C11

2.4K 72 0
                                    

Vote & Comments bb's 😘

~~~~~~

Calista's POV

"Baby?"

I looked at my mom when she called me. Abala siya sa lunchbox na binabalot niya sa isang puting tela.

"Why mom?"

"Can you drop by your dads office for a while? Kabilin bilinan niya kasi kagabi na ipagluto ko siya ng paborito niya eh at sa sobrang pagmamadali niya kanina he forgot to bring this. Nagmamadali rin kasi ako kaya wala na akong oras na ihatid pa ito sakanya." She answered habang abala sa ginagawa niya.

Nagkibit balikat naman ako at pumayag na lang. It's nearly 12 na rin naman at may pasok na kami ngayong hapon. Half day nga lang ngayong araw eh. Just like what I've said, they are planning for the upcoming school fest.

Tumayo na ako at pumanhik sa kwarto ko para kunin na ang bag ko. Nakaayos na ako actually and I'm just waiting for the clock to strike 1 before I go out, eh kaso inutusan ako ng mom ko kaya ayan! Mapapaaga ang alis ko.

Pagkatapos kong bumaba ay nagpaalam na ako kay mommy na aalis na ako. Inilagay ko yung lunchbox sa bag ko and kissed her on the cheeks as I bid goodbye.

Pinagbuksan na ako ng driver ko as I look at my phone. Nagtext kasi yung co- Ice Dancer ko. Saying na may sasabihin daw si coach mga bandang 1. I just rolled my eyes and sat on the back seat as my driver started the engine.

I still dont know how to Ice Dance. I know how to skates already but dancing with ice skates? Ewan ko na lang -_-

Bumaba na ako ng kotse as soon na maipark ito at dirediretsong sumakay sa elevator ng lobby. I hit the 30th floor than up I go.

Habang hinihintay na magstop ay biglang pumasok ang isang song sa utak ko kaya hindi ko napigilan na ihum ito. It was Perfect by Ed Sheeran. Well, I really really love that song and somehow I'm attach to it. Or maybe its just my imagination? Ewan. But I really love the lyrics.

Napatingin ako sa pinto ng elevator ng bumukas iyon. Nasa 26th floor pa lang ako kaya medyo malayo pa ako sa office ni daddy. A woman wearing her business attire and holding 3 envelopes or such entered the elevator.

Bahagya siyang ngumiti saakin nung pumasok siya kaya napangiti rin naman ako kahit papaano. I may be a bitch pero may respeto naman ako! Well, iilan lang naman ang nirerespeto ko eh and I guess this lady can be one of them.

Sumara na ulit ang elevator at umandar na ulit ito pataas. Kaming dalawa lang ang nasa elevator kaya nakakaramdam ako ng konting ilang. Pero siya parang hindi eh, seryoso lang siya kasing nakatingin doon sa hawak hawak niyang envelope.

Hindi ko maiwasan na hihead to toe siya. She's tall. Matangkad pa siya kay mommy at parang hindi rin nagkakalayo ang height nila ni daddy. Mahaba ang buhok niyang nakapony tail ng maayos. Her face was gorgeous pero mas maganda naman ang mommy ko sakanya. Ang ganda rin ng hubog ng katawan niya at may laban rin siya sa kutis. She looks like a supermodel. Bago ba siya dito? Ngayon ko pa lang kasi siya nakita.

Natigil lang ang thoughts ko ng biglang tumigil na ang elevator. Bumukas na ito at naunang naglakad yung babae saakin kaya I cant help but stare at her back. Pati ang paglalakad niya, parang pangmodel.

Napailing iling na lang ako at lumabas na rin ng elevator. Nasusundan ko siya kaya hindi ko maiwasan na mapatitig sa mahahaba niyang biyas papunta sa napakagandang hubog ng bewang niya.

Whoow! Kung magkakasecond life ako, gusto ko ng ganyang katawan! It's so perfect!

The woman stopped infront of my dad's office kaya nangunot ang noo ko. After tumango ng secretary ni dad ay pumasok na siya sa loob. Nakakunot noo naman akong lumapit sa secretary ni dad.

Behind Her Bitchy LooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon