C56

1.3K 36 4
                                    

Leila's POV

'Great! Mabuti na lang at nakauwi na 'yang asawa mo! Tagal rin nawala ng gunggong na yan ah? Pinapabayaan ka?!'

Natawa ako at napailing dahil sa text message ni papa.

It has been 3 days since Zyler came home. 3 days of being happy in the arms of my husband while bearing a little angel in my tummy. Kagaya ng nauna kong pagbubuntis, todo asikaso si Zyler at halos hindi na matulog, masiguro lang ang kalusugan ko. The doctor adviced so many tips for my health dahil medyo maselan raw ang pagbubuntis ko ngayon kaysa sa nauna. I got alarmed at first, but the doctor adviced that as long as I'm happy and relaxed, walang mangyayaring masama sa bata.

At yun ang ginawa ng dakilang si Zyler. He never failed to make me happy for the past days na feeling ko ay mapupunit na ang labi ko sa kakangiti. He was very caring! And call me a flirt and all pero, kinikilig ako sa paraan ng pag-aalaga niya.

"Morning, 'my."

Bumaling ako sa nagsalita at napangiti ng makita si Cali. This is one of the days na busy siya sa school kaya hindi na rin kataka taka pa ang kanyang get up. It was her usual clothes, anyway. Although, I just can't really help but worry because her top is really exposing her bellybutton.

"Morning, Cal. Kain ka na." Ngiti ko habang iminimwestra ang hapag.

She smiled and nod before taking her usual sit. Ngumiti rin ako bago dinungaw ang entrance ng kusina para makita kung nakababa na ba si Zyler o hindi. What's taking that man so long? Gising naman na siya nang inakyat ko, ah?

"Mom, you should eat na." Bumaling ako sa anak dahil sa sinabi, "It'll be bad for you and for my sibling kung magpapalipas ka ng gutom. At kabilin bilinan ng doctor na kumain ka sa tamang oras!" She said.

Napangiti ako at natawa dahil sa sinabi niya.

Like we expected, Calista freak out when she knew about my pregnancy. She was hysterical to the point that she almost cried! She was like, "Bakit ba kasi nagpabaya kayo?! No! Hindi ko 'to matatanggap! I don't want it! Get rid of it, mom! Get rid of it!" with matching stamping of feet pa at marahas na waksi ng kamay.

I got annoyed that time and was really in the urge to scold her but, Zyler stopped me and said that he'll handle Cali for me. Kinausap niya si Cali ng silang dalawa lang at nagagalit man, hindi ko maiwasang mag-alala na baka nga hindi matanggap ni Cali ang pagbubuntis ko. She was raise as the only child at nasanay siyang siya lang ang pinagkakaabalahan namin ng daddy niya.

Also, I'm scared of the thought na baka matrigger na naman ang damdamin niya at mauwi na naman sa depression ang lahat. Ayokong maulit ang nangyari sakanya noon. It was like hell for me when she got depressed 6 years ago. It was traumatizing.

Kaya labis na lang ang tuwa ko ng makita siyang umiiyak kinabukasan. Finally accepting her little sibling with a strain, yet, smile on her face.

"Alright, doctora." I tease her dahilan para mapabusangot siya. I giggled and pinched her cheek, "Pero bago yun, I'll just call your father to join us, okay?"

She heave out a sigh before rolling her eyes. I chuckled and shook my head bago napagdesisyunang maglakad paakyat ng kwarto para sunduin ang asawa.

Thinking about it, what's taking him so long? Ganun ba katagal ang 'shower' na sinasabi niya at hanggang ngayon ay hindi pa siya tapos? This man! Hindi naman niya na kailangang magpapogi eh. *blush*

Ngiting ngiti kong pinihit ang doorknob ng aming kwarto at agad iginala ang mata para mahanap siya. Katahimikan. Walang kahit anong ingay ang bumungad saakin kaya agad akong nataka. Asan siya?

Behind Her Bitchy LooksWhere stories live. Discover now