C77

1.2K 16 11
                                    

Calista's POV

Humigpit ang hawak ni Tamaki saakin pagkatapos ng mga sinabi bago niya ako tuluyang kinaladkad palabas. Wala akong nadatnan na tao sa labas ng kwarto kaya dirediretso ang lakad namin patungong elevator. Tahimik kaming sumakay kasabay ang iilang hospital staff, at tahimik ring lumabas at umalis ng hospital.

Sakay ng taxi, pauwi, ay wala akong imik. Tulala lang ako sa labas ng bintana habang parang sirang palakang nagpaulit-ulit saaking isipan ang naging tagpo kanina. Words can't express how I feel right now. Halo halo na-- yung guilt, yung takot sa mga mangyayari pagkatapos neto, yung lungkot, yung... saya.

I'm happy. No--- that word is an understatement. I'm ecstatic! Euphoric. Gusto kong magtatalon sa tuwang nararamdaman ng puso ko. Gusto kong magtititili, sumigaw, ipagmayabang ang lahat ng mga narinig ko mula sa lalaking unang nagpatibok ng puso ko. If this is a dream, then I don't want to wake up. If this is an illusion, then I'm willing to trap myself in it. The pain was wiped out and was replaced by the overwhelming happiness that Tamaki made me feel.

Pero may pumipigil saakin na tuluyang maging masaya at yun ay ang takot.

When we reached home, walang buhay kong hinawakan ang pintuan ng taxi at itinulak iyon pabukas. Katulad kanina, naunang nakababa saakin si Tamaki at agad umikot para alalayan ako sa pagbaba. Hindi ko siya binalingan at pinanatili ang mga mata sa kawalan habang tikom na tikom ang bibig. He turn to the driver to pay pur fair before he followed me inside our house.

Wala akong nadatnang tao sa loob kaya katahimikan ang bumungad saamin. Wala sa sariling nagtungo ako sa hagdan at walang lingon likod na umakyat sa aking silid. Puno ng maraming palaisipan ang isipan ko ng makapasok sa kwarto at nilinisan ang katawan. Hindi ko na nasundan pa ang ginagawa ko. All I knew is that, after I got rid of my gown, I entered the bathroom and let myself drown with all my thoughts.

This day has been very long for me. Ramdam ko na ang pagod at pamimigay ng bawat buto ng aking katawan pero kahit ganun, hindi ako makaramdam ng antok. Not with my mind all haze up. Gusto kong malinawan. Gusto kong mawala ang takot na unti unting binabalot ang bagong hulmang puso ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi nagiging malinaw ang lahat saakin. I'm ready to listen.

Thinking about it, I never gave Tamaki a chance to explain everything to me. But that's because he didn't ask me nor pursue me to give him one. Kaya siguro hindi na rin ako nagkaroon ng kahit katiting na pag-asa na maaayos pa namin kung ano man ang nasimulan namin. Because I thought it's okay for him to be that way. That he was just really an ass and made me his other woman. But after what I've heard ealier, I know that it's far from that.

Suot ang hanggang tuhod na bathrobe, basa ang buhok na lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa baba. Hindi na ako nag-aksaya pang suklayin o tuyuin ang aking buhok at hinayaan lang itong nakalugay habang tumutulo. Akala ko ay nakauwi na si Tamaki pagkatapos ko siyang iwan at balewalaian pero laking gulat ko ng makita itong nakaupo sa sala at tahimik na nakatulala sa kawalan.

Natigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ang kalahati ng mukha netong seryosong nakatingin sa harapan. He was sitting on one of our sofas with his legs spread awide. Nakatukod ang dalawang siko sa kanyang magkabilang binti at magkasalikop ang kanyang mga kamay. He was still on his tux with his hair slightly messy. My heart reacted at the sight of him.

"T-Tamaki?"

Agad itong bumaling saakin at tumayo. Lumakas ang tibok ng puso ko lalo na ng matagpuan ng mga mata neto ang akin. Nagpamulsa ito at ngumiti dahilan para umawang ang mga labi ko sa mangha.

"Akala ko hindi ka na bababa." May halong lambing na anito dahilan para mapakurap ako.

Dahan dahan itong umikot sa sofa at naglakad patungo saakin. Pinagmasdan ko ang bawat hakbang niyang nagpapalakas ng tibok ng puso ko. Namumungay ang kanyang malamig na mga mata habang titig na titig saakin.

Behind Her Bitchy LooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon