C15

2.4K 54 5
                                    


JM: I'm back!!!!! 😂😂

~~~~~~~~~~~~~~~~

Calista's POV

~Baby, I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song
When I saw you in that dress
Looking so beautiful, I dont deserve this
Darling, you look perfect tonight.~

Nakahalukipkip lang ako habang nakatingin sa stage na nasa unahan. Yung inis na nararamdaman ko kaninang umaga ay nawala na. Napalitan iyon ng isang kakaibang kaba na palagi kong nararamdaman sa nagdaang ilang araw. The unfamiliar feeling that I always feel whenever Tamaki's close.

Napatingin ako sa mga paa ko habang patuloy pa rin sa pagkanta ang bokalista ng isang banda. Gabi na kaya madilim sa paligid. Tanging ang ilaw lang sa stage ang nagsisilbing liwanag sa gabi-- well, plus the moon and the stars.

Pasimple kong tiningnan ang lalaking nasa tabi ko. Kalmado ang mukha at mata niya habang nakatingin sa unahan. Nakasiksik ang dalawang kamay niya sa pants at taimtim lang na nakikinig sa musikang dumadagundong sa paligid. Ano ba talaga ito? Naguguluhan na ako. Am I--- *sigh*

Napakagat labi na lang ako at tinuon na lang ang pansin sa unahan. Maraming tao ngayon dahil free ang performance na ito ng isang sikat na banda. Nagulat nga ako ng dinala ako ni Tamaki dito eh. I never expected this. Akala ko matatapos ang araw namin na puro rehearsals lang. Pero hindi.

Katulad ng sinabi saakin ni Ash, Tamaki teached me the stunts na siyang ipeperform ko sa mismong recital day. At tama nga si Ash ng sinabi niyang Perfect ang music ng gagawin kong sayaw. It was easy because it has a slow and ballad rhythm pero may mga instances na nahihirapan pa rin ako. 1 week from now is our recital day at sinabi saakin ni Tamaki that he'll be teaching me my performance sa remaining days. Doon na lang daw kami magfofocus.

We had lunch together sa isang fast food na nasa gilid lang ng Ice Rank. Hindi ko alam kung ano yung kinain ko pero balewala na saakin yun kanina. That time, my brain is focused on one thing.

Bakit hindi ako mapakali?

Pagkatapos naming mananghalian ay nagrehearse ulit kami. His moves was so graceful, paminsan hindi ko namamalayan na natutulala na pala ako sakanya. Kulang na nga lang tumulo ang laway ko eh and I really hate this feeling!! Hindi rin iisang beses na naramdaman ko na parang nagsslow motion ang paligid ko. Urrrghhh!! Seriously! What is wrong with me?!

And then after rehearsal, he drag me here. Masakit pa ang paa ko and I keep on frowning that I want to go home pero hindi niya ako pinakinggan. 4pm kami nakapunta dito and I keep on protesting to him na napapagod na ako, na masakit na ang paa ko pero hindi niya talaga ako pinapakinggan. Kaya sa huli, wala na naman akong nagawa.

6pm nagstart yung banda kaya inabot kami ng dalawang oras sa kakahintay! And swear! Mukhang namamaga na ang paa ko sa sakit!!

Nung una medyo naiinis pa ako pero kalaunan hindi na. Lalo na't nakikita ko sa mukha niya na nasisiyahan siya sa nakikita at naririnig niya. Yung tipong gustong gusto rin niya ang musika. Yung parang iyon talaga ang passion niya. And I can't help but be confuse. His father wants him to enter the music industry pero ayaw niya. Instead he took up Ice Dancing. Kung tutuusin mas cool nga tingnan kung magmumusic na lang siya eh. But why? Why Ice Dancing?

~I dont deserve this
You look perfect tonight~

"Maraming salamat sa pagpunta mga kaibigan!! Hanggang sa uulitin!"

Napatingin ako sa stage ng marinig ang sigaw ng bokalista ng banda. Kumakaway kaway pa siya habang ngiting ngiting pinagmamasdan ang dagat ng mga taong pawang mga humihiway at kinikilig.

Behind Her Bitchy LooksWhere stories live. Discover now