C6

2.4K 45 0
                                    

Calista's POV

Nakangiti akong bumaba sa sasakyan habang hawak hawak ang tupperware ng cupcakes na pinabake ko pa sa pastry chef nila lola. Balak kong ibigay to kay Tamaki, kapalit na rin ng favor na hihingin ko sakanya.

Napagisip isip ko kasi kagabi na, by Monday, Im sure na ipagpapatuloy ni coach yung naudlot na pagpapakita namin ng skills kahapon. Kaya gusto ko sanang magpaturo kay Tamaki, total ang galing galing naman niya eh! And Im his co- Ice dancer kaya malaking bagay na matulungan niya ako. Who knows? Baka maging kasing galing niya ako. *smirk*

*ding dong*

Inayos ko ang buhok at damit ko pagkapindot ko ng doorbell. I should look presentable. Malaki kasi ang chance na nasa bahay ang parents niya ngayon. Its Saturday. At kung wala man si tito King sa loob, Im sure na nandiyan si tita Jhoanna.

"Ate Cali?" Pambungad ni Sakura ng buksan niya ang pintuan nila. Slight lang ang pagkakabukas kaya hindi ako makasilip sa loob! "Hi Sakura." Bati ko sakanya with my sweetest smile. She smiled at me also and peeked inside. "A-Anong ginagawa mo dito ate?" She asked ng balingan niya ulit ako ng tingin.

Is it just me? O talagang kinakabahan siya!!

"May hihingin sana akong favor sa kuya mo eh. Nandyan ba siya?" I said smiling and tried to peeked inside pero bigo ako!

"A-Ahhh.. Ano kasi ate.. Busy si kuya!" Sagot niya. Nangunot ang noo ko. "Busy saan? Sa pagkakaalam ko wala naman kaming assignments and projects."

"Ahhh ano.. Basta Ate! Busy siya!" Mabilis na saad niya and gaved me her nervous laugh. Mas nangunot naman ang noo ko. Later on, hindi ko na talaga napigilan at napataas na ang isang kilay ko! I wont take that! Masyado akong nageffort na pumunta dito para lang mauwi sa wala!

"May I come in? I want to see your brother." May diin na saad ko sakanya. Hindi na rin naitago ang pagtataray sa boses ko. Tsk! Ayokong pinapatayo ako ng matagal eh! Tsaka lame reason rin naman yung sinabi niya eh! Tsk! May utak ako! Duh!

"Ate hindi talaga pwede eh." Nagpapanic na talaga na saad niya kaya mas napataas ang isang kilay ko. Bakit ba parang kinakabahan siya?! Dont tell me--- I gasp. Naglakad ako papalapit kay Sakura at tinulak ang pintuan, nakipagmatigasan siya pero hindi ako nagpadaig! Wag ko lang talagang malaman na may ibang babaeng pinagkakaabalahan ang Tamaking yun! Grrr! Baka masupalpal ko na siya pag nagkataon! *=_=


"A-At---" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng tuluyan ko ng matulak ang pintuan. I roam my eyes on the house. It landed on two figures of men, standing in the middle of the living room. I gasp.

"Ano bang bahagi ng sinabi ko ang hindi mo maintindihan?" Matigas na saad ni tito King habang nakahawak sa kwelyo ni Tamaki. Nanlalaki pa rin ang mata ko at hindi makapaniwala sa nakikita. A-Ano to? Ito ba ang dahilan ng kaba ni Sakura?

"At ano rin ba ang bahagi ng sagot ko ang hindi mo rin maintindihan, pa-pa." Madiin rin na saad ni Tamaki habang nakahawak sa mga kamay ng ama niyang nakahawak sa kwelyo niya.

I gulped. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Nasa gilid si tita Jhoanna habang kagat kagat ang kuko niya. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagaalala at kaba.

"Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo Tamaki? Anong maitutulong niyan sa buhay mo?!!" Halos mapatalon ako ng isigaw ni tito King ang last sentence niya. It echoed in the four corners of the house. Shit! Nakakatakot siya. Nakakatakot ang boses niya. He looks frustrated. Angry. Really angry.

"Ito ang gusto ko! Ayokong kumanta o sumali sa kahit anong grupo! Just deal with it dad! Wala ka ng magagawa!" Mataas ang boses na saad ni Tamaki. Napasigaw si tita Jhoanna ng ambahin ng suntok ni tito King si Tamaki. Halos mapatili rin ako pero mabuti na lang at napigilan ko!

Behind Her Bitchy LooksWhere stories live. Discover now