang pwesto na'rin, and I noticed, I am the only girl here. Ramdam ko rin ang mga titig nila sa'kin, yung iba walang pake pero merong iba na kanina pa ako gustong sugurin at naghahanap lang ng magandang pagkakataon. I am wearing a cloak, hiding more than half of my face.

Trip ko lang, pake nyo ba.

Siguro mga kalahating oras na akong nakatunganga sa kagandahan ng dagat nung maramdaman ko na may papalapit sa'kin.

"Pre, tingnan mo oh! Kahit nakatalikod sa'tin, kitang-kita pa'rin ang hubog ng katawan!"

"Kaya nga pre! Tamang-tama ang lugar na'to, ang unang bayan na mararating na'tin ay siguradong kikita tayo ng malaki sa babaeng 'to."

'Master?'

Napabuntong-hininga nalang ako nung marinig ko sa isip ko ang boses ni Markus. I shook my head kaya tumahimik na'rin ito, pero ramdam ko na pati sya ay nakikiramdam na'rin lalo na ngayon at marami na ang nabaling ang atensyon sa'kin dahil sa boses ng dalawang 'to.

"Hi miss, alone?"

I sighed again. I stood up tsaka ko sila hinarap na dalawa, bahagya ko ring itinaas ang hood ko para makita ko ang mukha nila. When they saw my face, rinig na rinig ko ang pagsinghap nila. Hindi lang ang dalawang nasa harapan ko kundi pati ang ilan na nasa amin na ang atensyon. Now that they saw my face, great! Just great!

I have all their attention

"Opo, mga kuya. May maipaglilingkod po ba ako sa inyo?" I asked innocently. I saw how their smirks widened, tiningnan din nila ako ng matamaan mula ulo hanggang sa paa pabalik sa mukha ko. Wala nga ata silang itinira kahit isang bahagi ng katawan ko, sipat na sipat eh. Kahit ang kasulok-sulokan na detalye ay di ata pinalampas.

"Alam mo, miss. Ang unang isla na dadaanan na'tin ay may magagandang lugar at masasarap na pagkain. Pwede ka sumama sa'min, libre na'min. Kahit ano kaya mong bilhin." pangungumbinsi ng isa. He's short, around 5'2, mas mataas pa nga ako eh. Balbas sarado din sya at kahit medyo may distansya pa ang pagitan na'min, amoy na amoy ko ang masangsang na amoy na galing sa kanya at sa kasama nya at isabay mo pa ang alak at tabacco.

"Babalik din naman tayo agad dito pagkatapos na'tin dun eh, sinisigurado na'min sa'yo na di ka magsisisi." the other one. Hindi gaya nung nauna, total opposite sila when it comes to physical appearance. This guy is tall, around 6'3, at dahil sa tangkad nya nagmukha syang sobrang payat. He has a clean cut hair at nakapamulsang nakatitig sa'kin, okay na sana sya eh. Kung di lang namumula mga mata nito na halatang may kung anong nasinghot na ewan, the way he stared at me, halata ng wala din sya sa sarili nya.

"Pasensya na po talaga, pero sampung minuto lang ang inilaan upang makababa at makaakyat ang mga pasahero bago umalis para sa panibagong destinasyon." I declined politely.

"Alam mo, miss, maayos kaming nakipag-usap sa'yo!" sigaw nung mataba

"At maayos din po akong tumanggi sa inyo." I sarcastically replied, I slightly bowed my head at akmang tatalakod na nung bigla nilang hablutin ang kamay ko at marahas na iniharap sa kanila.

Lux Princess: Amber NicoletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon