C12

2.4K 63 0
                                    

Please follow me bb's 😘😘 And don't forget to vote and comment 😚


~~~~~~~~~~~~~~~~~

Calista's POV

Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nawawala ang ngiti sa labi ko eh! Shucks! Nagsimula lang naman ito ng magsimula akong turuan ni Tamaki.

Hindi ko alam!! Kyaaahhh!! Bakit ganto ang nararamdaman ko?! Ang saya saya ko at parang may something sa tiyan ko na nakakakiliti!!! Nababaliw na ba ako?!

Si Tamaki kasi eh!! Yung gagong yun! Hawak ng hawak saakin kanina! Haha! Hinahawakan niya ang kamay ko para iguide ako sa pagskate. Hinahawakan niya ang likod ko para makeep ang balance ko. Hinahawakan niya ang tiyan ko kapag may stunts na gusto niyang ipagawa saakin. My God! Immune na immune ako kanina sa hawak niya at naiinis ako dahil natutuwa ako sa mga pinaggagagawa niya! God Calista! Ang harot harot mo talaga XD.

Pumasok ako sa kwarto ko ng nakangiti. Sumandal ako sa pintuan at napakagat sa ibabang labi ko habang inaalala ang seryosong mukha ni Tamaki na hinahawakan ako. Ang gwapo niya talaga. Bakit kaya may mga nilalang na biniyayaan ng angking kagwapuhan? Katulad ng dad ko. *chuckles*

"Magconcentrate ka Calista!" Saad niya ng makitang nakatitig lang ako sakanya. Natauhan naman ako doon at napaiwas agad ng tingin. I felt my cheeks heating up ng mapagtanto kong titig na titig pala ako sakanya! God Calista! Nakakahiya ka!

"Stretch your arms and also bend your back like this." Saad niya and bended his back. Ginawa ko naman yun kaya lang bigla akong naout balance kaya agad na naglanding yung pwet ko sa yelo!

Napadaing ako at napamura ng mahina dahil ang sakit! Fushia! Pwede pa bang magbackout?! Feeling ko mafaflat ang pwet ko neto eh T^T.

"Tayo. Hindi pwedeng basta ka na lang susuko kapag nahulog ka. Bumangon ka." Saad niya sa seryosong tono kaya napatingin ako sakanya. Bahagya pa akong nagulat ng makitang nakalahad ang kamay niya sa harapan ko.

"Take it. It's okay. I'll hold you tight." Saad pa niya ng makitang nakatitig lang ako sa kamay niya. Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Bakit parang double meaning yung naging epekto saakin ng sinabi niya? Shucks! Nababaliw na ako!

Inabot ko na lang ang kamay niyang nakalahad. Hinila niya ako patayo pero agad akong napakapit sa braso niya dahil madulas talaga at hindi pa ako masyadong sanay sa texture ng ice and ice skates.

"You okay?" Napatingin ako diretso sa mata niya ng magsalita ulit siya. Napalunok ako at marahan na napatango sabay iwas ng tingin dahil ang lapit lapit ko sakanya!! Waahhh!! Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?! Pakshit! Anong ibig sabihin ng kalandian na ito?!

Bumitaw na ako sakanya dahil hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nakuryente sa hawak niya. I cleared my throat sabay sabing, "I-Ipagpatuloy na natin." Na siyang tinanguan niya naman.

At ang titigan at paghuhurumentado ng puso ko ay nasundan pa habang patuloy na naglalapat ang kamay namin.

Napangiti na naman ako ng maalala ko iyon. Ang gwapo gwapo niya sa paningin ko kanina. Ang sarap niyang halikan. Ang sarap niyang yakapin. Ang sarap sarap niyang angkinin!!

Napahalakhak ako sa huling naisip ko at napailing iling na lang. Soon. He'll be mine soon.

Naligo lang ako saglit at nagbihis bago bumaba para tingnan kung ano ang dinner namin. Naabutan ko naman si mommy na busy sa pagluluto kaya napangiti ako.

"What's for dinner mom?" I asked habang may ngiti sa mga labi. Napatingin naman siya saakin habang may something na nilalagay doon sa pot.

"Adobo baby." She answered smiling kaya mas napangiti ako. Tuluyan na akong pumasok sa kusina at naupo sa high chair na nandoon. Nangalumbaba ako at pinagmasdan lang si mommy sa pagluluto.

Behind Her Bitchy LooksWhere stories live. Discover now