C68

1.4K 34 23
                                    

Calista's POV

Hindi ako pinatahimik ng sinabi ni Dorothy. Pagkatapos ng pageant, kokomprontahin ko sana siya pero agad siyang nawala sa dagat ng mga estudyante. Sinubukan ko siyang hanapin sa labas ng campus pero wala. Maging si Rapha ay hindi ko nahanap.

Kaya wala akong ibang choice, pagkatapos sumuko sa paghahanap sakanila ay kumaripas ako ng takbo palabas ng school. I didn't bother to wait for Tamaki nor text him sa pagmamadali. Besides, hindi ko alam kung humupa na ba ang inis niya saakin.

Wala akong nadatnang tao sa bahay ng makauwi. Nangunot ang noo ko pero agad ko iyong iwinaksi at tumakbo na lang patungo sa aking kwarto para magbihis. Wherever dad is, I know he's safe because I trust him. Well, I pray that he won't do anything that can harm himself.

(Hello?) Bungad ni Jacen ng sagutin ang aking tawag.

"Pick me up." Ani ko habang mabilis na isinusuot ang simpleng dress na above the knee. Nakaloud-speak ang cellphone ko na nasa ibabaw ng bed side table.

(Yep, I will. Magbibihis lang ako.) Ani niya. Nakarinig ano ng kaluskos sign na gumagalaw na siya kaya agad ko ng ibinaba ang tawag.

I applied light make up and tie my hair in a messy bun. Sinuot ko ang gold gladiator shoes, terno sa kulay peach, backless, dress na aking suot bago hinablot ang purse na nakasabit sa gilid ng aking salamin. Matapos masatisfy sa ayos, kumaripas na ako ng takbo palabas ng bahay.

The sun was setting when I got out. Maggagabi na rin at medyo malamig ang simoy ng hangin dahil sa Disyembre na. I shiver when the cold wind hug me but still, I remain outside the gate. Hindi naman ata ako mamamatay sa lamig.

"San po ang punta niyo, Ma'am Cali?" Tanong ng guard namin na siyang nakatambay lang sa hamba ng gate.

"May mini gathering kami sa pavilion. Welcome party ng mga Reyes." Sagot ko.

Yes, I'm going. Hindi dahil sa gusto kong makisaya sakanila kundi sa kagustuhang kausapin si Dorothy tungkol sa sinabi neto kanina. Hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ko nalalaman ang ibig niyang sabihin. I want it to know because I have a gut that it has something to do with Tamaki. Rapha is involve... and she and Tamaki has this little secret that they don't want to tell me. And Rapha's uneasiness earlier made me think that whatever that secret is, may kinalaman yun kay Dorothy.

At aalamin ko yun ngayon din.

"Ah ganun po ba?" Tumango lang ako sa guard.

Sinilip ko ang cellphone ko at napakagat labi ng makitang wala ni isang text message na bumungad saakin. Jacen is still getting dressed but Tamaki... fvck. Ganun ba talaga kalala ang inis niya saakin? I mean--- I wasn't serious! 'Tsaka sinabi niya rin naman yun dati diba? Tss. Hindi naman ako nagreact, ah?

"Manong," I called the guard after I heave a sigh. Agad naman siyang bumaling saakin with a questioning look.

"Si daddy... uhh... alam mo ba kung saan siya nagpunta?"

"Ay hindi po, ma'am. Hindi po kasi nagsabi, eh." Napatango tango ako sa sinabi niya. "Pero hindi pa naman po matagal ng umalis siya. Siguro mga limang minuto lang ho ang agwat ng pag-alis niya at pagdating mo." Pagpapatuloy neto.

Nangunot ang noo ko at agad napaisip. Where could he be at this hour?

Hindi na ako nagkaroon pang dugtungan ang iniisip ng pumarada ang isang kulay puting Vios sa harapan ko. Agad bumukas ang backseat at sumilip si Jacen na siyang binungaran ako ng kanyang seryosong mukha.

"Kanina ka pa naghihintay?" Anito na siyang inilingan ko lang.

Nagpaalam na ako kay manong guard at agad pumasok sa sasakyan ni Jacen. After he signaled the driver, the car took off and is now heading to the pavilions location.

Behind Her Bitchy LooksWhere stories live. Discover now