C58

1.5K 32 5
                                    

Calista's POV

Mabilis kaming nakarating sa mall na tinutukoy niya. Pagkatapos ipark ang kanyang motorbike, inalalayan niya akong bumaba at siya pa mismo ang nagtanggal sa helmet ko kahit kaya ko naman.

"Are we good?" He ask out of the blue dahilan para mapatingin ako sakanya.

Nang tuluyan niya ng naalis ang helmet ay bumaba ang tingin niya patungo sa mata ko.

"Not mad anymore?" Nanunuyang saad niya pagkatapos ngumisi.

I rolled my eyes, "Kailan ako nagalit sayo?"

"Don't deny it, Calista. You're not that really hard to read." Pinitik niya ang ilong ko dahilan para matampal ko siya sa braso.

"Masakit!" He laughed before closing our gap to give my lips a one swift kiss.

Natulala ako dahil doon.

"Your so cute when your jealous." He giggled.

Natameme na ako at hindi na nakapagsalita pagkatapos nun. Hanggang sa makapasok kami sa mall, na kinakaladkad niya ako, ay nanatiling tikom ang aking bibig. Tahimik lang ako habang pilit na pinoprocess ang lahat sa pagitan namin ni Tamaki.

Okay na ba kami? Teka, nag-away ba kami? Ako lang naman yung masama ang loob sakanya, eh. Nawala na ba agad ang sama ng loob na yun?

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Wala na. Wala ng mabigat na nakadagan saaking dibdib. I feel relieved compared for the past days. And darn, I can't believe that it was that fast.

Patuloy niya akong kinaladkad hanggang sa pumasok kami sa isang restaurant just in the second floor. Isa iyong high end restaurant at pagkapasok ay mafefeel mo agad na hindi nga mga ordinaryong tao ang kumakain doon.

"Good evening sir, ma'am," bati ng isang babae na siyang nasa hamba ng pinto.

"Ah, I'm Tamaki Forer. My mon reserved a private room?" Tamaki said that made the girl nod in an instant.

"Ah! Mrs. Forers reservation. This way sir." Iginaya niya kami patungo sa isang pasilyo, opposite kung nasaan ang mga taong nagsisikainan sakani-kanilang lamesa.

Kumpara sa labas, tahimik ang pasilyo at mas dim ang yellowish na ilaw. Tamaki was still holding my hand. At bahagyang humigpit iyon ng tumigil kami sa tapat ng isang mahogany na pintuan.

I look at him as the girl server knock on the door. He was blank. But his grip was tensed. At mas lalo kong naramdaman ang pagkatensyunado niya ng mabuksan ang pintuan.

"Mrs. Forer?"

Bumaling saamin ng nakangiti si Tita Jhoanna. I smiled when our eyes met pero agad rin naman iyong nawala ng makita kung sino ang kasama niya.

"Tamaki! Mabuti naman at pinagbigyan mo ang favor ko." Ngiting ngiting saad ni tita habang natayo.

Tumikhim si Tamaki bago ako kinaladkad papasok. Bahagyang yumuko yung babaeng server bago marahang sinara ang pintuan at umalis.

"Ofcourse, mom."

"And who do we have here? Calista, ija! Mabuti naman at pumayag kang sumama sa unico ijo ko. This will be great! Sayang nga lang at hindi pumayag si Sakura." Ngumuso si tita dahil sa huling sinabi na siyang nginitian ko lang ng pilit.

Bumaling ako sa lalaking nasa kanyang likod na hanggang ngayon ay prenteng nakaupo. Nakangisi ito habang nakahalukipkip at bahagya pang pinaglalaruan ang labi na para bang natutuwa sakanyang nakikita.

"Alam mo naman kung bakit ayaw sumama ni Sakura, ma." Tamaki answered coldly bago bumaling sa lalaking nasa likod ng kanyang ina.

Mapait na ngumiti si tita bago bumuntong hininga.

Behind Her Bitchy LooksWhere stories live. Discover now